Fall Eight

1.4K 25 0
                                    

JIROH's POV

Tahimik ang buong classroom habang hinihintay namin si Prof Liera.

Hindi pa kami nakakapag-usap ng tino simula nung nagkaharap kami ng daddy nya at ng gunggong na Timmy na yun.

Maya-maya naman ay pumasok na din sya.

Nakalugay ang mahaba nyang buhok at pilit na tinatakpan ang mukha nya. Naka-pants syang itim at jacket.

"Good morning, class!" Nakayuko nyang sabi.

Wala ni isa ang nagsalita. Lahat kami nakatingin sa kanya.

Dinig na dinig tuloy namin ang buntong hininga nya.

"May ibinabang utos si Lizzy Hellburg. May kailangan kayong labanan na school next month. Sport Fest. Siguro naman ay maruning kayong lumaban sa larangan ng sports!" Nakayuko pa rin sya.

Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kanya. Tumigil ako sa gilid nya at namulsa.

"Ano bang problema mo Prof?" Tanong ko.
"Maupo ka na lang Mr. Hellburg. May i-a-announce at itatanong pa ako!"

Napakunot ang noo ko. Hindi naman ganito magsalita si Prof ah. Confident pa nga sya lagi eh.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Pare-parehas ang expression nila. Puro nagtatanong.

Inilapit ko ang kamay ko sa baba ni Prof. I know this is bad because I'm her student and in the eyes of everyone. This is harrasment.

Pilit nyang iniiwas ang mukha nya pero pinagpatuloy ko. Inangat ko ang mukha nya.

"Oh my god!"
"Prof!"
"Anong nangyari?"
"Bakit may ganyan?"

Halos sabay sabay nilang reaksyon. Kahit ako ay gulat na gulat.

Puro pasa at sugat ang mukha ni Prof. Saan nya nakuha ito?

Tinabig nya ang kamay ko at iniiwas ang mukha.

"Prof, where did it came from?" Tanong ko

Maputla din ang mukha nya. 

"Maupo ka na, Jiroh. Please!" Sabi nya at pumikit pa.

Napakunot ang noo ko. Ano bang problema nya?

"Fine!" Ismid ko at humakbang na papabalik sa upuan ko.

Pero hindi pa man ako nakakahakbang ng tatlo ay naghiyawan ang mga kaklase ko.

Bumugsak si Prof sa sahig.

Agad ko syang nilapitan at tinapik-tapik ang mukha, pero wala syang malay.

"Chris, alamin mo ang nangyari kay Prof! Ken, sabihin mo kay Lizzy ang nangyari. Yung iba sa inyo sundan ako sa hospital!"

Dali-dali naman silang kumilos.

Our section has too many secret. Even my friend and of course I have too.

I carry Prof Liera bridally.

"Diego, check Prof temperature!" Utos ko sa kaklase namin 

Kinalikot nya ang cellphone nya at tinapat sa mata ni Prof ang camera.

"39, mataas ang lagnat nya. Kung hindi rin ako nagkakamali, may mga sugat sya sa katawan!" Sabi nya habang sinasabayan ako sa paglalakad 

"Tabi-tabi!"
"Umalis kayo sa daan"
"Padaanin nyo kami!" 

Kanyahang sigaw ng mga kaklase ko. Pinapaalis nila ang ibang mga estudyanteng nagkalat sa hallway 

Halos madapa na ang iba sa pag-iwas.

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon