JIROH's POV
Napailing ng maraming beses ang lalaking kinuwelyuhan ni Prof Leira.
"Good!" Sabi ni Prof at umayos ng tayo at pinaikot sa kamay ang...
Swiss knife?
F*ck! Anong klaseng professor to.
"Your timer start now!" Sabi nya.
Agad nag-agawan ng papel ang mga kaklase ko.
Napangiwi na lang ako at tumayo sa upuan ko.
"Hoy! Tigil-tigilan mo nga kami sa mga pananakot mo. Akin ang university na to kaya ako ang masusunod!" Sabi ko at dinuro-duro sya.
"So ikaw pala si Jiroh Chaze Hellburg!" Sabi at naupo uli sa table.
"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko.
Tinawanan nya lang ako.
"1 minute left!"
Nagkagulo na ang lahat kahit sina Chris at Ken tulirong nag-susulat.
"Ikaw, Mr. Hellburg wala kang balak mag-gawa ng activity. 45 seconds!"
"Wala!" Maikling sabi ko
"35 seconds!"
May mga nagpapasa na ng papel. Dinampot ko na ang bag ko at akmang aalis na.
"Mr. Hellburg you need a dimploma right?" Tanong nya sakin.
Nilingon ko sya at ang mga kaklase ko. Nakatingin lahat sila sakin.
"Go to the gym class. Doon natin itutuloy ang class." Sabi nya sa mga classmates namin.
"And you Mr. Hellburg, kailangan mo ko para makuha mo ang mana mo kaya habang mahaba pa ang pasensya ko, sundin mo ako!" Sabi sabay labas.
"Kayo, bat nyo sya sinusunod?" Tanong ko sa mga kaklase ko.
"Dude, muntikan na nya akong saksakin!" Sabi nung lalaking kinuwelyuhan ni Prof
"Tsaka nakakatakot sya!" Sabi pa ng isa
"Sakin hindi kayo natatakot?" Malamig kong tanong.
"Walang pupunta sa gym!" Sabi ko bago umalis.
Pumunta ako sa likod ng school kung saan nakatago ang hide out namin ng tropa ko.
"Bro! Sandali!" Sabi ni Ken
Tumatakbo sila para maabutan ako.
"Ang hot ni Prof!" Sabi ni Ken
"At sobrang cool pa!" Dugtong pa ni Chris."Tsk! Mga sunod-sunuran na nga kayo sa babaeng yun eh!" Sabi ko.
"Hindi naman bro, sadyang maganda at sexy talaga si Prof! Sige hahanap muna ako ng chicks!" Sabi ni Ken
Napailing na lang ako bago pumasok sa kwarto ko sa hide out.
SHANTAL LIERA's POV
Dinura ko ang bubble gum ko bago pumasok sa opisina ko dito sa school. Magpapalit muna ako ng damit na pang volleyball.
Pagpasok ko sa opisina ko ay hindi na ako nagulat ng makita ko sya sa sofa.
"Kamusta ang first day?" Tanong nya
Ngumisi ako at umupo sa tapat nya.
"Ayos lang. Mukhang mapapasunod ko naman sila!" Sabi ko sabay patong ng paa sa lamesa.
"Wag kang papakampante, Shantal. Lalo na sa kapatid ko!"
"Well, mukhang mahihirapan nga ako sa kapatid mong yun, Lizzy. Tsk!"
BINABASA MO ANG
Fall For My Hot and Cool Professor
RastgeleON-GOING!!! She is not an ordinary professor Have you met Professor Shantal Liera Grande? The third woman came in my life and stole my cold heart?