SHANTAL's POV
Flashback
I was quietly sitting at my chair in my office when Dino---one of my assets on my gang-- came. He's face was in unusual emotionless.
Dino is a jolly guy. Lagi syang nakangiti kahit na may mga kalaban kami. Kaya naman nakapagtataka na walang emosyon ang mukha nya.
Maputlang-maputla din ang labi nya.
"S-Shan!"
Lalong nangunot ang noo ko ng marinig ko ang boses nya. Para bang may iniinda syang sakit, kaya naman napatayo ako sa pwesto ko.
"What happened, Dino?"
"M-Madami sila. Pinilit ko naman lumaban, kaso hindi ko sila k-kinaya!" Hinihingal nyang sabi.
"What are you talking about?"
Medyo natumba sya sa pagkakatayo nya pero agad ding nakahawak sa lamesa.
"T-They get you father and your uncle."
"What?"
Napatingin ako sa suot nyang T-shirt na gray.
Tsaka ko lamang napansin ang mga butas nito at mantsa ng dugo.
"M-Mag-isa lang ako noon, d-dahil kumakain yung servants at guards. Ma-Maniwala ka. Sinubukan ko, p-pero hindi ko sila kinaya. Masyado silang madami!"
Inis na napangitngit ako ng ngipin ko. Alam ko namang malakas si Dino pero lahat may kahinaan---kahit ako ay meron.
That Timmy!
I'm pretty sure sya na naman ang may pakana nito.
Kinuha ko ang cell phone ko at tinext ang isa kong kasamahan para puntahan dito si Dino at gamutin.
I need to get my dad and uncle. I need to save them. My own way!
D*mn! Siguradong magagalit si Santi sa akin sa gagawin ko kung buhay pa ito. Kinuha ko ang hoodie ko na ibinigay pa sa'kin ni Santi noong gabing namatay sya.
I will treasure this as much as I tresure having Santi in my life.
"Shan? S-Saan ka pupunta?" Tanong ni Dino
"Use my room and take a rest. Paolo is on his way here to mend you. Be safe, Dino!"
"Shan, no! Don't go anywhere. Timmy's men is everywhere. Y-You need the g-gang!" Dino said.
Kitang kita ko na ang dumudugo nyang bibig. D*mn!
"Dino, just do what I said. Ako nang bahala sa sarili ko."
Nilagpasan ko na sya at pumunta sa pinto.
"Magagalit si Santi sayo!" Napatigil ako.
Nilingon ko sya gamit ang blangkong mukha.
"Alam ko!"
Yun lang at tuluyan na akong umalis.
Sinuot ko na ang hoodie ko at naglakad na paalis. Mas gusto kong maglakad ngayon katulad ng palagi naming ginagawa ni Santi. He never learn to drive any vehicle kasi hindi daw ligtas.
"Shan!" Napatigil ako sa paglalakad at napaangat ng tingin.
Nakatayo si Lizzy ilang metro ang layo nya---nila sakin.
May kasama syang babae. Mababa ito kay Lizzy, medyo maputi na ang buhok at medyo may mga wrinkles na rin.
"Hey, I got a good news. I found Jiroh's mom!" She happily said.
I look at the woman beside her. Nakayuko sya. Sandali nya akong sinulyapan at tipid na nginitian. Bagay na napansin ko na tulad ng kay Jiroh.
I was about to took a step on their spot, pero isang van na kulay pula ang nakita kong papunta sa direksyon.
"Lizzy---"
-bang-bang-bang-
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng paputukan nila ako ng baril. Agad akong tumabling kasabay ng pagdukot ko ng baril sa tagiliran ko.
Dinig ko pang humiyaw sina Lizzy pero hindi ko muna iyon pinansin. Bago bumagsak sa lupa ay agad akong tumapak sa katawan ng puno at pinaputukan ang van.
Nagpakawala lang ako ng dalawang bala ng baril na agad kong pinagsisihan.
Dinaplisan si Lizzy braso at tumama naman ang isa pang bala ang tumama sa bintana ng van.
Agad akong tumayo ng ayos at tulalang nakatingin kay Lizzy na iniinda ang sakit.
Hawak sila ng mga nakaitim na lalaki.
Nanlalaban si Lizzy at kita ko ang isang lalaki na nakabulagta sa lupa. Umiiyak naman ang nanay daw ni Jiroh.
Akma akong lalapit nang tutukan sila ng baril.
"Wag mo nang subukang lumaban, Ms. Sexy, kundi papatayin namin ang dalawang ito!" Sabi noong driver ng van.
Itinaas ko ang kamay ko at lumapit sa akin ang isang lalaki. Binigyan ko ng makahulugang tingin si Lizzy na agad naman nyang nakuha.
Hinawakan ako ng lalaki sa bewang at hinapit papalapit sa kanya. Amoy na amoy ko ang sigarilyo sa kanyang hininga. Ngumiti pa sya kaya kitang kita ko ang maitim nyang gilagid at ngipin na pabulok na. Kadiri!
"Ang sexy mo namang professor. Baka pwede naman makaisa!" Ngising sabi nya.
I blink my eyes then give him an alluring look. I bit my lower lip. Inilagay ko ang nakataas kong kamay ko sa balikat na lalo nyang ikinangisi.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya habang tinitiis ang hininga nya. Ngumu-nguso na sya na sya namang ikinagisi ko.
Napamura sya ng tadyakan ko ang pinakaiingatan nya. Saktong pagluhod nya ay ang pagpapaputok ko ng baril sa may hawak kina Lizzy at sa nanay ni Jiroh.
I hit their forehead para walang ligtas. Sa lalamunan ko naman pinatamaan ang driver.
Sinugod ako ng yakap ni Lizzy at sumubsob sya sa leeg ko at doon umiyak.
"Sorry, nadaplisan kita!"
"Ahh!"
I froze.
Nakita kong may nakatutok na baril sa sentido ng Nanay ni Jiroh at ramdam ko rin ang malamig na dulo ng baril sa batok ko.
"Sumama kayo sa'min. Iniimbita kayo ni Boss Timmy." Sabi ng lalaking nasa likod ko.
Bahagya kong niluwagan ang yakap kay Lizzy. Mabilis akong umikot at akmang sisipain sya ng saluhin nya ang paa ko. Tumalon ako at isisipa sana ang isa ko pang paa sa kanya ng sabayan nya rin ang galaw ko at ini-lock ang paa ko gamit ang binti nya.
Napa-igik ako ng bumagsak kami sa lupa. Tumama ang braso ko at tagiliran.
Pinaputakan nya ako sa binti. Mabuti na lamang at nailagan ko iyon pero nadaplisan pa din ako.
"Subukan mo pang manlaban, sasabog ang condo ng isa mong estudyante kasama na ang may ari ng school ng pinagtatrabahuhan mo!"
--
Cut muna!ATTENTION!!!
May ginawa po akong bagong Twitter account para sa mga stories ko. Pa-follow na lang po. Same username with my WP account. " queenofactions " . Salamat! Asahan ko suporta nyo.
May mga announcement akong ilalagay doon. Pwede ding doon na kayo mag-comment para sa mga stories ko. Salamat!
BINABASA MO ANG
Fall For My Hot and Cool Professor
De TodoON-GOING!!! She is not an ordinary professor Have you met Professor Shantal Liera Grande? The third woman came in my life and stole my cold heart?