LTWM 22

91 2 0
                                    

Tim didn't text me the whole night. Hindi rin nakatulong ang mga nangyari kagabi para makapagpahinga ako agad. Madaling araw na noon at dilat na dilat pa rin ako.

I still managed to sleep for three hours...I guess?

Naglalakad ako sa hospital at dumiretso sa table ko. Gusto kong matulog dahil mukhang dinadalaw ako ng antok ngayon. Pero hindi pwede. I'm at work right now. Baka kapag nakitang tutulog tulog ako ay masisante pa ako.

I keep telling lies to myself dahil nakatulog nga ako. Gulat na gulat ako paggising ko dahil isang oras na lang ang pagitan bago ako magsimula ng surgery.

"Don't worry, hindi naman kita isusumbong." Ngising sabi ni Yuri na kakalabas lang ng office niya at mukhang kanina pa niya ako nakita.

"Gaile Reyes?"

"Excuse me?" Pangalan ng pasyente ko 'yon ngayon ah.

"Sya yung ooperahan ngayon diba?"

I nodded on what he just asked. Gaile Reyes is a VIP Patient. Ang batang ito ay nabalita sa telebisyon dahil sa pagala-gala lang ito sa kalye. Nagtrending kasi ito na umiiyak habang hinahabol ng mga di kilalang lalaki. When she saw someone na nagvivideo ay sinabi niyang may nakita siya ng paulit-ulit at sinabi niyang papatayin siya.

The police interrogated her and it turns out that she just saw a horrifying murder incident. Yun lang ang alam ko. Alam ko rin na ipinagkatiwala ng mga police ang bata sa hospital namin dahil magagamit ang testimonya nito sa isasampang kaso at sa paghahanap sa mga lalaki.

"You can do it right?"

"Of course. Ilang araw ko na pinag-aaralan. I'll be doing a Mitral Valve Repair Surgery."

He looks confused. "Is that so? You're doing a Mitral Valve Repair Surgery?"

"Yes. It's much safer." Pinal na sagot ko kaya hindi na ito nagsalita at tumango na lamang.

I prepared already myself for the surgery that I'm going to do. It will take two hours or more than that doing this surgery.

Habang naghuhugas ako ng kamay sa washing area ay may tumabi sa akin. It's Althea.

"Tricia is the Anesthesiologist." Inis na bulong nito sa akin. Tumango lang ako. Wala naman akong problema doon. "You're not even worried?"

"Bakit?"

"You can't trust that two faced bitch!" Inis na sabi nito at iniwan ako.

Siguro, masyadong napepressure lang si Althea kaya ganito. If the operation didn't went well, Gaile will not be able to testify. At kapag nangyari iyon, hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng Anak ng Mayor dito sa Makati. It will be such a big mess.

"All is well." Sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ang dibdib.

I went to the Operating Room and they are all there. Tama nga si Althea na si Tricia ang Anesthesiologist. She was there beside her Transesophogeal Echocardiograpy Monitor (TEE).

"We'll be doing an open heart surgery." Pagsasalita ko at nagtanguan naman sila. "Scalpel."

Gaile has a valvular disease. Hindi ito ganoon kalala kaya mas magandang gawin ang Mitral Valve Repair Surgery instead of a transplant. I'll be doing a annuloplasty.

In annuloplasty, I will have to tighten the ring that will be put around a valve in the heart.

We already measured the size of the existing ring. I will replace it so that the valve leaflets can close.

"Excuse me..." Tricia said in the middle of the operation. Naiwan lang dito ang kanyang nurse anesthetist.

"I told you!" Inis na sabi ni Althea sa tabi ko pero hindi ko na lang pinansin. Maybe, she'll be back a few seconds.

I am currently sewing a band to the existing ring around the valve. I am almost done when Carlo, the nurse anesthetist speak up. "Doc, her heart rate is decreasing..." kinakabahang sabi nito habang dinig na dinig namin ang tunog na nagmumula sa monitor nito. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa akin si Althea.

"Nasaan na si Tricia?" Tanong ko kay Carlo pero hindi niya alam ang isasagot.

"I told you!"

Tiningnan ko si Cindy at sinabing lumabas ito para hanapin si Tricia.

"Sinong nagkabit ng endotracheal tube?"

"S-Si Doc po..."

Napapikit ako. General Anesthesia. She used general anesthesia for the patient. It is commonly used for an open heart surgery. She's in charge of monitoring the heart rate and rhythm!

Bumalik si Cindy na hinihingal at umiiling.

"Tangina." Mahinang mura ko. "You." Turo ko kay Carlo. "Check the endotracheal tube if it's too far way."

Tiningnan ko naman si Althea. "Get ready for a pneumothorax procedure." Mabilis itong tumango. Binalingan ko naman ng tingin si Cindy at pinakuha ko ng defibrillator.

The operation was a mess. I didn't know what to do but I'm right that the patient is now suffering from a collapsed lungs due to the not so good inserting of the tube. Mabuti na lang at tumakbo papasok si Arman at tiningnan ako na nag-aalala. He called another anesthesiologist for help.

Pagkalabas namin ng OR ay inis na inis si Althea at inihagis niya ang surgical mask niya sa sahig.

"That mother fucking bitch! Sinong doktor ang aalis sa kalagitnaan ng operasyon at hindi na babalik?!" Malakas na sigaw nito dahilan para mapatingin ang ilan ring mga doktor at pasyente sa amin.

"Calm down...let's all be than--"

"Bobo ka ba?" Malakas na sigaw nito sa akin. "You could've lose your licensed! She planned this all up! Nakita ko siyang may mga kausap na mga goons. I heard their conversation. She's going to put that girl's life in danger para hindi makapagsalita!" Sigaw nito at tinuro ang operating room. "Pwedeng mastroke si Gaile at hindi makapagsalita because of what she did!" Mariing bulong nito tsaka naglakad na palayo sa akin.

Naramdaman ko naman ang paghimas ni Cindy sa likod ko na para bang naaawa.

"It's okay.." mahinang bulong ko.

Hindi pa man din ako nakakapagpalit ng damit ay napaupo ako sa sahig habang nakasandal sa pader. Still wearing a scrub, I sat there. This is frustrating me. Everything is frustrating me!

Nakita ko namang humahangos si Mayor papunta sa akin kaya napatayo ako kaagad.

"Nabalitaan ko ang nangyari. Siguraduhin mong wala kang kinalaman dito Ms. Flores or you're going down!" Galit na sigaw nito at naglakad na paalis sa akin.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon