Chapter 29

5 0 0
                                    

Pumunta dito sa tinitirahan ko sina nick para manggulo nanaman. Buti nga at pumunta sila dito para malibang manlang ako. Pano hindi pa rin ako maka move on sa nangyari kahapon sa beach -_- naiinis ako kay kim.

"Oh ikaw naman princess truth or dare?" -Nick

"Dare nalang .."

Naglalaro kami ngayon ng spin the bottle tapos kapag naturo sayo papipiliin ka nila kung truth or dare. Kapag truth magtatanong sila tapos kailangan mong sagutin. Tapos kapag dare naman maghahanap sila ng pwede idare sayo na gagawin mo sa ayaw at sa gusto mo.

"Ah dare daw mga tsong" -peter

"Matapang to matapang" -steven

"Yeah" -aron

Una inikot muna nila ang bahay ko pagkatapos ang bumalik sa sala para ibigay ang dare na gagawin ko.

"Ano na?"

Hindi naman halatang nagmamadali ako noh? Dare na nga to eh. Hahaha!

"Easy. Atat ka eh" -nick

"Tsk. Ayokong pinaghihintay ako"

"Owwwwww." -steven

"Nick bilisan mo na nga ang pag-iisip ng mapahiya na to si kaycee" -peter

Tinarayan ko naman sila.

"Yun!"

Gulat naming sigaw ni nick.

"Ano yun pre?" -steven

Nagbulungan ang apat tsaka tumingin sakin ng napaka weird -_-

"Ano na? Tagal!"

"Hahaha!" tawanan nila sabay nag apiran

"Nakikita mo ba yung ale na nasa labas?"

"Oo anong meron sakanya?"

"Tapos yung street na maraming tao ang dumadaan?"

"Oh ano nga?"

"Alam mo ba yung daan na yun?"

"Oo bakit ano nga yun?"

"Hindi dun ang papuntang heaven"

Nagtawanan ng malakas sina nick. Grabeng trip ang ginagawa nila sakin simula nung mga nakaraang araw pa. Pumunta ba sila dito para pagtripan ako? Tinawag pa nila kong princess kung api-apihin nila ko parang mas aping ape pa sa daga.

"Pakyu!"

"Haha eto na seryoso na to" sabay akbay ni nick sakin

Nakinig lang ako sa sasabihin niya.

"Kung nakikita mo yung aleng nasa labas na yun na nakaupo at nanglilimos sa mga taong dumadaan"

Kinabahan naman ako dun dahil mukhang alam ko na ang ipapa dare nila sakin.

"Gayahin mo yun! At ang unang lalaking magbigay sayo ng barya. Dadalhin mo dito sa loob at paglulutuan mo ng menudo."

"Ha ano?!" sigaw ko ng malakas sa tenga niya sinadya ko talaga yun. Kabaliwan kasi ang naiisip niyang dare para sakin

"Ayoko!" sabi ko

"Pero pinili mo ang dare kaya naman gagawin mo yun sa ayaw at sa gusto mo princess"

"Ah basta! Ayoko iba nalang!"

"Okay iba pala edi kiss mo pwet naming apat. Hahaha!"

"Ang bababoy niyo!"

"Edi gawin mo nalang." nagapiran naman silang apat

Ang we-weird talaga nila simula ng dumating sila dito.

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon