Congratulations to us for making this far! I love you! Please support the next story which is Clio's story.
--
I've seen this girl nung pasukan namin. To be honest, she never really caught my attention. Masyadong tahimik. Mukhang mahinhin at inosente. Mukha ring bata eh dahil may pagka-baby face.Mas kaclose ko pa nga ang mga kaibigan nito lalo na si Jaz. Balita ko kasi may boyfriend daw at mukhang seloso yung boyfriend.
Wala naman akong pake doon.
Ayoko sa mga babaeng ganoon.
Mga babaeng sinusunod yung gusto ng lalaki. Sa sobrang pagsunod nila, hindi nila napapansin unti-unti na silang nakukulong.
"Uy, Sky! Tara sama ka today, tambay sa bahay." Narinig kong paanyaya ng kaibigan nito habang nag-aayos ako ng gamit. Uwian na rin kasi at wala naman kaming masyadong gagawin kinabukasan.
"Huwag mo sabihing ayaw ka papuntahin ng boyfriend mo?" Mapanghinalang sabi ni Jaz.
"Hindi baliw! Basta sa susunod sasama na ako." Nagmamadali nitong sabi at nabangga pa ako palabas ng room.
I smirked.
I knew it. I don't really like that kind of girl.
Girls don't have to be treated like a slave or in a prison. She must be free and can still do what she wants.
But when the day that I saw her, I think my idea of her changed.
Naglalakad na ako mag-isa pauwi dahil galing ako sa bahay ng tropa ko. Wala na rin namang naghihintay sa akin dahil sa apartment lang ako nakatira. Wala na akong kasamang mga magulang. Maghahanap na naman nga ako ng part time job next week dahil paubos na ang ipon ko.
Alas otso na iyon at madilim na ang paligid. I continued walking while fixing my eyes to the couple infront of me.
The night was so silent. Hanggang sa narinig kong sinigawan ng lalaki ang babae sa tabi niya. Did he just shouted at his girlfriend? Gago 'to ha?!
I was about to go to them pero biglang tumakbo palayo yung babae at sinundan siya nung lalaki.
Hindi ko alam kung susundan ko sila o pupulutin yung nahulog ng babae. But in the end, I picked up the keychain that the girl dropped.
Nanliit ang mga mata ko dahil hindi ko masyado mabasa ang nakasulat na pangalan. Hindi rin naman nakatulong ang ilaw sa poste na kumukurap kurap na.
"Sky?" I whispered to myself.
Pagpasok sa sumunod na araw ay tila hindi pa rin ako sigurado. I'm not sure if the Sky, who's the owner of this is the Sky that I know.
Pumasok ako sa classroom at kaagad iniyukom ang palad kung nasaan ang keychain. Sakto ko kasing nakita si Sky na mukhang may hinahanap.
"Ano ba kasi yung hinahanap natin?" Tanong ni Clio dito.
"Yung keychain ko kasi! Mahalaga yun! Bigay yun ni Sheina sa akin eh."
I took a deep breath and looked at the keychain I'm holding. Ibabalik mo lang naman Kai, walang masama doon.
Lumapit ako sa kanila. Saglit silang natigilan at napatingin sa akin.
"Anong problema mo?" Tanong ni Jaz sa akin na naghahanap sa ilalim ng upuan.
Nakita ko rin na nakatingin lang si Sky sa akin. She's just silently watching me and didn't utter a single word. I placed the keychain on her desk. She was shocked and even her friends.
"Paano mo nahanap 'to?!" Tuwang tuwa na sabi nito.
Whoever that Sheina is, she must be really important to her. She really is different when she's happy.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Ficção AdolescenteMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...