Chapter 12

9 1 3
                                    

Hays 1 week na din akong tengga dito sa bahay ni Kim. Sa 1 week na yun eh mas lalo ko pang nakilala ang taong nakasama ko sa loob ng 7 days.

Mabait siya, caring, mahilig sa bata. Tsaka ko lang nalaman ang bagay na yun nung nagpunta ang kapatid niya dito. Si ate kylie. Kylie ang pangalan ng ate niya. May dalawa siyang anak ang kyu-kyut nila. Isang babae at isang lalaki.

Madalas nakikipag laro si Kim sa mga anak ng kapatid nito. Medyo na weirduhan pa nga ako nung mga time na yun eh kasi daig niya pa ang mga batang inaalagaan niya kung umasta siya. At alam niyo namang mga girls na major turn on kapag nakakakita tayo ng lalaking mahilig sa bata. Alam niyo yun? Ang cute lang kasing tignan.

Kahit hindi man ako ganun kababae eh, alam ko pa rin naman yung mga ganung klaseng bagay.

Sa 7days nga pala na pagtuloy ko sa bahay na to ni Kim eh medyo natuto na rin ako mag-ayos. Si ate kylie kasi eh, binago niya ako. Siya ang nagturo sakin pano umasal at kumilos na isang ganap na babae. Siya din ang nagturo sakin kung pano manamit, pano gumalaw, mag salita at makitungo bilang isang babae. Naaalala niya daw kasi sakin ang Ex ni Kim. Kaycee rin ang pangalan. At teka eto pa sinabi niyang may igaganda pako kung sakaling mag-aayos pako. Hindi naman ako dugyot tignan pero kasi alam niyo yun? Boyish ako, madalas kasama ko ang mga lalaki. Ang crewfam dahil nga nag-iisa lang akong babae sa grupo. Hindi pa rin nagbabago ang hilig ko sa kulay na black at white. Ayoko kasi sa ibang kulay yun at yun lang ang maganda sa mga mata ko ^__^

"Kaycee kakain na tayo" tawag ni ate kylie sakin

"Ah eh opo ate"

Wala nga pala si Kim ngayon sa bahay. Busy kasi madalas yun sa paghahanda para sa dance competition nila. Gaganapin na yun next week sana mapanood ko pa. Binabalak ko na kasing umalis na dito at bumalik na sa bahay. Tinulungan din kasi ako ni ate kylie para mahanap ang contact ng mga tropa ko. Baka nag-aalala na din sakin ang mga yun at ang mama at papa. Panigurado mabubusog nanaman ako sa talak na aabutin ko sa ermat at erpat ko -_-

Nakaupo kami sa lamesa ni ate kylie kasama ang dalawang bulinggit niya. Nandito rin pala ang mga maids at guards gaya ng napagkasunduan namin ni Kim sinabi niya rin kasi yun ke ate Kylie eh. Eh mabait naman si ate Kylie para hindi maintindihan ang Deal is a Deal. Hahaha :D

Almost perfect na ang buhay nila ni Kim. Ang kaso broken family sila at ganun din ang storya ni ate Kylie. Naghiwalay din kasi sila ng nakabuntis sakanya nagsama lang sila for 2 years at pagkatapos ng dalawang taon na yun eh. Pooof biglang naglaho na ang lahat sakanila. Hindi niya rin maibigay sakin ng malinaw ang totoong dahilan nila kung bakit ganon nalang ang nangyari. Medyo fresh pa kasi sakanya kaya ganon. Siguro medyo may pain pa rin.

"Ah ate, aalis na nga po pala ako this week. Dahil nacontact ko na po ang tropa kanina."

"Hala eh. Mag stay ka muna dito. At tsaka may laban pa sila Kim hindi kaba manunuod?"

"Ah eh hindi na po siguro ate. Kaya niya na yun" sabay wink ko ke ate

"Hm ikaw talaga. Pero sure kana ba dyan?"

Sa totoo lang? Parang ayoko na nga umalis dito eh. Kahit panandalian lang ako na nag stay dito ang gaan ng pakiramdam ko sa mga taong ito. Yung pakiramdam na kala mo kilala mo na sila dati pa? Hays anggulo nga eh.

"Ah pag-iisipan ko pa po pala ate. Hehe mamimiss ko po kasi kayo" kamot sa ulo. Medyo gay ang sinabi ko -_-

Hinawakan niya ang kamay ko sabay sabing ..

"Okay lang naman kahit dito ka lang muna mag stay eh. Walang kaso samin yun. Pero inaalala lang din kita baka ang parents mo eh nag-aalala na ng sobra sayo"

You found meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon