Fall Twenty Eight

731 18 1
                                    

LIZZY's POV

Halos dalawang linggo na ang lumilipas at bibihira kong makitang nag-uusap si Shantal at Jiroh.

Kahit ang nanay ni Jiroh ay nagtataka na rin sa dalawa pero nakakahiya namang magtanong.

Magkakaharap kami ngayon sa hapag-kainan, we are eating on a akward silence.

"May problema ba kayong dalawa?" Basag ni Tita sa katahimikan. Dire-diretso lang ang pagkain ni Shantal na para bang walang narinig. Nag-angat naman si Jiroh ng tingin at tipid na ngumiti.

"Nay, ayos lan--"

"Excuse me, I'm done." Medyo nakakabastos lang, pero hinayaan naming umalis si Shantal sa hapag kainan.

Napabuntong hining na lang kami. "Ano bang nangyayari, Jiroh?" Tanong ko.

"S-She keep on asking about..about her past. I don't know what to say so..I-I didn't answer her questions."

"Jiroh naman, plano niyo to hindi ba? Dapat ay handa ka na sa mga gan--"

Beeping sounds cut off my words. Jiroh pull out his phone then in just a snap, his face turns into an emotional one. His eyes becomes sharp, his jaw is clenching, his fist was hardly close.

"Anak, anong nangyayari?" Mukhang napansin din ni Tita ang pagbabago ng reaksyon ni Jiroh.

"Leave the house for now, take Nanay and Shantal." I instantly drop my utensils when I got what his trying to say. "I will call if everything here is alright."

I swallow the lump on my throat and nodded my head. "Now?"

"Yes! They'll be here any minute now."

"Tita, tara na po. Mag-ma-mall po tayong tatlo nila Shan." Sabi ko kasabay ng marahang paghila sa kamay ni Tita.

Mukhang alam na ni Tita na may kakaibang mangyayari kaya agad siyang sumama sa akin.

Alam ko ang trabaho ni Jiroh, hindi niya inilihim sa akin iyon. Nag-aalala ako, oo. Pero iyon ang gusto niya at wala akong magagawa.

"Shan, tara aalis tayo!" Pag-anyaya ko sa kanya ng makita ko siya sa salas na nagbabasa ng libro.

"Saan tayo pupunta, Ate?"

"Pupunta tayo sa Mall. Halika na!"

"Ahm sige pero magpa-paalam lang ako kay Jiroh."

"Sige na, Shan. Sama ka na, you need to have a social too." Sabi ni Jiroh na kakalabas lang sa kusina.

"Are you sure?" May pag-aalinlangang tanong ni Shan. Nakakatuwa sanang pakinggan at pagmasadan. They look like a happy couple with good understandment.

"Sige na, dito lang ako." May tipid na ngiti sa labi ni Jiroh.

"Sige, magbibihis lang ako!"

"H'wag na!" Sabay naming sabi ni Jiroh na kinakunot ng noo ni Shan.

"Okay na yang suot mo, tara na!"

Hinila ko na siya pero bago kami makalabas ng pinto ay pinigilan siya ni Jiroh.

"Take care!" Pagkasabi niya noon ay hinalikan niya si Shan sa noo at kami Tita sa pisngi.

Tahimik kaming sumakay ng kotse ko. Pagtingin ko sa side mirror ko ay nakita ko ang sunod-sunod na pagdating ng mga kasamahan ni Jiroh, kasunod nito ay ang tatlong van.

'Hope they'll be okay'

Malapit na kaming makalabas ng subdivision ng bigla akong pinatigil ni Shan. "Wait! Wala akong pera. Babalik ako sadali."

Hindi ko na siya napigilan dahil mabilis ang naging kilos niya. "Tita, dito ka lang. Susundan ko si Shan."

Mabilis ko ding sinundan si Shan na tumatakbo pabalik sa bahay.

Shit! Lagot ako nito.

SHANTAL's POV

Takang-taka ako ng makita  ang mga naka tigil na sasakyan sa harap ng bahay. Kanino ang mga ito?

"Shan, wait!"

Kanina pa niya ako pinipigilan pero hindi ako nakikinig. Iba ang pakiramdam ko sa biglaang paanyaya ni Lizzy at ang pagsang-ayon ni Jiroh. I feel something strange and I don't like it.

Napatigil kami ni Lizzy sa pag-pasok sa bahay ni Jiroh ng makita namin kung gaano kagulo ang mga gamit.

Basag-basag ang mga vase at nalaglag ang mga picture frame na nasa dingding at nasa ibabaw ng maliit na kabinet. Ang mga pader ay may mga butas tanda na may tumamang bala mula roon.

"J-Jiroh? Ate Lizzy si Jiroh!" Halos sabay kaming ni Lizzy pataas sa second floor.

"Shan, calm down. Don't stress yourself too much, makakasama iyon sa'yo." Sabi niya sa'kin habang umaakyat ng hagdan.

"Ate Lizzy, si Jiroh. Baka kung nap--"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang lagay ng second floor. May mga lalaking naglilinis ng bahay, pero ang mas nakakagulat ay ang nakahilerang body bags sa sahig at ang mga dugong nakakalat kung saan-saan.

"P-Prof!" Sabi noong isang lalaki na nagpatigil sa lahat. Nang tumingin sila sa amin ay para silang naestatwa at hindi makagalaw.

"A-Anong nangyari? Sino kayo? Nasaan si Jiroh?" Alam kong may bahid na pangingig ang boses ko dala ng kaba pero wala ni isa ang sumagot.

Mula sa perepheral vision ko at nakita ang bahagyang pag-iling ni Ate Lizzy. Napalunok ako.

"Dave make it fast -- Shan? Lizzy?" Nakita ko ang paglabas ni Jiroh sa kwarto niya, wala siyang damit pang-itaas at ang pantalong suot niya ay may bahid pa ng dugo.

"J-Jiroh?" Mahinang tawag ko sa kanya. Wala pa ring ni isang makaimik.

"S-Shan..ano..ahm--"

"Ano 'to? Anong nangyari? Sino sila?" Halos mangatal na ako sa pagsasalita.

"Shan.."

"You... Y-You did this?" May parte sa akin na umaasang itanggi niya pero  malaki ring bahagi ng utak ko nag-aalangan.

"Shan.."

"Who are you, Jiroh?" Nagulat ako sa tono ng boses ko.

Malamig iyon. Bakas din sa kanila  ang gulat.

"Lizzy, I told you t--"

"H'wag mong ilihis ang usapan, Jiroh. Answer my damn questions!"

Gulong-gulo ang utak ko. May mga malalabong pangyayaring bumabalik sa utak ko.

Napahawak ako sa ulo ko at parang nanlambot ang mga tuhod ko kaya naman ay napaluhod ako, kasabay noon ay ang pag-tulo ng luha ko. Bumigat ang talukap ng mga mata ko at bago ako mawalan ng malay, may binanggit akong pangalan.

When I say that name, it feels like my mouth was used to it for a long time.

"Santi.."

--

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon