LTWM 38

95 1 0
                                    

"Kailangan na nating tumawag ng pulis! Nakakaloka!" Paghihisterikal ni Alaina at kinuha na ang phone. Pinigilan ko naman siya at umiling.

"May kasama ba?" Tanong ko dito habang nakatanaw pa rin sa gate.

Hinihingal pa man din ay mabilis na umiling si Clio.

"P-Pero baka mapahamak ka. Huwag mo na lang labasin..."

Napalunok ako.

Hindi ko alam ang gagawin kung lalabas ba ako para kausapin si Tim kung anong kailangan niya. O kung tatawagan ko si Kai at ipapaalam sa kanya ang nangyari? Kahit naman ganoon na kinakabahan ako at nagulat sa nalaman tungkol kay Tim ay may pinagsamahan kami. It is really hard to believe that he can do that after all the years that he's been good to me. Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala kapag naaalala ko ang sinabi noon ni Kai. I trust Kai but, I know Tim. I know he can't do that.

"Ano Sky?" Tanong sa akin ni Isaiah.

I sighed and walked towards the door.

Narinig ko naman ang pagpapanic nila sa likod pero hindi ko na lang pinansin.

"Samahan niyo! Andy! Ed!"

"Bakit kasama pa ako? Kaya na ni Andy yan!"

"Natural kayong dalawa ang lalaki. Bilis na kasi teh!"

Naramdaman ko na lang na nakasunod na ang dalawa sa akin. Kahit napilitan ay kitang-kita ko pa rin ang naglalakad na si Ed sa gilid ko.

Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang gate.

Pagkabukas ko ay kitang-kita ko ang mukha ni Tim. Nanikip bigla ang dibdib ko sa nakita. He looks very sad and stressed. Yung Tim na kilala kong malinis at maayos ngayon, he's not here. I can see the dark circles in his eyes proving that he didn't have enough sleep. There are also stubbles growing in his face. Gulo din ang palagi nitong maayos na buhok.

"Tim?" Bago pa man ito nagsalita ay tumingin muna ito sa dalawang kasama ko sa gilid. Wala na itong sinabi tungkol sa kanila at binalik na ang tingin sa akin.

"Sky, I'm really sorry. I'm sorry for everything."

"What are you talking about?" Kunot noong sabi ko dahil hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasasabi nito.

"I know that by this time, you already knew who I really am.."

Napaiwas ako ng tingin dahil doon. So, it is true.

"But believe me when I say that I have no intention of killing you.. I maybe a bastard for keeping those secrets and running a business like that but I'm not a murderer." Pagpapatuloy nito. Sandali itong tumahimik. Pati sila Andy at Ed sa likod ko ay hindi nagsasalita. Ni hindi ko nga alam kung nasa likod ko pa ba sila.

Bumuntong hininga si Tim at hinarap ako.

"I'm going to show myself to your boyfriend and his friend. You don't have to worry anymore. Gusto lang talaga kita m-makita at makausap."

Hindi pa rin ako makapagsalita hanggang sa sumakay na ito sa sasakyan niya at iwan kami sa labas. Wala man lang akong nasabing kahit isang salita bago siya umalis. I felt really sad for him. Kahit ganoon ay alam kong mabuting tao si Tim. At kung sinabi niyang hindi sya ang may pakana nang pagpatay sa akin ay sino?

Saktong pag-alis ni Tim ay pagdating ng isang lalaking nakamotor. Nagmamadali pa itong tinanggal ang helmet niya at seryoso ang mukha.

"Una na kami." Sabi ni Andy sa likod ko at niyaya niya nang pumasok si Ed. Mukhang ayaw pa nga nito pero pinilit niya lang.

"Kai?" Kunot noong tanong ko.

Nakasuot ng itim na leather jacket si Kai. Medyo madilim na sa labas kaya hindi ko na sya masyado maaninag. But as he walked towards me the light starts to hit his face. He looks very serious and his presence screams authority and danger.

"Nasaan si Tim?" Mariin pero pabulong na sabi nito.

Hindi pa man din ako nakakasagot pero hinawakan nito ang braso ko. Chineck niya ang bawat isa. Ganoon din ang ginawa nya sa mukha ko. Pinaraanan niya rin ng tingin ang buong katawan ko.

"That's a relief." Bulong nito.

"Huh?"

Gulong-gulo man ay lumapit si Kai sa akin at niyakap ako ng mahigpit. He caressed my hair and whispered something that makes my heart melt. "Don't ever do that again. Seriously, you're giving me a heart attack."

Napangiti naman ako dahil doon at mas lalong isiniksik ang ulo sa bisig nito.

"Tim came here to say sorry to me. He also told me that he's finally going to show up to you and Detective Mond."

Mabilis niya akong iniharap sa kanya marahil siguro sa gulat.

"Talaga?"

I nodded.

"But I still can't fogive him,"

Kitang-kita ko kung paano yumukom ang kamao ni Kai. I gently touched it.

"He already said sorry. Tsaka ang sabi niya, hindi naman siya ang may pakana noon sa akin. I trust him, Kai." Sabi ko at marahang ngumiti.

Matagal bago magsalita si Kai at nakatitig lang siya sa akin. Sandali itong pumikit at tumango. He just nodde like a little boy.

When I woke up, the news about Tim is already in the television. Binabalita ang pagsuko nito na matagal nang tinutugis ng mga pulis. They didn't give more information and I'm glad I wasn't watching ABC News today. Baka mamaya ay mainis lang ako sa paghahayag nila ng balita tungkol kay Tim.

Some of the people in the hospital are already looking at me. Hindi naman kasi nila alam na naging boyfriend ko si Tim pero nung nagkaroon kasi ng barilan dito sa hospital ay pumunta siya.

Sa katunayan, si Arman lang ang nakakaalam dito sa hospital na boyfriend ko siya noon. Si Arman din ang nakakaalam ng totoong nangyari sa amin ni Kai dahil siya ang madalas kasama ko sa college. Hindi ko rin kasi naikwento sa mga kaibigan ko yung pagsunod sa akin ni Kai noon dahil pare-pareho kaming busy sa kolehiyo noon.

"Tabi! Tabi!" Nagulat ako kay Arman na sinuotan pa ako ng sumbrero at shades. Inakbayan ako nito para mas mapabilis ang paglalakad ko.

Anong ginagawa nito?

"Uhm..excuse me po." Sasabihin nito sa mga taong nakaharang o kahit wala talagang nakaharang.

Gusto ko na lang mapasapo sa noo ko sa ginagawa niya.

"Anong ginagawa mo?" Bulong ko ng mapatigil kami sa paglalakad.

"Sshhh..pinoprotektahan lang kita sa paparazzi. Baka mamaya kasi mayroong may connection dito sa hospital na taga media tapos picturean ka pa o kung anu-ano. Lalo na ngayon, nabalita si Tim."

"Saan mo naman nalaman yang mga pinagsasasabi mo?"

Nagbago ang itsura nito at ngumiti na parang nagpapacute. Parang alam ko na kung kanino ha.

"Kay Jaz hehe," sabi nito habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo.

Hinampas ko naman ito dahil nandidiri na ako sa ginagawa niya. Sumasakit mata ko sa lalaking ito. Pero tama naman siya.

"Okay, salamat. Pero sabi ni Jaz kaibigan ka lang daw niya." Diretsahang sabi ko kay Arman. Hinanda ko na ang tenga ko na baka umiyak na naman si Arman kagaya ng dati. Pero nagtataka ako at wala. "Okay lang?"

Tumango ito. "Uhm..okay lang naman sa akin. She seem a really nice girl. Crush ko pa lang naman kaya gusto kong mas makilala pa."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. That's my friend. Pero marupok din ang isang ito eh ano? Marupok pa sa akin.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon