LTWM 23

86 2 0
                                    

"I'm really disappointed, Ms. Flores. Ito ang unang beses na muntik ka nang pumalpak at isa pa sa mga VIP Patient natin."

Nakayuko lamang ako habang pinagsasabihin ng Head ng aming department, si Mr. Chris. Talagang totoo rin pala ang sabi sabi na may pakpak ang balita. Nakarating kaagad ito sa buong hospital at ang malala ay umabot kaagad sa media.

Media personnels flocked in our hospital just to get some informations about what really happened.

Ni hindi pa nga ako nakakapagbihis at nakakapagpahinga ay narito kaagad ako sa office ni Mr. Chris. I'm not complaining though.

"Mr. Uy is really mad! He could've an important person that can give justice to his son's death!"

"I'm so sorry, sir." Yukong sabi ko.

I know I'm the one to blame. Ako ang na-assigned na surgeon sa operasyong iyon. I shouldn't blame Tricia because on what just Althea said.

Pagkalabas ko ng opisina ay kitang kita ko si Althea na naghihintay doon.

"Anong sabi? Anong sinabi sayo?"

"Go home. Anong oras na at tapos na ang shift mo." Patuloy lang ako sa paglalakad.

Hinabol naman ako ni Althea. "What did you say? Don't tell me you're talking all the blame by yourself?"

I heavily sighed and only gave her a tired look. I dont have any strength talking about it. Nanghihina ako ngayong araw. Tim isn't calling and texting. I haven't received anything from him since last night. I am still torn about Kai and Tim the other day and up until now. Ang gulong nangyayari pa kila Kai at Detective Mond ay hindi pa natatapos. At ngayon. Ngayong itong bago kong problemang papasanin. I can't take it anymore.

"Oh my gosh." Bulalas ni Althea at umiling iling. "So, you're taking all the blame by yourself? This isn't your fault! Kahit saan tingnan! I'll tell them. I'll tell them that I heard Tricia talking to someone..."

She stopped talking.

Umiling lang ako ng paulit-ulit sa sinasabi nito and then I left her there.

Nakapagpalit na rin ako ng damit at nakita ko si Yuri bago pa man din ako makauwi.

"Don't worry, she's okay." He looks serious but his words made me calm down a bit.

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad. Mabuti na lang at sa kabilang pinto ako dumaan para hindi na maabala at matanong ng mga media. Masyado silang maingay sa labas at nagpupumilit pumasok. Medyo nahihirapan na ang security para sa kanila.

Napatingala ako sa langit. The sky is dark obviously dahil gabi na. Walang mga bituin sa langit kaya siguro baka umulan. I didn't mind it at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Para bang gusto ko na lang lumipad pauwi at wala nang gawin. This day is so tiring....exhausted and stressful. Sana hindi na maging ganito sa mga susunod na araw. Akala ko sa mga operasyon lang ako mapapagod at mahihirapan, mayroon pa palang ibang mga dahilan.

"May tao! May tao!"

"Tara puntahan natin!"

Nanliit ang mga mata ko at hinanap ang mga taong sumigaw. Pero huli na ang lahat dahil bigla akong dinagsa ng media. Halos masilaw ako sa mga flash ng camera at sa dami rin nilang tanong. Halos ipakain na rin nila sa akin ang mga dalang microphone, cellphone o di kaya'y kahit anong recorder.

"Miss, kilala ka namin. Ikaw si Ms. Flores!"

"Ano pong masasabi niyo na kayo ang dahilan kung bakit muntik na mamatay ang pasyente?"

"Bakit po ganoon ang nangyari? Sa tingin niyo po ba may kapabayaan din kayo bilang doktor?"

"Bakit sa dinami rami niyong operasyon ngayon lang kayo pumalpak? Dahil ba kapareho ito ng sakit ng pumanaw niyong kapatid?"

Napatigil ako at napatingin sa huling nangtanong.

"Excuse me?" Kunot noong tanong ko dito at kumabog ang dibdib. What did she just said about Sheina?

Lumapit ito kaunti kahit na hinaharangan ng ilan naming mga guards. "Kaya ba muntik ka na pumalpak sa operasyon ay naalala mo ang kapatid mo na hindi mo iniligtas?"

Shocked on what she said, my mouth was half open. Memories that night flashed through my mind. Kung gaano ko pinilit na iligtas si Sheina. Nakita at naalala ko ang itsura ko na nakapambahay pang nakarating sa hospital. Hindi pa ako nakapagsuot ng tsinelas dahil doon. When the Doctor announced that she's dead on arrival, I ran towards the emergency room. Nakita ang kapatid na tinatakpan na ng puting tela at wala ng malay.

I pushed all of them away from my sister. I tried so hard. I tried doing a CPR but they all stopped me. I am emotional. My mother is also emotional too. But, that's the right thing to do. Naaalala ko kung paano ako magmakaawa sa mga doktor na icheck ang kapatid at baka nagkakamali lang sila. At palagi silang malungkot na iiling bilang pagtugon.

"Miss? Miss?"

Hindi ko nasagot ang tanong nito. Tulala lang ako habang pinipiga ang puso. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari ah? I tried. I tried so hard to save them. To save all of them. But who's willing to save? Who's there to save me from all of these?

Gustong gusto ko nang umalis sa dagat ng mga tao na nakapalibot sa akin pero hindi ko alam kung paano.

Lord, please gusto ko na pong umalis dito. Kahit saan po, basta malayo dito. Can you please send someone to save me because I badly need someone...

After closing my eyes and opening it, as if on cue I saw Kai standing miles away from me.

Gulat pa itong nakatingin sa akin habang nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon.

Please, save me. Save me from all of these, Kai. I told to myself and it is impossible for him to hear it. Tinitigan ko na lang si Kai na tila nagmamakaawa. Maybe...just maybe he'll save me..

The media became more agressive at nagtutulakan na sila. May pagkakataon na natutulak na rin nila ako at naaapakan.

"Sa tingin mo po ba ay magagaya ang pasyente sa kapatid mo?"

I can't handle this situation right now. Kapag pinag-uusapan si Sheina ay talagang nanghihina ako. Gusto ko na lamang magpunta sa sulok at humagulgol pero hindi ko ito magawa.

"Miss Flores, ano pong masasabi niyo na muntik na kayong may mailagay sa peligro na buhay?"

"Totoo po bang sinadya nyo iyon at binayaran kayo?"

Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ang mga nagtatanong. Mabilis ang paghinga ko na tila ba naiipit dahil sa dami ng tao na nakapaligid sa akin.

Ilang minuto lang akong nakayuko at naramdamang unti unti nang tumutulo ang mga luha ko. Mula sa pagiging maingay at agresibo ay naging tahimik at kalmado ang mga tao sa paligid ko. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para tingnan kung ano ang nangyari.

I saw Kai standing infront of me. He's wearing a black cap kaya hindi masyadong kita ang mukha niya. Titig na titig ito sa akin at pakiramdam ko matutunaw ako sa paraan nang pagtitig niya.

He held my hands close to him. We walked silently away from the media. Para bang makapangyarihan si Kai at binigyan pa kami ng daan ng mga tao at tahimik pa rin sila.

"Sorry kung nahuli ako ng dating." Tumigil ito sandali at hinawakan ang mukha ko para iangat ito. "I'm sorry for coming late. Don't worry, I'll always come to save you." Mahinang bulong nito at pinunasan ang mga luha ko. 

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon