SHANTAL's POV
Everything become blur when one of three men hit me hard on my nape. All I heard was Lizzy's voice pleading. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan.
Namigat ang mga talukap ng mata ko ngunit gising pa rin ang aking diwa. Hindi ako mahina, alam ko iyon. Kaya naka-pagtataka na ganito na lang ako kabilis takasan ng lakas.
Naramdaman ko na lang na ipinasok nila ako sa isang lugar, inihiga sa palagay ko'y isang strecher. Ilang segundo ang lumipas at tanging yabag lang ng mga dumukot sa akin ang naririnig ko, wala na ang boses ni Lizzy.
"This is Agent Lue of Diamond Class, we already caught Project 43 of Spade Class." Dinig kong sabi ng isang boses.
"P-Project 43?" Anang isang pamilyar na tinig. Kilala ko iyon. Hindi ako pupwedeng magka-mali. "Shit! Prof Shan! Bitawan niyo ako. Prof! Prof! Gising! Si Cris 'to! Prof!"
Napangiti ako. Nandito si Cris, ibig sabihin ay narito rin sina Jiroh. Huminga ako ng malalim, kailangan kong makatayo at makita sila. Kailangan kong labanan kung sino man ang mga kumuha sa amin. Marami akong tanong pero saka na lang ako manghihingi ng sagot kapag nakaalis na kami dito. Kapag nakita ko sila, kapag nakita ko na siya.
"Prof, gising! Si Cris 'to, Prof!" Patuloy pa rin si Cris sa paghiyaw at pagwawala base sa naririnig ko.
"Shut up, Agent Cris!"
A-Agent?
"What's happening here?" Ang boses na 'yun... Kay Jiroh iyon!
"J-Jiroh..." Sambit ko sa mahinang boses.
Sandaling tumahimik ang lahat. Ramdam ko ang titig niya. Huminga ako ng malalim at pilit minulat ang aking mata.
He is here!
"Get out of the way, Agent Jiroh."
"Jiroh! Gumawa ka ng paraan, hindi siya pwede dito!" Dinig kong sabi ni Chris.
Ano ba ang lugar na ito? Nasaan ba talaga kami? Bakit bawal ako dito?
Sanay ako sa labanan, pero bakit sa lugar na 'to pakiramdam ko ay nawawalan ako ng lakas. Hindi ako makabangon. Hindi ko na rin naririnig ang boses ni Lizzy. Nasan na ba siya?
Namalayan ko na lamang na umaandar na uli ang kinahihigaan ko, malabong puting ilaw lang ang naaninag ko. Dinig ko pa rin ang pagwawala ni Cris ngunit unti-unti itong lumalabo. Pero kabila noon, isa lang ang naging malinaw. Hindi ako nilapitan ni Jiroh. Pakiramdam ko ay wala siyang pakialam.
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at nagpatangay sa dilim.
JIROH's POV
Ilang araw na ba kaming on-guard at bawal lumabas? Hindi ko na mabilang. Kamusta na kaya si Nanay? Si Lizzy? Si... Si Shantal?
I never thought that the Head Master will trace our secret.
And now, I was roaming around this heavyly guarded place. Hindi ko alam kung nasaan ang iba kong kasama. Pinaghiwa-hiwalay kasi kami noong nahuli kami sa bahay ni Cris habang nagme-meeting.
Hindi kami basta-bastang estudyante. We are all an agents that take orders from the Head Master. But because of one reason, we broke his one rule.
"Do not let the clone projects out of this agency!"
Binali namin iyon dahil may rason kami, hindi na kasi tama si Head Master sa ginagawa niya. Lalo na sa project namin, si Project 43 "Shantal Liera Grande" the hot and cool clone.
Hindi siya pwedeng makalabas dito pero sa tuwing nakikita namin ang ginagawa sa kaniya ni Head Master ay pinakawalan namin siya.
Kilala na namin si Shantal from the very beginning. Kami ang gumawa sa kaniya kaya hindi kami pupwedeng magkamali.
Shantal is an experimental clone. A sexy, hot and cool clone. At sa clone na 'to nahulog si Agent Jiroh Chaze Hellburg o Jaze Sigmund Tolentino sa totoong buhay.
3rd Person's POV
"Is everything was on right?" Iyon ang bumungad na tanong kina Agent Lue ng Diamond Class nang makapasok sila sa isang malaking puting kwarto.
Napapalibutan iyon ng sari-saring aparatus at ilang stretchers. Mukha iyong maliit na laboratoryo.
"Head Master!" Bahagyang yumuko si Lue bilang paggalang sa isang lalaking nakasuot ng lab gown. Bakas na sa mukha at buhok nito ang katandaan ngunit matikas pa rin ang tindig nito.
"Who's that?" Tanong nito.
"You'll be surprised, Head Master. It is Project 43 of Spade Class!" Nakangising tugon ni Lue bago umalis sa pagkakaharang sa strecher para makita ng Head Master ang si Shantal na wala nang malay habang nakahiga sa stretcher.
Unti-unting kumubra ang ngisi sa labi ng Head Master at nilapitan si Shantal.
"At last, we met again..." Hinaplos nito ang buhok ni Shantal. "Project 43, the clone professor!"
--
Next chapter will explain things more clearly.
BINABASA MO ANG
Fall For My Hot and Cool Professor
RandomON-GOING!!! She is not an ordinary professor Have you met Professor Shantal Liera Grande? The third woman came in my life and stole my cold heart?