Cristine Dela Vega
Hindi ko tinanggap ang alok ng mama ko na sa kanya muna tumira.
Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay sa kaibigan kong si Grace ako dumiretso, I narrate the entire story and what was happened earlier, that's when I realized na kaya pala mainit ang dugo sa akin ng biyanan kong babae.
It's because of their miserable past.
Hindi naman ako nakarinig ng kahit anong panghuhusga mula sa kaibigan ko, pero gaya ng dati pa niyang sinasabi sa akin sundin ko na lang si mama at tuluyan ng iwan si William,
she even said that I am now capable to raise my child by the means of my mother's money.
At kung gugustuhin ko raw ay maari pa akong kumuha ng masters degree, ng hindi naman daw naka-tengga lang ako, at sayang ang ilang taong pinagaralan ko noon pa.
Pero sinabi ko sa kanya na gusto ko pa ring subukang ayusin ang sa amin ni William, baka maayos pa, baka puwede pa.
Kaya nang mailabas ko na kay grace ang mga saloobin ko at hinaing ay kinailangan kong umuwi ng bahay upang kausapin ang asawa ko, kahit walang kasiguraduhan na nandoon nga siya ngayon.
Buong maghapon ay wala akong ibang inisip kung papaano ko na naman ba susuyuin si William, kaya noong gabi ding iyon ay umuwi ako , nagbabakasakaling maayos namin ang panibagong problema at mga gusot na kinakaharap ng mga pamilya namin.
Bukas ang ilaw ng bahay at nasa garahe din ang kotse ni william, kaya malaki ang tiyansa na nasa loob nga siya. Bukas rin maging ang gate kaya't malaya akong nakapasok sa loob.
May bote ng alak at ang ilan pa rito ay basag, samantalang si William naman ay nakasalampak sa sahig, nakasandal sa isang couch habang sapo ng kaliwang kamay ang noo bilang suporta siguro dahil nakayuko ito, at ang kabilang kamay naman ay may hawak-hawak na alak.
Hindi ko man direktang nakikita ang mukha nito ay alam kong lasing na rin siya sa dami ng alak na naubos niya.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni william at niligpit ang ilang bote na walang ng laman, at sinunod maging ang mga bote ng alak na hindi pa nababawasan ang laman.
Napako ang tingin niya sa akin ng mag-angat siya ng ulo. Tumayo siya at pinagmasdan ako sa aking ginagawa, sinabi niyang tumigil ako , pero hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy pa rin.
Napatigil lamang ako sa pagliligpit ng mabasag ang boteng hawak niya nang kanya itong ibalibag.
"I.SAID.STOP! "
"You're drunk William, kailangan mo ng magpahinga"
"Stop acting as if you care about me! Stop acting as if you're my mother na may obligasiyong pagsabihan ako.
Because you're just my wife Cristine , YOU ARE JUST MY WIFE!...
I packed your things already kaya umalis ka na dito. Nakalagay na rin doon ang annulment papers, na inasikaso ko bago pa man mawala sa atin si Irish.
Pirma mo na lamang ang kulang doon so we can free ourselves totally, at maging legal ang paghihiwalay natin"
I can't control my tears anymore, hayan na naman sila at kusang bumabagsak dahil na naman sa isang lalaking iniiyakan ko ng husto.
"Why is it so easy for you to just let go of me? Pabigat na ba ako sa buhay mo at hindi mo na kayang hawakan.
Kasi ako kayang-kaya kong mag-adjust, I can handle myself while you're holding me so tight.
Na yung tipong kahit nakakasakal na sa sobrang higpit ako't ako pa rin ang pilit na maga-adjust, "
"I just find it hard to see the truth in this marriage full of lies, ubos na ubos na ako Cristine.
My trust isn't like a missing thing you can find all over again.
I am not yet done mourning for the lost my daughter, and here's another one again.
Sinira ng mama mo ang pamilya namin."
"If I have to do this gagawin ko huwag mo lang akong iwan william, mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko"
Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan ng mahigpit ang magkabila niyang kamay.
Pilit niyang inalis ang pagkakahaawak ko sa kanya at tinalikuran ako. Kinuha niya ang isang maleta at dalawang bag na nakalagay sa may baba ng hagdan. Dinala ni William ang mga gamit ko sa aking harap at saka muling nagsalita.
"Look at yourself, hindi ka ba naawa sa sarili mo?
Nasaktan na kita, nakaganti na ko tas sinasabi mo ngayong mahal mo ako.
What kind of person are you?
Desperada, martir o tanga?
Get a life, yung walang William na tulad ako. At ganundin sa'kin yung wala ka na. Goodbye."
Tumayo na lamang ako mula sa ginawa kong pagluhod kanina, ito ang unang beses na ginawa ko ito, at sana ito na ang huli.
Tumalikod na kami ni william sa isa't-isa, wala naman akong magagawa kundi ang umiyak na lang pero pilit ko pa ring pinipigilan ang mga hikbing inilalabas ng bibig ko.
Pero nang nasa tapat na ako ng pintuan sinubukan ko pa rin siyang lingunin sa pagasang baka, baka sa isang iglap ay pigilan niya ang mga hakbang ko palayo.
Pero sinaktan ko na naman ang sarili ko, dahil wala talagang balak si william na habulin man lang ako.
Nakatalikod pa rin siya at patuloy sa paglalakad, hindi ko din alam kung ano ang nagudyok sa kin para muli pang magsalita at himalang huminto si william para pakinggan ako .
"It was exactly 11 years ago, when my life begins anew.
I hold on to that promises na hindi mo ako iiwan.
2 years before we settled down at nagsisimula pa lang tayo sa relasiyon natin sabi mo, hayaan ko lang ang sarili kong mahalin ka.
Kasi sa bawat pagngiti at simpleng sweet gestures na ginagawa mo, napapangiti na lang din ako at hindi ko naman akalaing mamahalin pa pala kita ng higit sa sobra.
You thought me how to love unconditionally. That is why when you asked me to be your wife, I didn't hesitate to accept the ring and said "yes" to your proposal.
Masyado akong nakampante sa mga pangakong binitawan mo noong araw ng kasal natin at hindi pa nagkakalamat ang pagsasama nating dalawa.
Keep in mind that I never loved anyone else except you, I do not know if you actually remember this special day. We, are supposed to celebrate right?
But here we are... drown from pain and saying our goodbyes'..."
Para akong isang siraulo dahil maging ako ay napatawa na lamang sa sinabi ko, habang ang luha ko'y patuloy pa rin sa pagbagsak.
Pero kahit hirap man ay ipinagpatuloy ko pa rin ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.
"Maybe, God has a better plan for us. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ipagkakait sa'yo ang karapatan mo bilang ama ng magiging anak natin.
Happy 9th wedding anniversary William...Goodbye"
Masakit man para sa akin na talikuran siya ay wala na rin akong nagawa pa, ni hindi niya ako magawang lingunin at habulin man lang. Siguro dapat ko na ring tanggapin na hindi ko magagawang ibigay sa anak ko ang isang buong pamilya na minsan ng ipinagkait sa akin.
Ilang hakbang pa akong nakakalabas sa pinto at isinarado na agad ito ni William. Muli kong sinulyapan ang bahay, parang napakalungkot nito, wala akong ibang hinihiling sa puntong iyon na kung puwede lang ibalik ang mga nakaraan at sana huminto na lang ang oras sa panahong masaya.
Dahil ngayon, alam kong wala na akong dapat pang habulin at babalik-balikan.

BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
RomanceIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.