Fall Thirty Four (The Secret 3)

228 6 0
                                    

Akalain mo 'yun. 2 months akong hindi nag-update. Hahaha, punch me for being lazyyy.





3rd Person's POV

"Ang tatay ni Shantal, siya ang dahilan ng pagkamatay niyo noon at... at siya ang Headmaster niyo."

Paikot-ikot sa tainga ni Jiroh ang mga salitang binitawan ni Lizzy. He can't believe what is going on. He just can't!

"I dig so much and investigate thoroughly when Jiroh was shot sa mismong loob ng university namin. Kataka-taka rin na sunod-sunod na namatay ang section ng Spade kaya nagtaka na ako. No'ng una ay wala talaga akong nakuha. I cannot reach Shantal too, iniisip ko na baka hindi pa siya nakaka-move on nang mamatay si Jiroh. Unfortunately, hindi naman pala talaga kayo tuluyang namatay."

"What did you find, Ate Lizzy? Paano namatay si Shantal?" Curiosity fills everyone's face.

"Hindi ko alam, walang nakarating sa aking balita. Nalaman ko na lang na patay na siya. Nang dinala sa morgue ang katawan niya, ay iniisip kong gagawin din ni Tito ang ginawa niya sa inyo, na bubuhayin niya rin si Shantal. Pero nagkamali ako. Narinig kong minamadali niya ang hospital na embalsamohin si Shantal. I was shaking in fear and anger. Pero nakahinga ako ng ayos nang marinig kong nawawala ang bangkay nito. Then, I saw Jiroh's laptop about your plan. Good God, you execute your plan well. I have my bestfriend back, pero hindi niyo naman maalala kung sino siya sa buhay niyo. Even Jiroh didn't remember her girl."

Namayani ang katahimikan sa kanila pagkatapos noon.

Napatitig si Lizzy sa kapatid nang maalala kung papaano niya nakita ang planong ginawa nila Jiroh.

"Jiroh! I'm home!" Lizzy was happy entering their home, with bunches of shopping bags on her hands. She bought everything from his beloved brother.

"Jiroh?" Muling tawag nito sa kapatid, ngunit wala pa rin siyang naririnig na sagot. Kadalasan kasi ay nagmamadaling sumalubong si Jiroh sa kanya, bagay na nakasanayan na niya.

Maingat niyang ibinaba ang mga pinamili sa sofa at umakyat sa second floor ng bahay. Dala-dala ang takot na pakiramdam. Takot siyang hindi na muling makita ang kapatid. Takot na baka binawi nang muli ito sa kaniya. Hindi puwede! Kababalik lamang ni Jiroh sa kanya kaya hindi siya makakapayag.

"Jiroh?" Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto nito pero wala siyang nakuhang sagot mula dito. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at pinasok ang kuwarto ng kapatid.

Nangunot ang noo niya nang makita ang sobrang gulong kuwarto. Nakakalat ang mga papel, damit, ilang balat ng chitchirya at mga lata ng soda. Kita rin niyang naiwang nakabukas ang laptop ni Jiroh katabi ang mga nakabukas na folders at libro.

Napapailing na lang si Lizzy ng makita niyang nakaupo at tulog si Jiroh sa gilid. Halata mo ang pagod sa itsura nito

"Pero anong pinagkakaabalahan niya? Hindi pa naman siya pumapasok ng school ah," bulong ni Lizzy sa sarili

Dala ng kuryusidad, nilapitan niya ang study table ng kapatid. Biology book? All about human anatomy? Hypnotism? Black book (Raising A Death)?

Anong mga libro ito? Bakit niya binabasa to?

Napatitig siya sa laptop ng mahagip ang pagsenyas ng low battery nito. Ipinlug niya ang charger at bumungad sa kanya ang isang nakabukas na file.

"Project 43?"

Ini-scroll niya ang laman ng file. Gulat na gulat siya habang binabasa ang laman niyon. Hindi siya makapaniwala pero hindi rin niya maiwasang mamangha.

Project 43

1) Search for the potential body that we can use.

Shantal Liera Grande was too perfect for this. She has a knowledge on different fighting style, including mixed martial arts, hand to hand combat (especially close combat), aikkido, judo-karate. She also know how to use different kind of gun, a sharp shooter. She can kill her target in either short or long range.

2)  the body

Shantal Liera Grande just died, few moments ago. Spade class already revived her life. As of now, we found some cell on her brain was damage that may lead to her having amnesia.

3) Let her play our game.

Shantal Liera Grande must live normally in accordance to her will, but we will use hypnosis so she could follow what are we going to ask. We, Spade Class, must act that we don't know her and we will project what should happen.

4) Let her end our game.

We, Sapde Class found out that she is the daughter of our demonic Master. She was wrathing her Daddy ever since because of the illegal doing of his father. She will be the end of his own father.




"Lizzy, nasaan si Shantal ngayon?" Tanong ni Gelly

"That is our problem now. She is missing at ayoko ng nararamdaman ko ngayon."

"I will do everything just to get back my queen. Hindi ko na hahayaang magkalayo pa uli kami." Mariing sabi ni Jiroh habang nakakuyom ang mga kamao at nakatitig sa sahig.

"We will do everything, Jiroh. Maraming pagkakataon ang nasayang sa inyong dalawa. Hindi na puwedeng madagdagan pa iyon." Sabi ni Cris habang tinatapik ang likod ni Jiroh, wari ba'y pinapakalma ito.

"Lizzy..."

Napatingin si Lizzy sa kapatid. Nakatitig na sa kanya ang kapatid at punong-puno ng pakikiusap ang mata nito.

"T-Tulungan mo akong mabawi siya. Kailangan ko ang tulong mo, Ate."

Nanubig ang mga mata ni Lizzy. This is the first time that Jiroh call her "Ate". At hindi niya bibiguin ito, lalo na't ito ang kaisa-isang bagay na hiniling at pinakiusap sa kanya ni Jiroh.

"I will, baby bro. We will crash that Master of yours and we will get back your queen."

----

A/n: Malapit na po ang ending. Thank you for making up to here.

--Don't forget to Follow, Vote, Comment and Share. Thank you. Lablab!--

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon