Fall Twenty Three

870 20 1
                                    

SHANTAL's POV

Continuation of Flashback

"Grande, Sandoval, its your turn!" Sabi sa amin ni Sensei, hawak-hawak nya ang isang folder na pinag-lalagyan nya ng score namin para sa activity ngayon. And as usuall si Santi ang partner ko dahil parehas kaming Filipino.

Napakunot ang noo ko ng ilahad ni Santi ang kamay nya sa harap ko.

"Alalayan na kita, My Cutie Shantal!"

Matalim na irap ang isinukli ko sa kanya. Bwusit na bwusit ako sa kanya, hindi kasi ako pinatulog ng 'I like you, My Cutie Shantal' nya. Argg!

Ikinasa ko na ang baril ko at pumasok sa training ground. Sunod-sunod na putok nang baril ang sumalubong sa amin pero agad kaming kumilos para makaiwas. Actually, I can't focus right now. My mind was occupied by the scene yesterday.

Napasinghap na lang ako ng niyakap ako ni Santi at sabay kaming natumba. Paglapat ng likod nya sa sahig ay agad syang umikot ang umibabaw sakin. Tuloy-tuloy ang pamamaril nya.

That time, I just stare on his clean face. Naramdaman ko uli ang weird na bagay na naramdaman ko kahapon. Nginitian nya ako bago sya tumayo at inalalayan din ako pata makatayo. Hindi ako makapagsalita sa hindi ko malamang dahilan.

"Hey, sorry ha. Matatamaan ka na kasi kanina eh!" Kamot kilay nyang sabi.

Hindi ako nakaimik at tanging pagtitig lamang ang nagawa ko. Kinuha nya sa kamay ko ang baril at hinila ako papunta sa tapat ni Sensei.

"What happen, Grande? You are out of focus!"

"I'm sorry!"

"I'm giving you a B+"

Magre-reklamo sana ako pero pinisil ni Santi ang kamay ko.

"Thank you, Sensi!"

Damn! That was my first time having a B+ on my activities. Baka madisappoint si Dad pag nalaman nya to.

"Oy, wag ka na malungkot. Libre na lang kita sa nakita kong Filipino resto sa may city."

Hindi pa man ako nakakasagot ay nahila na nya ako agad. Hindi ako makatanggi at hindi ko alam kong bakit. Marami akong nalaman tungkol kay Santi. Ang daldal nya masyado at hindi iilang beses nya akong napatawa. Ang kulit din nya at hindi ko pa sya nakitang nakasimangot.

Lagi lang syang nakangiti, nakanguso at seryoso.

Weeks had passed and today is our graduation. Uuwi na ako ng Pilipinas pagkatapos ng ceremony.

"Shan!"

Napalingon ako kay Santi. Nakasuot sya ng semi-formal. Sabay kaming napaturo sa mga damit namin ng mapansin naming magkaparehas kami ng kulay.

Aminin ko man sa hindi, ang gaan na ng loob ko kay Santi.

Iniabot nya sa akin ang dala nyang baby blue na paper bag.

"Ano to?"

"A graduation gift for you. Kaya sana tanggapin mo." Nakangiti nyang sabi. "Uuwi na tayo mamaya. Pupunta ako sa inyo ha!"

Napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Ayy nakalimutan mo? Magpapaalam na ako sa Ate at Daddy mo para maging Official Suitor mo na ako."

Bahagya akong napasinghap dahil sa sinabi nya. Seryoso ba talaga sya sakin?

Hindi na ako nakasagot at tumalikod na. Naglakad na ako papunta sa naka-reserve na seat para sa akin. Sandali lang naman ang ceremony at parehas pa kaming naka-tanggap ng gold medal ni Santi. Nginitian nya ako pero hindi ko iyon sinuklian.

Fall For My Hot and Cool ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon