LTWM 6

222 5 0
                                    

Sinabi sa akin ng mga pulis na nilooban ako at ang pangalawang palapag ng bahay ko ang sinubukang halungkatin ng suspek. Ang ipinagtataka ko lang ay sinabi sa akin na wala namang kahit anong gulo sa mga mamahaling gamit ko, sa katunayan yung mga laptop ko at mga alahas, pati yung bolt ko ay hindi man lang nagalaw.

But the odd thing is, all the paperworks that I have with me in my room are all messed up. Nagbagsakan din ang mga ibang medical books ko sa office ko sa taas at sigurado akong iyon ang narinig ko noong nasa loob na ako para hanapin si Tim.

"I suggest Ma'am magpalit na po kayo ng lock at maghire na rin po kayo ng security at maglagay po kayo ng cctv. Mukhang iba rin po kasi ang motibo ng suspek eh."

Tim offered his house for me to stay in. Tumawag na kasi ako ng tao para mapalitan ang lock ng mga pinto ko at magkabit ng cctv.

"Sky, let me ask you one thing."

Nilingon ko si Tim habang nakaupo ako sa sala nito at nakabukas ang TV kahit na kanina pa walang nanonood sa amin dalawa. Busy si Tim sa kung sinomang kausap niya sa telepono, must have been about his work at ako naman ay nag-iisip pa rin ng ibang rason kung bakit nangyari 'yon.

"Ano 'yon?"

Matagal bago sumagot si Tim sa tanong ko dahil mariing nakatitig lang ito sa mga mata ko. Para bang tinatansya niya pa ako at iniisip niya pa kung itutuloy niya kung ano yung dapat na sasabihin niya.

"Wala ka namang kaaway diba?"

"What do you mean kaaway? I'm too busy to find enemies right now.."

"I mean have you made foes without you knowing...Yeah, that's it."

Lalong kumunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasasabi ni Tim sa akin. Ako, may kaaway? Bukod kay Clio na palagi akong tinatarayan, kay Arman na minsan gusto ko nang itapon sa ibang planeta at kay Althea na palagi akong kinokontra sa operating room, wala naman akong natatandaan na naging kaaway ko or ginawan ko ng mabigat na kasalanan.

Bigla namang pumasok sa isip ko si Kai.

But, when it comes to Kai it is the other way around. Siya kaya ang may malaking kasalanan sa akin at ayoko nang madagdagan pa iyon kaya dapat at mabuti lang talagang break ko ngayon. There's nothing good about crossing our paths again. Maayos na ang buhay ko but it seems like mysterious things keep on happening after we met at the hospital. Pero wala naman ako sa lugar para sisihin siya sa mga nangyayari sa akin ngayon, maybe it's just pure coincidence so I'll just shrug that thought off.

"Just be safe, okay? Do you want me to hire you personal guards?"

"Persona guards?" Napabuga ako ng hangin at mahinang tumawa dahil doon. This is getting kinda' out of hand. Tim shouldn't be freaking out and so am I. "Si Jaz nga walang personal guards kahit sikat tapos ako na doktor lang maghahire pa ng personal guards? Huwag na Tim, let's just calm down.." Tumigil ako sandali at nanlaki ang mga mata dahil may naalala.

"What's the problem? Hiring personal guards is not based on popularity as long as may pambayad ka tsaka it's for your safety. I'll get you and Jaz a—"

I cut him off. "Huwag mo sasabihin ito kay Mama at Tito Gerry!"

His forehead creases like he is already opposing what I just said. "Why not? You almost got in danger."

"Just..Just let them enjoy their vacation together. I don't want to worry them."

Morning came and I woke up in Tim's bed while he slept in the guest room. Napangisi ako at napagtantong maaga ako nagising. Alam kong tulog pa si Tim dahil hindi ito morning person at madalas ay tanghali na ito gumigising. I tiptoed while going to the room where he is staying. I was quietly giggling while thinking how I will wake him up and imagining what his reaction will be.

Pipihitin ko na ang sedura ng pinto nang mapatalon ako sa gulat dahil sa taong nagsalita sa likod ko.

"You're planning to wake me up? Too bad, I got up earlier than you.."

Sapo-sapo ko pa rin ang dibdib dahil sa gulat. Minsan talaga hindi ko gusto na madali akong magulat sa mga bagay bagay. Mabilis ko namang nilingon ito at sinamaan ng titig dahil sa ginawa nito. Nawala kaagad ang masamang titig ko rito dahil sa nakita kong ayos nito. Mukhang napansin naman niyang nagbago ang reaksyon ng mukha ko at nakatingin lang sa kanya kaya nagsimula na itong magpaliwanag.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon