Chapter 7

15 1 2
                                    

Nick's POV

Nasa bodega kami ngayon kung san dinala ng mga hayup na SkullCrew ang ibang CrewFam halos maiyak iyak pa si Princess kanina dahil nalaman niyang siya ang dahilan ng pagkakadukot sa mga ito.

Gusto kasi ng skullcrew na manalo sila sa dance competition na yun kanina pero para mas makasiguro silang mananalo sila eh gumamit sila ng ibang grupo para lang manalo. Ang mga loko walang tiwala sa sarili at kailangang iba pa ang ilaban nila samin pero kahit iba pa man ang ilaban nila samin alam naman naming kami na talaga ang mananalo dahil tilian palang ng mga tao sa loob ng mall ay alam na kung sino talaga isama niyo na pati ang performance kahit 5 lang kami. Nadala naming lahat ang grupo kahit kulang kulang kami. Pero eto si gabriel na to ay ginawang pain samin ang ibang crewfam para maipanalo kung hindi daw ang crewfam o si princess ang dadalhin nila dito at sila na ang bahala kung anong gusto nilang gawin kay princess. Papayag ba naman kaming gawin nila yon? Kaya napag kasunduan naming 4 na ang ibang miyembro na lamang at wag na ang kaisa isang babae sa grupo namin na si Kaycee. Alam naming hindi kakayanin ng kaycee na yun ang gagawin sakanya. Gusto lang naman nilang maging kabilang kami sa grupo nilang fraternity at magsamasama para mas maging malakas pa ang skullcrew -_- Mga mukhang palengkero na nga ang mga ito eh naghangad pa na maging kabilang ang grupo naming sikat na sikat? Aba sino bang may gusto? At alam ng bawat grupo na hindi kailngang masaktan para lang mas lalong umusbong ang pangalan namin at ng grupo.

Papasok na kami sa bodega kung saan dinala ang ibang miyembro.

*Boooogsh

Linakasan ko talaga ang pagsipa sa napakalaking gate na to bilang sensyales na nandito na kami.

"Kapag may nagawang masama ang gab na to sa grupo natin handa ba kayo?" tanong ko kila steven, aron at peter.

"Oo pre handa kami" sagot naman nila

"May mga dala ba kayo?"

"Wala dito ang gamit namin pre"

"Kaya naman kung suntukan lang"

Oo nga naman kaya naman namin sila kahit gaano pa sila karami. Naranasan na din namin to dati, kaso kasama nga lang si Princess sa mga ganitong bakbakan.

May paparating na ata malapit sa gate kung saan kami ngayon nakatayo. Pagkakita na pagkakita ko ang napakalapad ng ngiti ni gab ang sumalubong samin.

"Buti naman ay nakarating kayo?"

"Bakit sa tingin mo aatrasan ka namin?!" -Peter

"Yeah! Stupid!" -Aron

"Oh nasan na sila?"

Inilahad niya ang kamay niya sakin na para bang nag aaya na isayaw ko siya.

"Bat hindi muna kayo pumasok at silipin ang napakaganda kong mansyon"

Mansyon? Bodega nga lang yang tinitirhan nila kasama ang iba pang miyembro ng fraternity nilang puchu puchu wala namang sinabi. Sa dati naming grupo -_-

"Tss" maikli kong sagot sakanya sabay ngiti ng nakakaloko.

Habang naglalakad kami may naririnig akong sumisigaw. Sa tingin ko ay nakatakip ang kanyang bibig kaya hindi niya masabi ang gusto niyang masabi.

"Mmm mmm mmm"

Parang pamilyar ang mga sunod sunod na boses na naririnig ko. Pero sigurado akong hindi naman siya yun dahil nasa bahay lang siya at ipinagluluto na kami ngayon.

"Here!" sigaw samin ni gab

Nakita ko ang grupo ng mga lakaki n halos lahat sakanila ay nakaposas at may tape sa mga bibig nila.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon