"Pre bar daw tayo ngayon"
"Saan naman?"
"Si ethan na daw ang bahala eh."
"Tss baka san nanaman tayo dalhin niyan."
Si ethan. Pasimuno nanaman sa kalokohan. Mang bababae lang yun sa bar eh. Lalaklak ng marami tapos magpapaakay susukahan ka sa damit. To namang si Rex atat na atat ding mag Bar namiss ata ang Bar sa pinas eh. -_- gusto rin atang mambabae. Ibang klase talaga si ethan kung makahawa sa mga kagrupo namin eh.
"Ano pre sasama kaba?"
"Oo" kinuha ko na ang leader jacket ko sa sofa.
Lumakad na kami palabas ng hotel.
"Uyy pre! Kala ko hindi ka sasama eh!" -Ethan
Inakbayan niya ako at tinapik tapik ang likod ko
"Mambababae ka lang dun eh."
"Ako pa ba?" sabay kindat sakin
"Ulol! Magseryoso kana oy!"
"Oo nga. Oo nga!" sigaw naman nila rex tsaka iba pang kagrupo ko
"Tss. Pagbigyan mo na ko kim. Hahanapin natin ang prinsesa mo pagtapos neto" inakbayan niya ko
"Sus. Isang linggo na nga tayong nag ba-Bar eh wala pa din yung sinabi mo. Boka mo din eh" sabi ko habang tinatanggal ang braso niya sa balikat ko
"Boom talkshit pala pre?" sabi ni rex
Umamba naman na susuntukin ni ethan si rex. Pero biruan lang naman yun tinatakot niya lang si rex. Pero isang malaking himala nalang kung matatakot si rex sakanya.
Sa laki ba naman ng katawan ni rex eh kesa ke ethan. Lumamang kasi si rex simula ng mag gym siya. Mas lalo ngang dinumog ng mga chikababes tong si rex kaysa ke ethan. Nanawa ata sa pagmumukha ni Ethan kaya kay Rex naman ang ipinalit.
"Oh tara na tara na! Baka anong oras nanaman tayong makauwi. Aakayin ka pa namin diba ethan?" pang-aasar ko sakanya
"Lul!"
"Hahahaha!"
Sumakay na kami sa color black na matt na kotse ni Ethan. Ang loko sinamantala ang erpat niya. Nauto nanaman niya ang uklubing yun. Iba talaga si ethan.
Nagmaneho na si ethan. At nagbabatuhan naman kami ng pagkain sa loob ng kotse.
"Oy oy marumihan ang bago kong kotse. Kayo ang mag ca-car wash dito" habang hinihimas ang harapan ng kotse niya
"Bayaran ko pa to eh" sabi ni rex
"Sus pang bili nga ng wax dika makabili eh" pang-aasar ni ethan
Dakilang kuripot kasi to si rex. Pero pagdating sa mga inuman at babae lumalabas lahat ng kayamanan niya at ng pamilya niya. May sarili na ring kasing kompanya tong si rex.
Kaya siya inaasar palagi ni ethan kasi madalas na nanghihiram siya ng wax kay ethan. Minsan nga tinatago na ni ethan lahat ng branded na wax ni ethan eh. Para matulak na makabili ng sariling wax si rex.
"Sus. Inuman nga dika makatagal eh"
"Uuuuuuuuuw!" pang-aasar namin kay ethan
Barado nanaman si ethan kay rex.
"1v1 mamaya oh" sabi ni ethan
"Wag na baka sumuka ka pa" sabay tingin samin ni rex habang tumatawa ng malakas
"Sus takot ka lang eh" -Ethan
"Baka takot?" sabay kiss niya sa braso niya na ma muscle muscle.
BINABASA MO ANG
You found me
Genç KurguBabae na kung umasta ay lalaki? Babae na hindi marunong kung pano magsalita at kumilos na parang isang babae? Babae na hindi gusto ang kulay na Pink at naiirita sa mga taong nag e-english? Tawagin natin siya sa pangalang Kaycee. Isang sikat na Dan...