FALL THIRTY

852 24 0
                                    

SHANTAL's POV


One week,seven hours,thirty six minutes that no Jiroh came back.


Everything in my past is clear now. Dad and Lizzy explain everything that happened and I am here, lupaypay na nakaupo sa sofa ng salas, kakarating ko lang mula sa HQ para maghanap kay Jiroh. I need Jiroh's explanation, though I already know his reason I still need his explanation. Pero malapit ng lumipas ang isang linggo, hindi pa rin siya umuuwi.


Sinubukan kong tawagan ang lahat ng mga kaklase niya na estudyante ko pero kahit sila ay hindi ko mahanap. Kahit si Lizzy at si Dad ay tumutulong na rin mag-hanap, pero laging dead end.


Nasaan ka na ba kasi Jiroh?


"Shantal,anak? Kakauwi mo lang ba? May balita ka na ba kay Jiroh?"

Napalingon ako sa may hagdan, nakatayo roon si Nanay Mildred. MUgto ang mga mata niya at halata na ang pagod. Lahat kami pagod.


Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay. Napabuntong hininga na lang ako. "Nay, pasensiya na. Hindi ko pa rin siya mahanap!"

"Ayos lang, anak! Mahahanap din natin siya. Uuwi rin siya sa atin. Magphinga ka muna. Tatlong araw ka nang hindi umuwi, tingnan mo ang mga mata mo, anak. Aba'y kaitim-itim na ga ng ilalim. Putlang-putla ka na rin eh!"


Nakangiti ako habang nakapikit. Ang sarap sa tainga ng punto ng pagsasalita ni Nanay. 


"Nay, I only need is his explanation. Why can't he shown up his face? He is brave."

"Anak, lahat ng matapang may kahinaan. Si Jiroh, tayo ang kahinaan niya,lalo ka na. Kaya hindi na nakakapagtaka na takot o nahihiya siya sa iyo. May kasalanan siya pero hindi mo maikakaila, inalagaan kang mabuti ng anak ko habang narito ka sa puder niya."

"Nay, kung iniisip niyong galit ako kay JIroh, hindi ho. Eksplanasyon lang, okay na ako."


Nginitian ako ni Nanay bago niya ako pinataas sa kuwarto ni JIroh para magpahinga. Aaminin ko, nasanay ako sa kanya, komportable ako sa kaniya pero sa tuwing makikita ko ang mukha ni Santi sa isip ko, pakiramdam ko ay piangtataksilan ko siya. Nagiging komportable ako sa iba at parang nakakalimutan ko na siya.

Nahiga ako sa kama ni Jiroh pagkatapos maglinis ng katawan at pumikit, kailangan kong magpahinga kahit sandali. Importante sa akin ang Spade Class dahil bukod sa gang na nasasakupan ko, isa sa mga naturuan ko. Though aminado akong wala akong alam sa totoong mukha ng pagtuturo.

Mabilis akong napamulat ng marahas na bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Lizzy na naghahabol ng hininga.

  

"Shan! Shan! Shan! Bilisan mo, nasa hospital daw si Jiroh.!"


Mabilis kaming pumunta sa sinasabing hospital ni Lizzy. Pero habang nasa byahe kami ay kataka-takang papunta na kami sa isang burol.

"Lizzy, tama ba 'tong dinadaanan natin? Walang kahit ano dito."

"Pero dito papunta ang ibinigay na address, gumamit pa tayo ng navigator at nakabantay sa atin si Track, walang mali sa dinaanan natin pero... bakit sa burol na 'to tayo napunta?"

Lizzy stop her car behind the bunch of trees, we have to be alerted. I know Lizzy feel something is not right too. Something is up on this place, something is wrong. Maabilis ngunit walang ingay akong naglakad papalapit sa burol. Masyadong tahimik ang lugar, ni ibon ay wala akong makita. 

Napatingin ako sa taas ng may marinig akong mga huni ng ibon. Papunta sila sa direksyon ng burol. Ngunit nang nakalagpas sila sa punong kinatataguan ko, isa-isa silang bumagsak sa lupa at nangisay. Segundo lang ang lumpas ng bumukas ang lupang kinalagpakan nila at lumubog bago mapalitan ng malinis at berdeng lup.

Napatras ako. M-May lason ba ang hangin dito? Bakit artificial ang lupa?

"Shan, may nakita kita ba?" Napatingin ako sa likod ko. Naghiwalay kami ni Lizzy kanina para maghanap ng hospital o sa kung saan man sina Jiroh.

Sasabihin ko na sana ang nakita ko ng may mahigap ang mata ko. Mabils kong hinila patago si Lizzy at sinenyasan siyang tumahimik at tinginan ang paggalaw ng burol.

Mula sa gilid nito ay bumukas ang isang bahagi ng burol na animo'y isang pinto. Lumabas doon ang tatlong lalaki na naka-mask. May hawak silang mga mahahaabang baril na dala. Sa pulsuhan ay kitang-kita ko ang tattoo roon. Number 3 iyon na nakahiga at may nakasulat sa gilid. Kung tama ang tingin ko ay Αγγλικά iyon na ang ibig sabihin ay "Agency" sa Greek.

"A-Ang head quarter ng Third Agency"

Napalingon ako kay Lizzy. Third Agency? "S-Shan, a-alis na t-tayo dito!"

"Bakit?" Nakakapagtaka, hindi naman madaling matakot si Lizzy pero bakit ganito ang reaksiyon niya? "Anong meron dito?"

Pilit kong hinila ni Lizzy papunta sa kotse niya pero hindi pa man kami nakakapasok sa kotse ay sunod-sunod na pagkasa ng baril ang narinig namin. Pareho kaming natulos sa kinatatayuan namin.

"Don't move, raise your hand and face us!"

Nagkatinginan kami ni Lizzy, maputla ang mukha niya ng tumingin sa akin at tumango. Kunot noo akong humarap, tatlong lalaki lamang ito kaya hindi na ako nag-dalawang isip na sumugod. 

Hinawakan ko ang dulo ng baril bago mabilis na umikot at sinipa ang isa sa dibdib. Pinilipit ko ang kamay ng isa at ilang ulit na sinuntok sa baba niya ang baril. Napatingin ako sa isa pa nilang kasamahan, nanonood lamang ito at hiyaw naman ng hiyaw si Lizzy.

"Please! Please, she doesn't know a thing! Make her stop and let us go. Shan, tama na, umalis na tayo."

Nagtataka na ako kay Lizzy pero hindi ko siya pinakinggan. Marahas akong umikot at siniko ng makilang beses ng lalaking may hawak sa akin. Tinadyakan ko siya paa bago kumuha ng buwelo para pilipitin ang leeg niya mula sa likuran. Sunod-sunod namang umatake ng isa na mabilis kong sinasalag, hindi ako makakuha ng tiyempo hanggang sa masuntok niya ko sa tiyan at masipa sa dibdib. Habol-habol ko ang hininga ko ng tumingin sa lalaki na tumigil sa pag-atake.

Kunot noo silang nakatingin sa braso ko. Nalihis ang jacket papunta sa braso ko. Sinundan ko ang tinitingnan nila. May tattoo ako sa braso na hindi ko alam ang ibig sabihin.

May mga letra iyon na nakasulat sa Greek word at sa taas ay may maliit na "J" at hugis Spade. Sa likod niyon ay may 43.

"Get her!"

"No! No! No! Please she doesn't know a think. Please let us go!" Pagwawala ni Lizzy. Magtatanong sana ako ng may maramdaman ko ang dalawang bagay sa leeg ko, susubukan ko sanang kumawala ng bigla na lang nila akong kuryentehin ng sabay.

Dahil sa mataas ang boltahe noon ay agad akong nanlambot at napahiga sa lupa.

"Bring her to Master, she is Project 43 of Spade Class!"

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon