Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa kalagitnaan ng paglalakad naming dalawa ni Kai. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila para makatakbo. Pero tila nanigas ang mga binti ko at hindi makagalaw.
"Sky?" Kitang kita ko ang pagtataka at pag-aalala sa mukha nito.
Umiling lang ako at dahan-dahang binitawan ang kamay niya. Nasa isa kaming kanto na kung saan wala ng mga tao at mga dumadaang sasakyan. Sarado na rin ang mga tindahan sa tabi.
Everything seems peaceful. Pati ang malakas na pagbuhos ng ulan ay tila payapa sa pandinig ko.
Walang sabi sabi akong sumalampak sa sahig. I started crying like a kid. Patuloy lang ang ginawa kong paghagulgol. I wish that the rain won't stop.
I cried so hard. Kitang kita ko si Kai na nasa harap ko at nakatayo pa rin. Unti-unting nanlabo na ang mga paningin ko dahil sa ulan at buhos ng mga luha ko. I don't know if he's there yet o kung iniwan na ako nito pero ayos lang. At least he saved me from the people there. He saved me when I needed him the most. When I really need someone to save me from everything.
Patuloy lang ako sa pag-iyak. Hindi ko alam kung mauubos ba ang mga luha ko pero sana ganoon din ang ulan. Ayokong may makakita sa akin na parang tangang umiiyak sa daan habang nakasalampak sa sahig.
Malakas pa rin ang buhos ng ulan at ramdam kong wala na si Kai sa tabi ko. I cried harder. I never thought that I can cry like this all throughout my life. I know that he won't stay. He's probably weirded about what I'm doing. My heart hurt more a bit...knowing that my only last knight left me. Left me here wounded on a heavy rain.
Napatigil na lang ako sa pag-iyak nang biglang wala nang maramdaman na patak ng ulan sa katawan.
Hindi pa naman ako bingi at tuluyang bingi para magkamali na malakas pa rin ang buhos ng ulan. Napatingala ako at may nakitang payong na nakalagay aa tapat ko, dahilan kung bakit hindi na ako nauulanan. Tumalikod ako at nakita ko si Kai. Nakaupo rin ito habang hawak hawak ang payong na nakatutok sa akin.
He smiled.
"I'll stay.." mahinang bulong nito pero kahit na malakas ang buhos ng ulan ay rinig na rinig ko ito.
Sa sandaling iyon, iba ang naramdaman ko. The pain that I'm feeling lessened a bit because of knowing that he's still there. That finally, someone is there to save me.
Tahimik lang na nakaupo si Kai sa harap ko habang may payong. Pinapanood lang ako nito na patuloy sa pag-iyak. Huli ko na rin napagtanto na ako lang pala ang napapayungan at sya ay basang-basa na.
Patuloy pa rin ang pag-ulan at kapag pinagpatuloy ko pa ang ginagawa ko at ni Kai ay baka magkapulmonya kaming dalawa.
I tried standing even if my legs trembled a bit, I still managed it all by myself."Let's go home..." bulong ko dito. Tahimik lang ito habang ako pa rin ang pinapayungan. Inurong ko ng kaunti ang payong para naman kahit papaano ay hindi na sya gaano mabasa. But Kai will still be Kai, kaya binalik nito ang pwesto ng payong na kung saan ako lang ang napapayungan.
Napakatigas talaga ng ulo!
I can't bear to let someone in danger because of me again!
"Ano ba..." inis na sabi ko dito at inurong muli ang payong pero ganoon uli ang ginawa niya.
Dahil sa inis ay dahan-dahan kong kinuha ang payong sa kanya at pinatay.
"Bakit mo pinatay?"
"Ayaw mo sumilong kaya para patas pareho na lang tayong huwag magpayong..."
Kumunot ang noo nito sandali at kalaunan ay kinuha ang payong. Hindi na ito nagsalita pa at sinunod niya na ang gusto ko.
Hindi muna ako pinapasok ng hospital dahil naroon pa rin daw ang mga media at hinahanap ako. Binalitaan na lang ako ni Arman na hanggang ngayon ay hindi pa nagigising si Gaile. I was a bit worried but I know that the operation was a success! Hindi ako pwedeng magkamali pero maayos ang naisagawang operasyon at naayos rin namin ang nangyaring problema.
Pero may isa pa akong problema ngayon.
Habang nagcecellphone ay nakita ko ang post ni Isaiah sa twitter dahil sa nangyari sa akin. I know that she couldn't stay still letting these people say such things against me.
@IsaiahMarie_
Sky didn't do anything wrong! I've known my friend for how many years and she's really passionate about her job. Hindi rin siya yung tipong nagpapabayad just like what you're all saying. Mayaman ang kaibigan ko at may pera duh!Napasapo ako sa ulo ko at napailing. She might gained bashers because of it. Mabuti na lang at matagal pa ang Binibining Pilipinas kaya hindi pa ito masyado makakaapekto sa kanya. Pero, balita kasi na sasali siya dito.
Habang patuloy naman ako sa pagsscroll ay may nakita naman akong video ni Jaz. It's like a bit interview habang palabas siya ng sasakyan para yata sa isang photoshoot.
"Miss! Miss Jaz! Ano pong masasabi niyo sa kaibigan niyo na si Ms. Flores?"
Kumunot ang noo ni Jaz. Tinaas nito ang suot ng shades at nilapitan ang nagsalita. May bodyguards din ito sa gilid niya pero nilapitan niya pa rin ito.
"I'm sorry but are you saying something about my friend?"
"What can you say about Doctor Flores who's recently in a controversy of having a failed surgery to a witness of the Mayor's son in Makati?"
Lalong kumunot ang noo ni Jaz and she showed her bitch face to all of them. "First of all, aren't you a reporter? A journalist?" Sabi nito at tiningnan pa ni Jaz ang babae mula ulo hanggang paa. "It's not a failed surgery because the patient isn't dead. She's alive but still unconcious dahil kakatapos lang ng operasyon." She looks pissed off. "Get your facts straight girl." inis na sabi ni Jaz at sinuot ang shades tsaka naglakad na paalis.
What did I do to deserve friends like them?
Pero halos mapabalikwas ako nang makarinig ako ng malakas na pag-ubo. Dali-dali akong nagtungo sa living room at nakita doon si Kai.
"Are you sick? Anong nararamdaman mo?" Tarantang tanong ko.
Hindi na nakauwi si Kai dahil ako na rin nag-alok sa kaniya na he should stay here and warm himself. Nakakahiya talaga ang ginawa ko pero ayoko namang magkasakit ito pauwi lalo na at nagtaxi lang kami pauwi.
"Tagal mo eh. Kanina pa ako umuubo kaya nilakasan ko na para marinig mo." Nakangising sabi nito.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Ficção AdolescenteMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...