March 7, 2008
Jaze Sigmund's POV (Jiroh)
Kunot noo akong pumasok sa puting pinto kasama ang iba pang mga kalalakihan at kababaihan. Lahat kami ay nakasuot ng puti, mula pantaas hanggang sapin sa paa. Pare-pareho kaming nagtataka sa paligid.
Nasaan kami? Bakit ganito ang suot namin? Anong klaseng lugar ito? Masyadong nakakasikip sa dibdib ang hangin. Purong puti ang lahat ng sulok. Maging ang salaming pinto na pinasukan namin smoke glass at puti.
"Good morning, Spade Class!" Napatingin ako sa isang malaking lalaki sa harapan. Nakaupo siya sa isang mataas na bakal na upuan. Naka-ngiti siya sa amin at nakatitig sa akin?
Mukha siyang nasa early forties na. Maputi at kulay abo ang mga mata. Simula ng maglakad kami galing sa kuwartong nilabasan namin, siya lang ang nakita kong naka-itim.
"Ako ang Head Master niyo, Spade Class. Sa akin kayo susunod at wala nang iba." Nakangiti niya sabi na umani ng pagtataka mula sa amin.
"You are my experiments. Thus, I am your Master and you will only follow the orders that I'll give. You were created to follow me, to be my ally and to do missions for me. You are smart enough to understand me. I will send you outside this head quarter by class. And when I say by class, you will have your leader." Mahabang sabi niya at tumitig sa akin.
Ano bang sinasabi niya? He created us? What are we if that's the case?
"Project 01, Jaze Sigmund, please come infront." Naguguluhan akong napatingin sa puting relo na suot ko. Doon nanggagaling ang boses na narinig ko. "Again, Project 01, Jaze Sigmund, please come infront."
"I-Is that me?" Takang tanong ko. Nilingon ako ng lahat, tumawa naman ng bahagya ang Head Master.
"Yes, son! You are Jaze Sigmund!" Natatawang sabi niya. Son? He's my father?
"O-Okay!" Alanganing sabi ko bago pumunta sa harap niya. Sinenyasan niya akong humarap sa mga kasama namin sa kuwarto. Doon ko napansin na may mga number ang damit namin sa kanang dibdib.
"Siya si Jaze Sigmund, ang magiging leader niyo sa labas. Susundin niyo siya dahil sa kaniya ako mag-bababa ng order. Oras na lumabas kayo dito ay may mga nag-iintay sa inyo. Mabubuhay kayo ng katulad sa normal. May pamilya, may pera, may bahay, makakapag-aral. You will have a normal life but once I call you on duty, you can never decline it. Because once you fail or decline me, you will be back lifeless."
---
Wala akong nararamdaman habang naglalakad kami palabas sa lugar na ito. Kataka-taka pang habang naglalakad kami ay nag-iiba ang kulay at istilo ng damit namin. Unti-unti akong nakaramdam ng pagbigat ng balikat ko. Maya-maya pa ay nakita ko ang nakasakbit na malaking bag doon. Napailing na lamang ako dala ng pagtataka at nagpatuloy maglakad.
Mula sa pasilyong nilalakad namin kanina ay huminto kami sa isang malaking bilog. Tumingin ako sa Head Master. Ilang metro ang layo niya sa amin.
"I'll call you when I need you!" Nakangising sabi niya bago pinindot ang isang malaking pulang buton, kasabay noon ay ang malalakas naming sigawan habang nahuhulog sa kadiliman.
---
April 16, 2008
"Jiroh?! Jiroh?! Wake up, sleepy head." Ramdam ko ang mahinang pagyugyog sa balikat ko. "Hays, Jiroh! Can't you just woke up. It's getting late. Time for our breakfast. Hindi mo ba ako namiss? Come on, this is Lizzy you beloved sister!"
Mabilis akong napamulat ng marinig ko ang pangalan niya. Titig na titig ako sa mukha niya. Nakanguso siya at tila ba nagtatampo.
"Nakakainis ka, alam mong kakalabas mo lang sa private university na iyon, tapos ayaw mo pang gumising. Hindi mo talaga ako na-miss!"
Napangiti ako. Hindi ko siya kilala, alam ko iyon. Pero mukhang siya ang sinasabi ni Head Master na naghihintay sa akin. Baka siya iyon pamilya. Hindi ko alam kung paano ko nalaman ang sinasabi ko, basta ang mahalaga, gusto ko kung ano ang alam ko at ang nangyayari sa akin.
"Hi, Lizzy!" Nakangiti kong sabi. Bahagya pa akong nagulat ng dinamba niya ako at niyakap.
"I am happy to see you again, bro." Niyakap ko rin siya pabalik. Doon ko lamang naramdaman na parang namasa ang suot kong damit. Nag-taas baba rin ang balikat niya.
"I am h-happy that you are here. Kamukhang-kamukha mo ang kapatid ko. Sana kahit clone ka lang, maramdaman ko pa rin na ikaw ang kapatid ko para maparamdam ko na mahal ko siya."
Nagtataka akong humiwalay ng yakap sa kaniya. Sinapo niya ang magkabilang pisngi ko.
"I know what are you, binili kita. But don't worry, I am keeping you. I will love you but please treat me as what sister and brother do."
Tumango ako at muli niya akong niyakap. Iyak lang siya ng iyak. Hinayaan ko siyang umiyak sa balikat ko habang binubulong niya ang pangalan ng kapatid niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari, basta na lamang ako nakaramdam ng isang emosyon. Parang pinipiga ang puso ko habang naririnig ko si Lizzy.
Maya-maya rin ay tumahan na siya at inaya akong kumain. Habang pababa kami ng hagdan ay nadaan ko ang mga malalaking litrato ni Lizzy at ng isang lalaki. Tumigil ako sa tapat noon at pinagmasdan.
"Iyan si Jiroh, iyong kapatid ko. Kamukhang-kamukha mo siya." Napatingin uli ako sa kanya. Nakangiti siya pero bakas ang lungkot sa mga mata niya.
"Ano bang nangyari sa kaniya?"
Huminga siya ng malalim at mas lalong pinagmasdan iyong larawan ni Jiroh. "He died a month ago. Nabaril siya ng hindi ko pa kilalang mga tao. Hindi ako naniwala kasi sa loob ng mismong university namin nangyari. Hindi ko alam... ayaw kong paniwalaan. Jiroh was a good man, wala siyang kaaway." Muli na na namang tumulo ang luha niya.
"I'm sorry to hear that!"
Umiling-iling siya. "You don't have to. Hay! Anyways, binili kita as a clone of my brother. Hindi ko kasi siya nakasama ng maayos at matagal kaya ito ang naisip kong paraan. O-Okay lang ba sayo?"
Matagal akong tumitig sa kaniya. Hindi ako pwedeng tumanggi. Binili niya daw ako at parang gusto ko ang pagtrato niya sa akin.
"Pero bakit sabi mo kanina ay galing ako sa isang private university kung alam mo na pala talagang hindi ako tao?"
"Part iyon ng kontrata." Ngumiti siya sa akin, alanganin. "Binili kita at mamumuhay ka ng katulad ng buhay ni Jiroh. Pwede mong baguhin ang imahe niya pero dapat iparamdam mo pa rin sa akin, na ikaw si Jiroh na kapatid ko."
Bumuntong hininga ako at ngumiti.
"From now on, you are Jiroh Chaze Hellburg."
--
Continuation on next Chapter.Don't forget to Vote, Comment and Follow. Lablab😊
BINABASA MO ANG
Fall For My Hot and Cool Professor
РазноеON-GOING!!! She is not an ordinary professor Have you met Professor Shantal Liera Grande? The third woman came in my life and stole my cold heart?