Fall Twenty Six

831 21 3
                                    

JIROH's POV

"Anong tawag ko sayo noon? Gaano na ba tayo katagal?" Magkasunod na tanong niya habang ipinaghihiwa ko siya ng apple.

Bahagya akong napatigil dahil sa tanong niya na pero agad ko naman siyang nginitian at umupo sa gilid ng kama niya sabay abot ng apple niya.

"Hmm, apelyido ko ang palagi mong tinatawag sa 'kin, minsan naman ay iyong pangalan ko mismo." Well, I guess I don't have to lie with her endearment on me. Nahinto siya sa pagkagat ng apple niya.

"Wala akong tawag sayo?"

Umiling lang ako at tipid na ngumiti sa kanya. "Ayos lang yun. Mas gusto ko na pangalan ko ang tinatawag mo sakin. Alam mo kasi kapag pangalan ang itinawag mo sa special someone mo, it means you respect his name given by his parents."

Ngumiti siya at tumango-tango.

"E, gaano na tayo katagal?"

"Uhm, mga dalawang taon na."

'Tsk, dalawang buwan lang kamo.' Asik ng isang bahagi ng utak ko.

"Jiroh, can you tell me why do I involve with a car accident?" Nakatitig ako sa kanya habang gumagawa ng kwento sa utak ko. Kailangang pulido ang sasabihin ko para walang butas na pwede niyang mapaghinalaan. "O-Okay lang ba? Gusto ko lang naman malaman."

Napabuntong hininga ako bago hinawakan ang kamay niya at doon tumitig. I need to feed her lies, but guilts really hit my nerves.

"Ano kasi, Shan. Mas mabuti sigurong w-wag mo na munang alamin, baka kasi..ano, ahm makasama sayo."

Nginitian niya ako at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Para akong nanigas sa kinauupuan ko at hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niya.

"Okay lang, Jiroh. Basta pag pwede na please tell me ha. I need to know everything. I need to remember al---"

"You don't have to, Liera." Putol ko sa sinasabi niya. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya. "Sorry, what I mean is, yeah you need to remember your past but not all, Liera. Maraming masasamang nangyari sayo in the past and I can't bare standing while looking at you in pain. Hindi ko kaya, Liera."

At least, that was half meant. Hindi ko talaga kaya lalo na kapag tungkol sa isang taong laman ng masasaya at malulungkot na alaala niya. Santi Sandoval.

Kahit patay na siya, alam kong malaki pa rin ang puwang niya sa puso ni Shantal.

"I understand, Jiroh. Wag ka nang masyadong mag-isip. Salamat sa pag-aalala."

Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo. Sana ganito na lang kami palagi. Sana hindi na talaga bumalik ang alaala niya.

I know how selfish I am for doing this but, this is my chance. I know that if Shantal's memory came back, she'll be angry as like to screw be to hell, but I need to do this.

Nakatulog na siya habang nakaunan sa braso ko. "I'm sorry, Shantal." Bulong ko at muli siyang hinalikan sa noo.

Iniayos ko ang higa niya para mas maging komportable siya. Bukas, pwede na siyang ma-discharge at sa bahay ko siya balak pauwiin. Hindi ko na rin sasabihin na isa siyang professor sa school ko, the lesser she know, the more I can endure and succeed our plan.

Inihabilan ko siya sa isang nurse at pumunta sa HQ ng Spade Class. Kanina ay tinext ko si Ken na papuntahin dito ang lahat, maliban syempre kay Seb, kaya hindi na ako nagulat na nandoon na sila at nag-iinuman habang iniintay ako.

"Dude, how's Prof?" Halos iisang tanong ng mga kalalakihan.

Naupo ako sa upuan ko at agad naman akong inabutan ni Dave ng isang light beer na wala akong balak inumin dahil babantayan ko pa si Shantal.

"She's fine. She'll be discaharge tomorrow."

"J-Jiroh, totoo bang fiancé ang pakilala mo kay Prof?" Tanong sa akin ni Gelly. Tumango ako at marahang iniikot ang bote sa kamay ko.

"You are in big trouble, man!" Hindi makapaniwalang sabi ni Caleb.

"Yeah, you are dude." Gatong ni Cris. "Anyways, I got some information about Timmy's gang. They are now searching for us, especially you and Prof. Malaking pader ang nabangga natin, dude."

Inilapag ni Savanna ang isang folder sa harapan ko. Binitawan ko ang bote at binuklat iyon.

"Timmy was one of the Boss of Horizon Triad." Sabi ni Ken habang iniikot ang alak sa loob ng baso niya. "They are known underground by a big dealer or sex drugs and ecstasy. Timmy is the in one who handle it. Mr. Oli Grego and Mr. Chan Ui are his accompliance."

"Sila rin ang may pakana ng pagkawala ng mga kabataang babae at lalaki sa Maynila. Our source said they kidnap teens to sell and be a sex slave of those who buy them." Dugtong ni Karen habang nagbabasa ng isang libro.

"Base na rin sa impormasyon natin, magkakaroon sila ng importation ng mga illegal guns and drugs bukas ng hapon." Sabi ni Caleb.

"Did you get the location?"

"Mahirap makuha dahil palipat-lipat sila. Pero bukas, sure na sa Zamboanga abandoned port ang import." Sabi ni Savanna

"Okay. Dave make the full report about this and send it our Agency. Use my e-mail and don't forget to list your names." Tumango si Dave at nagsimulang magtipa sa laptop.

"I have a question, Jiroh!" Binalingan niya si Lilia. "Nasabi na ba namin sayo na last mission na na ng Spade ang Horizon Triad?"

"A-Ano?"

"Huli na sa pinaka malaking sindikato ang Horizon, Jiroh. Kaya nagbaba na ng utos ang Agency na ito na ang huli nating mission. Pagkatapos nito, magkakanya-kanya na tayo, pero kagaya ng napagkasunduan, all of the members of the 13th Agency will keep everything we know 'til we died." Sabi ni Cris na nakapagpabuntong hininga sa akin.

"So, I guess we should treasure every moment left, Spades."

Ngumiti ang lahat at itinaas ang mga hawak nilang alak.

"Hope we can still be friends, Agent Jiroh!"

--

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon