Cristine Dela Vega
"Don't leave me here.."
Ito ang mga huling salita na natatandaan kong sinabi ko bago balewalain ni william ang pagmamakaawa ko.
Hindi ko ramdam ang sakit ng pagsuntok kanina ni william, dahil namamanhid na ako sa sobrang sakit, ngayon ko lang naramdaman ang lahat ngayong tapos na ito, may kung anong sakit ang gumuhit sa aking puson , at nang tingnan ko ang hita ko ay may umaagos ng dugo mula rito.
Gumapang ako palabas ng banyo, kahit na namimilipit na rin ako sa magkahalong sakit na nararamdama ko, pinilit kong makalabas pero nang nasa pintuan na ako ng kuwarto ay doon ko lang rin napagtantong naka-lock ang pinto at marahil nga'y sinadya talaga ito ni william.
Gusto na niya talaga akong mawala sa buhay niya... Kami ng anak niya. Ngunit lalo akong nanghina at nawalan ng pagasa ng muli kong marinig ang sinabi kanina lang ni william.. W-wala na si Irish..at ako ang sinisisi niya .. Sumakit muli ang puson ko at nang tingnan kong muli ang ibabang bahagi ko ay mas lalong dumami ang dugo na nagkalat sa sahig... Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha, sakit, at hindi malamang pagkahilo. Pinilit ko na lamang ipikit ang mata ko, at sikaping pakalmahin ang sarili na baka sa muli kong pagmulat ay kasama ko na si william ganundin si Irish, at isang malaking biro lang ang mga sinabi niya.
…Grace Atienza
Nasa tabi ako ngayon ang kaibigan kong si Tin, and I'm silently praying na sana ay gumising na siya.
She almost lost her child and they might be died by now kung hindi ako dumating para sana bisitahin siya.
Halos manlumo ako ng matagpuan ko siyang walang malay at naliligo sa sarili niyang dugo. Ngayon ang alis ni Ivan palabas ng bansa at may ipinabinigay siyang regalo para kay cristine, but surprisingly ay nakabukas ang gate at mukhang walang katao-tao.
At nang tuluyan na nga akong makapasok ay parang nagkaroon ng demolition dahil sa mga basag na figurines at nagkalat na unan sa sahig. Umakyat ako para tingnan kung nandoon ba si Cristine , ngunit nakalock ang isang pinto, at isa pa sa ipinagtataka ko ay ang mga bahid ng dugo sa doorknob nito. Dito ay nagsimula na rin akong kabahan, tinawag ko ng ilang beses ang pangalan niya ngunit wala namang sumasagot.
At naghinala na rin akong baka may magnanakaw na pumasok sa bahay nila. Bumaba na rin ako para sana umalis na at magtungo sa malapit na police station , pero nakita ko ang isang susi sa dining table naisip kong baka iyon ang susi ng kuwarto sa itaas , kinuha ko ito upang buksan ang nakasaradong pinto and I almost stumbled on the floor, once I saw bloods and bruises all around her body.
Gusto kong pagbayarin at ipakulong ang hayop na gumawa nito sa kaibigan ko.
"G-grace..."
I heard a whisper out of nowhere , and when I looked at Cristine ay tinupad ng diyos ang dasal ko...gising na siya.
"Water...?"
Alok ko sa kanya, pero tumanggi rin ito
"G-gusto kong makita si Irish, dalhin mo ko sa kanya, she needs me hinihintay niya ako"
Her statement makes me confuse somehow, tinatanong niya sa'kin si Irish gayong magkakasama naman sila sa bahay.
"Wala si Irish sa bahay niyo kanina, sabi rin ng doktor na magpagaling ka dahil makakasama sa anak mo. You're pregnant Cristine , at muntik na kayong mamatay .. Tell me, whose fault is this ?? " tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot pero lumakas pa lalo ang naging pagiyak niya, wala akong nagawa kundi ang yakapin na lamang ang kaibigan ko, at nang humupa na ang bigat ng nararamdaman niya ay nagsalita na rin siya ..
"My daughter is g-gone... W-william.. He's been doing this for 3 yrs now.. Sinasaktan niya ako grace... And now he's blaming me dahil wala na ang anak namin.."
Sinimulan niyang isiwalat ang lahat ng kahayupang ginawa sa kanya ng asawa niya, kung sino ba si migz at ano ang ginawa nito para magkasira silang mag-asawa. At tungkol naman kay irish, naalala ko ang aksidenteng nangyari kanina habang papunta ako sa bahay nila, may bata raw na nasagaan at dito'y nalinawan ako na si Irish nga ang batang iyon.
Kusa na lamang tumulo ang luha ko, pagkatapos ko siyang kausapin, at marinig ang mga rebelasiyon na iyon mula sa kanya, awang-awa ako kay Cristine, she is too precious to experienced this kind of brutality.
"Grace,..please, gusto kong makita ang anak ko"
"But- You're husband will probably kill you sa oras na makita ka niya. Iba ang takbo ng isip ng asawa mo, baka this time tuluyan ka na niya, isipin mo rin ang magiging anak niyo "...
Hindi ko alam kung paano nagawa ni william ang bagay na ito, all this time akala ko maayos ang pagsasama nila, at gusto kong sisihin ang sarili ko nang ipasundo ko at ipahatid ko pa siya noon kay Ivan, dahil sakin nasaktan siyang muli ng magaling niyang asawa.
Naiintindihan ko kung magagalit siya kay Tin, but it doesn't mean na may rason na siya para gawing punching bag ang kaibigan ko. Si migz, ang kuya ni william ang dapat na binubugbog. Sinilip ko si Cristine pero tulog na ito, mapapansin ang namumugto nitong mga mata ,at kita rin ang pagod na iniinda niya.

BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomanceIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.