LTWM 27

90 2 0
                                    

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko ang nangyari kanina.

The view on how Kai removed his coat, how he folded his longsleeves until it reached his elbows, the way he loosened his necktie and how he messes up his hair.

This is driving me crazy.

"Uhm..hello? Sana lahat nakikinig diba hindi nagdadaydream?"

Nakakahiya na nakita ako ng mga kaibigan ko na nakatulala! Kahit pa sabihin kong nakavideo call kami ngayon ay nakakahiya talaga!

"Nakangiti pa talaga." Iiling iling na sabi ni Alaina.

"May naalala lang..." pagpapalusot ko.

"Sige, kunwari naniniwala kami." Pilit na sabi ni Jaz.

Nag-uusap kami ngayon sa video call dahil sa wakas ay pinaunlakan na kami ni Clio na kausapin siya. Masyado kasing komplikado ang schedule naming magkakaibigan. Si Ed nasa Quezon para sa pagpapagawa ng bagong branch niya ng cafe. Si Jaz ay nasa Italy at si Isaiah ay nasa Batangas Fortune Island para magbakasyon. Nagulat na lang kami nang sabihin niyang nandoon siya.

Kaming dalawa lang ni Alaina ang nandidito sa Makati. Si Andy naman ay busy sa auto racing niya na malapit na kaya hindi muna namin inistorbo.

"Ano na bang chika?" Hindi makapaghintay na sabi ni Ed.

"Ikaw na nga magkwento Alaina." Pang uudyok ko dito na magkwento.

"Ganito kasi yon, diba nga wala kayo tapos nabalitaan natin pare-pareho na nagproposed na yung jowaers ni Clio?"

"Oh tapos?" Mabilis na sagot ni Jaz.

"Tapos isa-isa niya tayong minessage diba? So, pinuntahan namin siya ni Sky nung nakaraan sa condo niya..."

Tumigil ito saglit na kinainis nila Isaiah. Masyado rin kasing pabitin ang isang ito.

"Kinausap namin. Tinanong ko kung sigurado ba siya sa desisyon niya. Tapos parang nagalit kesyo hindi raw ba tayo masaya para sa kaniya kaya bakit daw tayo ganoon magreact." Ako na ang nagpatuloy dahil alam kong natatakot na si Alaina sa magiging reaksyon ng mga kaibigan ko.

"Huh? Sinong galit? Galit ba tayo mga sis?"

"Hindi ako galit pero ngayong narinig ko yan naiinis na ako." Kunot noong sabi ni Isaiah sa kabilang linya.

"Ito na nga ba sinasabi ko eh." Bulong ni Alaina. "Kaya ayoko sabihin."

"Anong di mo sasabihin? Mas mabuti ngang nalaman namin sinabi niya tapos nalaman din niya paano tayo magreact sa nangyari. Ang gagang yon kaya pala hindi ako nirereplyan." Mahabang lintanya ni Jaz.

"Kalma guys, matagal pa naman ang preparation ng kasal—"

"Itutuloy talaga? No joke ito?" Pagputol ni Isaiah sa akin.

Tumango ako pati na rin si Alaina sa screen. Sabay na napabuntong hininga ang tatlo.

"O siya! Hayaan, kung saan masaya edi go!"

"Hindi kasi pwedeng ganoon na lang palagi Ed. Masaya nga siya pero hanggang kailan? Nakita mo naman kung gaano kadalas pang umiiyak kaibigan natin kaysa sa sumaya ng ganyan."

"Oh bakit ka sa akin nagagalit? Ako ba si Clio?"

Mahinang napatawa naman ako.

"Guys, calm down. Hayaan muna natin si Clio. Tsaka na uli natin kausapin kapag nakauwi na lahat dito."

"Fine." Maarteng sabi ni Jaz at nagpaalam na dahil antok na antok na daw sya kahit umaga na sa kanila.

Nagpaalam na rin si Ed matapos ipakita ni Isaiah ang view mula sa kwarto na tinutuluyan niya sa Isla. Umiinom pa ito ng wine habang kausap kami. Kaming dalawa na lang ni Alaina ang natira at tsaka kalaunan nagpaalam na rin siya para matulog.

Nakakatawa nga. Masyado kaming malayo sa isa't isa para mag-usap ng ganoon pero ginagawan pa rin namin ng paraan. Pero may dapat pa kaming ayusin kay Clio pagbalik nilang lahat.

Nasa hospital na ako ngayon at chinecheck ang mga magiging pasyente sa mga susunod na araw.

Nakarinig ako ng ilang bulungan habang may binabasa. Mahina naman akong tinulak ni Arman.

"Ayieee..." mapang-asar na sabi nito at muntikan ko na siyang batukan.

Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ng lahat ay dahil kay Kai. Para bang nasanay na ang mga tao sa kaniya dito sa hospital at kilala na siya. May ilang binabati na siya kapag pumapasok at tinatawag na sa pangalan niya. Galing eh no.

"Tigilan mo ako ha!" Mariing bulong ko kay Arman dahil nagsisimula na naman niya akong asarin.

"Comeback na ba itu?" Patuloy pa rin sa pang-aasar na sabi niya.

"Anong comeback comeback naririnig ko ha?"

Pareho kaming napatalon sa gulat nang makita si Detective Mon sa tabi namin pareho.

"Paano ka nakarating dito?" Tanong ni Arman.

Hindi na nakasuot ng kung ano ito at malinis nang tingnan dahil wala rin itong suot na hikaw ngayon.

"Aakyat yung kaibigan ko sayo, huwag mong papayagan." Bulong nito habang nakatingin kay Kai na papalapit at may hawak na bulaklak.

He smiled and handed me the flowers. Daisies. My favorite.

"Thank you..." mahinang sabi ko habang nangingiti.

"Pabebe." Bulong ni Arman kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tara pre, manood tayo ng kdrama dito." Bulong nilang dalawa sa likod ko.

"Para saan muna yung bulaklak?" Sigaw ng isang nurse sa amin.

Aba at nakichismis pa? Ako nga hindi ko na tinanong para saan eh.

Desisyon ka lang ate? Nakakaloka ka ha.

Napakamot si Kai sa ulo niya at nilingon ako. "Wala, para kasing sementeryo itong si Sky eh."

"Anong sabi mo?!" Pagalit na sagot ko.

"Aray..." daing nito at tumawa. "Ang sabi ko, para ka kasing sementeryo. Binigyan kita ng bulaklak kasi patay na patay ako sayo." Ngising sabi nito at tinaas baba pa ang kilay na tila proud sa sinabi niya.

Kilig na kilig yung ibang tao na nakarinig. Samantalang ako, nanatiling nakapoker face. Wala na bang mas iluluma itong pick up line niya?

"Ay kawawa. Walang reaksyon." Natatawang pagsingit ni Detective na nasa likod ko.

"Medyo luma na kasi yung banat pero try mo sa google magsearch ng mga bago. Try mo yung mga pangdoktor na banat, ewan ko kung hindi kiligin yang si Sky." Suhestiyon ni Arman kaya mas lalo akong napairap.

"Sige, pasok ko na ito sa loob. Salamat ulit."

"Aww. Kawawa talaga."

"Teka, Sky.." pigil nito sa akin at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako doon saglit at tsaka sya hinarap. "ICU in my dreams."

"Nak ng puta! That's my boy!"

"Woah. Nice nice! Prepared!"

Nabitawan ko bigla ang hawak kong bulaklak at mas lalong nang asar ang dalawa sa likod. Nakiusisa naman ang ilan sa sinabi ni Kai kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko.

Mabilis kong pinulot ang bulaklak. Nakakahiya! Nagulat lang naman ako eh! Hindi ko naman ineexpect na gagamit siya ng medical pick up lines.

"Galing ko no? Kinilig ka?"

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakasunod lang ito sa akin.

ICU in my dreams ha?

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon