Note : Pure imagination but this story is dedicated to my friend Tin, Love you! I edited it already so expect some other scenes that will be not as familiar as what you read before.
Bumuntong hininga ako at panandaliang pumikit. Pinipigilan ko ang mga luha ko na tumulo dahil sa litratong nakikita ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, akala ko hindi totoo. Ang akala ko, hinding hindi mangyayari...pero bigo ako, binigo ako ni Kai.
Tumunog uli ang cellphone ko pero hindi ko na ito pinansin dahil nakita ko ang bunsong kapatid ko na nagising.
Mabilis kong pinunasan ang luha ko at isang malapad na ngiti ang isinalubong ko dito.
"Ate?" Patanong at nagtatakang sambit nito. Medyo hinihingal pa ito at nagkakamot ng ulo. Pasado alas dyes y medya na, pero nagising uli si Shein matapos ko siyang patulugin kanina. Tumingin ako sa labas ng bahay namin at wala pa ring bakas na pauwi na si Mama. Ano na kayang nangyari? Bakit inabot ng ganitong oras si Mama?
"Ate," hila nito sa dulo ng damit ko. "Ate, kwentuhan mo ko."
"Tara na nga,"
Nagtungo ako sa kwarto namin ni Shein. Maliit lang ito para sa aming dalawa pero sakto na para makatulog kami ng maayos. Saktong humiga na si Shein at tinabihan ko na siya. Nakarinig naman kami ng mga nagkakantahan sa kapitbahay kaya napairap ako.
Mga punyeta, gabing-gabi na ayaw pa magpatulog. Bawal nga mapuyat ang bata lalo na itong si Shein!Iba sa mga normal na bata si Shein. Mabilis itong mapagod at may hika. Hindi rin nito kayang tumagal sa mga maiinit na lugar kaya hindi pwedeng nakapatay ang electric fan dito sa bahay. Okay lang kahit huwag na kaming maambutan ng hangin mula sa electric fan, basta siya mahanginan man lang.
"Sandali lang ha? May kakausapin lang si ate." Paalam ko kay Shein at sumilip na lang sa bintana ng kwarto namin. Mula dito, tanaw ko ang mga kapitbahay namin na nagkakasiyahan.
"Hoy! Siyesta na ni Shein, hinaan nyo naman boses niyo!" Sigaw ko dito dahil wala namang mangyayari kung hindi ko lalakasan ang boses ko dahil hindi nila ako maririnig.
"Ay, shh hoy!" Suway ng isa matapos akong makita. "Huwag daw kayong maingay matutulog na si Shein!" Sambit ng isa sa mga kasamahan niya at humingi sila ng tawad sa amin.
"Good night na baby Shein!" sigaw naman ng isa at ngumisi na lang ako.
Malambing na bata si Shein. Hindi man namin kadugo si Shein pero dito sa amin sa bahay ay pamilya na ang turing sa kanila. Kahit dito sa lugar namin, mahal na mahal siya ng mga tao.
Bumalik na ako sa tabi ng kapatid at nginitian. Narinig ko naman ang mahinang paghagikgik nito matapos ko siyang tabihan. May tinatago itong maliit na papel sa likod niya matapos ko itong titigan. Pinanliitan ko ito ng mga mata at tsaka sinubukang hablutin iyon.
"Ano 'yan ha? Bakit mo tinatago?" Ngising sabi ko.
"Ate 'wag!" Sabi nito at tumili. Sobrang sarap sa tenga pakinggan ang bungisngis nito."Bigay mo na kay ate!" Ngising sabi ko.
"Sige na nga," nakangusong sabi nito at iniabot sa akin ang papel na nalukot na dahil siguro sa pagkakatago nya sa akin kanina. May nalalaman pa kasing patago-tago itong isang 'to.
Natigilan ako matapos makita ang nasa litrato. Napangiwi ako, hindi dahil sa istruktura ng pagddrawing kung hindi dahil sa ginuhit nito na ako, si Kai at siya.
"Ate, san si Kuya Kai?" nakangusong sabi nito.
Napairap ako at parang nanikip na naman ang dibdib.
"Nasa malayo. Malayong-malayo na lugar, hindi muna kami magkikita." halos pabulong na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Teen FictionMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...