Maaga ako sa hospital at hindi na nagkaroon ng oras para makatulog ng maayos. Mas mabuti nang igugol ko ang sarili ko sa mga oras na ito sa pagtatrabaho kaysa maisip ko na naman ang mga bagay na iyon.
"Oh! Ang aga mo." Gulat na sabi ni Arman habang may hawak din itong kape.
Inirapan ko siya at nagpatuloy lang sa pagbabasa at pagtingin ng schedule ko sa mga susunod na araw. I need to rest. I'm going to have surgery the next day on one of our VIP Patients. Hindi pupuwedeng wala akong pahinga noon at baka hindi ko maisagawa ng maayos ang surgery.
Umupo sa tabi ko si Arman at inilapag sa tabi ko ang dala dala niyang donuts at kape. Isang box pa ito at tila nang-iinggit sa akin.
Anong akala niya maiinggit ako? Eh kayang kaya ko naman kumuha ng donut niya kahit inggitin niya ako!
"Uy! Hindi pa nga kita naiinggit kumuha na." Nakangusong sabi nito at prenteng umupo na matapos kong hindi magreact sa sinabi niya. "Uy...nasaan na ba yung irereto mo sa akin? Nakamove on na ako oh!" Pagmamayabang nito sa akin.
"Sapakin kita diyan eh. Nakamove on ilang linggo pa lang?"
"Oo! Bawal ba yun?"
"Basta ba huwag kang iiyak kapag iniwan ka nitong irereto ko sayo?" Masungit na tanong ko rito.
Padabog naman nitong binaba ang cellphone niya sa table niya na katabi ko. "Ako? Iiyak? Bakit? Sino ba yang irereto mo para iyakan ko? Sikat ba yan?"
Napangisi na lang ako. Gago sikat 'to!
"Crush mo ba si Ashtrea?" Ngising sabi ko dito habang nagbobrowse sa phone ko ng mga pictures namin ni Jaz. Pagkakakitaan at ipagmamayabang ko nga muna itong kaibigan ko. Mainis ko lang o mainggit ng isang beses itong si Arman para naman makabawi ako sa palagiang pangbubuwisit nito sa akin.
"Ha? Yung sikat na model ba? Tapos nakasali sa Victoria's Secret Model?" Chill na sabi nito habang umiinom ng kape. "Oo. Crush ko yun eh!" Parang batang sabi nito.
"Sige. Kapag siya yung nireto ko sayo hindi mo na ako iinisin, deal?"
Kumunot ang noo niya at muntik na mabuga ang kapeng iniinom niya na galing pang Starbucks.
"Nagjojoke ka ba? Ni hindi ka nga kilala non. Aga-aga nagjojoke si Sky." Pabulong nito kaya mahina kong hinampas ito tsaka nilapag ang phone sa harap niya.
"Ano 'to?" Tukoy niya sa phone ko na nakalabas ang pictures ni Jaz.
"Tignan mo!" Inis na sabi ko. Hindi ba kapani-paniwala na kaibigan ako ni Jaz?!
Inisa-isa niya ito. Ang unang picture ay kaming lahat na magkakaibigan na nasa bahay ni Jaz dahil birthday niya. Kami kami lang ang inimbita niya noon pero nakaayos pa rin kami.
"Psh. Porket ganto kilala na agad para ireto." Sabi niya pero pinagpatuloy niya lang ang pagtingin.Sumunod na picture naman ay yung nasa bahay ko naman kami at lahat kaming mga babae ay nakapanjama at takot na takot kami si Jaz lang ang hindi habang nanonood. Hindi nagsalita si Arman. Ang sumunod na picture naman ay kami dalawa ni Jaz. Selfie namin iyong dalawa at kuha iyon noong bago ako umalis sa bahay ni Jaz. May pinahanap kasi ako sa kanya noon tungkol kay Kai. Walang make up si Jaz doon at nakapambahay lang.
"Edited." Bulong nito at umiling iling. Ibinalik nito ang phone ko. Inis ko naman itong binalik sa kanya at pinakita ang isang video. Ayaw mo maniwala ha?!
Pinlay niya ito. Nasa video ay masaya kaming lahat habang kinakantahan namin si Alaina ng happy birthday. Si Ed ang may dala ng cake at si Andy ang tahimik na nagvivideo. Nagpalakpakan pa kami matapos hipan ni Alaina ang kandila at isa isa kaming nagwish para kay Alaina doon. Kitang kita pa sa video na habang nagkakasiyahan kami ay nakaakbay si Jaz sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Natapos na ang video at tulala si Arman.
"Oh, anong masasabi mo?"
"Sana all."
Tawang tawa ako dahil matapos noon ay naniwala na siya at pinilit niya na ako. Sinabi ko sa kanyang ako na magsasabi kay Jaz at maghintay na lang siya. Mabuti na lang at hindi niya na ako ininis sa mga sumunod na oras.
Dumating ang alas sais ng gabi at nag-iinat ako. Dumaan si Yuri sa table ko at kumunot ang noo.
"Someone's looking for you." Masungit na sabi nito at hindi ako hinintay sumagot tsaka naglakad na paalis.
Ha? Ako? Saan?
Ano ba naman kasi itong si Yuri masyadong hindi kumpleto ang detalye?! Sinong naghahanap sa akin? Bakit daw? Saan ako hinahanap? Sa laki ba naman nitong Makati Medical Center ay iisa-isahin ko ito?
Nagulat na lang ako ng may humila sa akin at takpan ang bibig ko.
"Sshh.." sabi nito.
"Kai?" Gulat na tanong ko.
"Tara, labas tayo." Aya nito at hinila ako palabas. Tumigil naman ako.
"Ayoko-"
"Kakain lang naman eh. Walang malisya, please?" Pagpapacute nito.
"Huwag mong alalahanin yung kaibigan mo, ako na bahala don." Sabi nito at ngumiti. He gave me a reassuring smile. "Tara!"
Hindi naman si Arman ang ikinababahala ko. Bukod sa baka mahuli ako ay nag-aalala rin ako sa nararamdaman ko ngayon.
Sinabi kong nagmamadali ako kaya sa Shakey's na lang kami kumain. Medyo malapit kasi ito sa hospital kaya ito na lang ang napili ko.
"Anong sayo?"
"Kahit ano."
"Kahit ano daw po sa kanya." Natatawang sabi nito sa waiter kaya sinipa ko ang paa nito sa ilalim ng table.
"Joke lang naman eh."
Patuloy ang pagmamasid ko sa loob ng restaurant. Kinakabahan ako. Why do I feel like I shouldn't be doing this? Pero bakit parang wala namang pumipigil sa sarili ko na gawin ito? Parang kusang loob lang ang pagsama ko dito kay Kai.
"Bakit? Are you uncomfortable? Pwede naman tayong lumi-" Tatayo na ito at mukhang aalis na kahit nasa lamesa na namin ang order.
"H-Hindi. Okay na ako dito. We should eat."
Kumakain na kami ng tahimik pero ramdam na ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Kai. Ramdam na ramdam ko rin kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko ngayong kumakain kaming dalawa. Bakit kapag si Tim ang kasama ko kumain sa labas ay kalmado lang ako? Nagawa ko pa ngang kumain ng nakatsinelas noon eh. Pero bakit parang nadidismaya ako sa sarili ko dahil mukha akong yagit ngayon na galing sa trabaho?
Bakit ko ba sila pinagkukumpara?
"Kain na, mamaya mo na ako isipin. Nasa harap mo na nga ako iniisip mo pa ako." Naiiling na sabi nito.
"Kapal naman ng mukha mo."
"Gusto mo ba ng makapal mukha? Sige, ganon na din ako."
"Parang tanga kasi, Kai. Tigilan mo." Sabi ko sa maliit na boses.
Tanginang boses naman yan Sky! Bakit ganyan ang boses mo? Pacute ka bigla girl?! Nakakainis ka!
"Sige, titigilan ko pang-aasar. Pero ikaw di kita titigilan."
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" kunot noong sabi ko dahil sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.
Is it possible na may sakit na ako? Can I do an operation for myself? Magpaschedule na rin kaya ako ng check up kay Althea?
"Ang sinasabi ko.." kumuha ito ng tissue sa tabi ko at iniangat ang ulo ko. "Hindi kita titigilan. Kukulitin uli kita." He said as he wiped a stain near my lips.
Oh no, this is not good.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Teen FictionMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...