Fall Twenty

882 19 0
                                    

SHANTAL's POV

Nagkatinginan kami ni Lizzy. Takot at pagkagulat din ang nasa mga mata nya. Napalingon uli kami sa hallway, limang tauhan nila Timmy ang sabay-sabay bumagsak.

"Ugh!"

Nailibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala nang natitirang tauhan ni Timmy ang nakatayo. Yung mga babaeng nakabantay ay nakahandusay na rin sa sahig, dilat ang mga mata at bumubula ang bibig.

Napakunot ang noo ko ng makita ko ang Spade Class na tuloy-tuloy pa din sa pag-pa-party at hindi alintana ang mga katawan na nasa sahig.

Nakangiting lumabas si Jiroh mula sa hallway. Inapakan pa nya at dinaanan ang mga katawan ng babae.

"Hi, Shantal!"

Bigla akong kinilabutan sa pagtawag nya sa first name ko. Pati ang ngiti nya ngayon ay kakaiba.

Inilapag nya ang kamay nya sa lamesa ng hindi inaalis ang tingin nya sa mga mata ko. Aaminin ko, sa tanang buhay ko, ngayon lang uli ako kinilabutan ng ganito.

Para kasing may mali. Iba ang ngiti ni Jiroh.

Napatingin uli ako sa kamay ng may gawin itong gestures. Hindi ko ito maintindihan.

"Look at me, Shantal. Don't look at my hand, someone is watching." Nakangiti nyang sabi.

Palihim ko pa ding sinusulyapan ang mga kamay nya na inuulit-ulit ang gestures. Sa mga ginagawa nya, ako ang kinakabahan.

"J-Jiroh, anong ginagawa mo?" I lower down my voice.

He just smile on me again.

"Relax, Shantal, relax. Makakaalis tayong lahat dito ng buhay."

Sa sinabi nyang iyon ay doon na nanlaki ang mga mata ko. Pagtingin ko sa paligid ay nakalabas na ang mga tauhan ni Timmy, may hawak silang mga baril.

"Jiroh, ano bang ginagawa mo?"

Bigla nyang hinawakan ang tyan ko at ang balikat ko. Inilapit nya ang mukha nya sa'kin. Kitang kita ko ang pag-igting ng panga nya at ang pag-aalala at determinasyon sa mata nya.

Bigla nya akong niyakap.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla nyang tabigin ang lamesa sa pagitan namin. Kasabay noon ay ang pagbagsak namin sa sahig.

Napaigik na lang ako ng maramdaman ko ang paglapat ng pwetan ko sa sahig. Naka protekta ang mga bisig ni Jiroh sa likod at ulo ko.

Isinubsob nya ako sa dibdib nya.

Hindi ko alam pero may kakaiba akong naramdaman. My heartbeats. My stomach feel something. I can clearly hear his heartbeat too.

Tumigil kami sa pag-gulong. Sabay kaming tumayo at ganun na lamang ang gulat ko nang makita ko ang paligid.

Nag-iinuman ang Spade Class habang at nagtatawanan pa. Pero ang center table nila. Puro baril na may silencer. Sa sahig ay malayang umaagos ang dugo mula sa mga nakahigang katawan.

"J-Jiroh?"

Napatingin ako sa kamay ni Jiroh. May baril din syang hawak sa kaliwa nyang kamay, umuusok pa ang dulo ng silencer nito.

"We'll heading to finish line, Shantal."

Nangingilabot talaga ako sa tuwing sasabihin nya ang pangalan ko.

"S-Si Lizzy tsaka yung nanay mo?"

Inilapat ni Jiroh ang hintuturo nya sa labi ko.

"Shh, they're fine. Don't worry."

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Madami na akong nakaharap na may iba't ibang aura pero bakit ganito? Bakit parang kakaiba pa sa kakaiba yung kay Jiroh?

Nang tingnan ko ang Spade Class ay ganun din ang nararamdaman ko kahit nagtatawanan sila. Parang ibang-iba ang mga mata nila.

Tumingin si Ken sa direksyon namin at kumaway kaya napatingin din ang iba samin. Iba talaga ang pakiramdam ko sa kanila.

I know from the moment that I enter their classroom, Spade Class is different from any other student. Yeah, they laugh and make fun on everything that they wanted to but now, I really realized how different they are.

They are those people that you can not defeated in just one snap.

Baka nga sinasakyan lang nila ang trip ko noon kaya hindi ko nakita ang ganitong side nila.

Iyong side na kahit nakangiti sila, kaya ka nila patumbahin sa isang kurap. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa umpisa, kung kelan ako tinuturuang lumaban. Pakiramdam ko napakahina ko.

Muntikan na akong mapapitlag ng hawak ni Jiroh ang braso ko at marahang pisilin iyon.

"Shantal?"

Ito na naman iyong nakakakilabot na pakiramdam. Nasanay akong tinatawag nya akong Prof Liera. Kaya kada sasabihin nya ang first name ko goose bumps hits me and I feel chill on my spine.

Dapat na ba akong matakot kay Jiroh at sa Spade Class? Iba kasi eh, iba silang lahat ngayon.

"Before we head to the finishing dumbass target, I want to ask something"

Sa sinabi nyang iyon ay biglang tumigil ang Spade Class sa pag-iinuman, pagkukwentuhan at pagtatawanan. Tumingin sila sa amin at para bang naghihintay pero nakangiti sila at humawak pa ng alak.

"A-Ano iyon?"

"About Santi Sandoval?"

Napalunok ako. Alam kong itatanong at itatanong nila iyon pero hindi ko inaasahan na ngayong nandito kami sa isang abandonadong building at paniguradong may nakakalat pang mga kalaban at alam ko rin na mula sa isang pinto ay nakamasid at nakikinig si Timmy.

"Ano mo si Santi Sandoval? What's the matter between the two of you?"

Napaiwas ako ng tingin at nag-landing iyon kay Lizzy. Nakaawang ang bibig nya at pagkatapos ay dahan-dahan syang umiling. Napayuko ako.

Pero buo na ang desisyon ko. I want to spill the truth. I want to voice out this kasi kung hindi, baka hindi ko na kayanin.

"Jiroh, please wag ngayon." Dinig ko pang sabi ni Lizzy.

"Answer. my. d*mn. question. Shantal!" Mababa ang tono ni Jiroh pero madiin ang bawat salitang binitawan nya.

Muli kong tiningnan si Lizzy at tipid na nginitian. Napatakip sya ng bibig nya at humikbi kaya naman niyakap sya ng nanay ni Jiroh.

"Santi Sandoval..." Panimula ko

"He was a very special man. He was more than on what you think. He was a source of everyone's light in the dark. He has everything... He was my everything."

Tumulo ang luha ko sa huli kong sinabi.

"W-What do you mean?" Kita ko ang mga emosyon na hindi ko mapangalan sa mga mata nya.

"S-Shan.." Banggit ni Lizzy sa pangalan ko.

"Shantal, what do you mean?" Muling ulit ni Jiroh.

"He is... He is...













My husband!"

--

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon