LTWM 36

109 2 0
                                    

It turned out like I'm watching a typical teleserye. The guy who got the heart from Niña's grandma is her ex-boyfriend and also the father of Niña's son.

Paano ko nalaman lahat? Kinuwento lang naman sa akin ni Niña matapos niyang magwalk out. Nakumpirma ko rin ito dahil sa sinabi ni Ryan. Ang ex niya na mayaman pero hindi pa nito alam na may anak siya. Oh diba? Para talagang teleserye.

Ryan told me to operate Niña's grandmother immediately. Sinabi niyang siya na rin ang bahalang kumausap sa mga nakakataas na opisyal ng hospital dahil dito. Sinabi niya ring siya ang sasagot ng operasyon nito at lahat ng gastusin.

I informed Althea about it and she was shocked. Kahit ngayong nasa OR na kami ay ang dami niyang tanong.

"Are you really sure? Baka pare-pareho tayong mapagalitan dito Sky." Bulong nito sa akin.

Umirap na lang ako at nagpatuloy na lang sa ginagawa ko. Nagulat si Niña dahil doon at sinabi kong huwag siya sa akin magpasalamat. Her grandma was still unconcious after the four hour heart transplant.

Kabado ako pero walang mapaglagyan ng saya ang puso ko. My heart is overwhelming with joy on what happened.

Pero hindi ko alam na may kasunod pala itong hindi magandang pangyayari. Pinatawag ako ng head department namin na si Mr. Chris. He smirked when he saw me again in his office. The last time that I went here is because of the incident about Gaile that was caused by Tricia and speaking of Tricia, she's in jail already.

"I heard what you did." Panimula nito.

Yumuko na lang ako. I don't know if it's a good or bad news.

"Po?'

"Masyado ka talagang pasikat noh?"

Natigilan ako sa sinabi nito. Hindi naman ako nagkakamali nang narinig ko diba? Pero bakit sasabihin ito ni Mr. Chris?

"Akala ko matatapos na 'yang pagpapasikat mo doon sa nangyari sa isang pasyente natin na kailangan ni Mayor." Medyo galit at mariin na sabi nito. "Tapos ngayon, nagpapasikat ka ba talaga? Hindi uubra dito ang bait-baitan sa hospital Ms. Flores..." nakangising sabi nito.

Naguguluhan man ay hindi pa rin nakatakas ang kaba ko sa dibdib.

Tumayo ito sa swivel chair niya at lumapit sa akin.

"If you think that you can get my position dahil unti-unti mong nakukuha ang loob ni Mrs. Yu, diyan ka nagkakamali." Nakangising sabi nito. Tinutukoy nya si Mrs. Yu na asawa ng Mayor na siyang may-ari ng hospital.  Mas dumoble ang kaba ko dahil sa mga sunod nitong sinabi. "If I have to play dirty, I will. That's why I'm warning you."

I left in his office with a heavy heart and a nervous state of mind. I didn't know what to do at mukhang mas dumagdag pa sa isipin ko ang mga sinabi ni Mr. Chris. Kanina ay masaya pa ako ngunit ngayon, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Arman sa akin.

Umiling lang ako dahil hindi naman ako makakapagsinungaling sa kanya.

"Oh, maybe it will make you feel better." Sabi nito at iniabot ang kitkat sa akin. He smiled at me and patted my head. "Tara na, hatid na kita."

Mas lalo lamang akong nanlumo at ngumuso nang malamang hindi si Kai ang maghahatid sa akin pauwi. I am really excited to tell him what happened and maybe tell him what Mr. Orong just said?

"Oo nga pala, nice job you did there! Sinabi sa akin ni Althea kahit alam kong sinabi mo sa kanya na huwag sabihin sa iba."

Kumunot ang noo ko dahil doon. Althea can't really shut her mouth at anything. Kung sabagay, kahit nga nasa operating room kami ay hindi matigil ang bunganga nito. Mabuti na lang talaga at sanay kami.

"Oh, hindi na pala kita kailangan ihatid eh." Gulat na sabi ni Arman matapos namin makitang nakatayo si Kai sa kotse niya. Hindi na rin ako nagdadala ng kotse dahil nga palagi nila akong hinahatid. I know it is not their obligation to do it, I also reject their offer pero pare-parehong matitigas ang ulo nila. Si Jaz pa nga ang pumilit sa dalawa na pumayag din naman kahit hindi pilitin.

Tinanggihan ko lang ang sinasabi ni Mama na pagkakaroon ng bodyguards. I think that will make the situation more complicated.

"Kamusta? Bakit parang nakanguso ka diyan? Gusto mo agad ng kiss ko?" Pagbibiro agad ni Kai matapos kong makalapit sa kanya.

Arman made strange noises that he is cringing on what Kai said and bid his goodbye.

Mahina kong tinulak si Kai dahil sa sinabi niya.

"Huwag ka nga." Sabi ko at mabilis na pumasok na ng kotse niya.

I badly want to tell him everything. Gusto kong ikwento lahat ng pangyayari ngayon sa hospital but I'm too shy to do it and maybe I'm not used to it. Hindi rin naman kasi kami ganoon ni Tim dati tsaka feeling ko kapag nagkuwento lang ako ng ganoon sa kanya hindi siya makinig at baka maboringan lang.

Kai went closer to me after he got in. He leaned closer and kissed my forehead.

"I know what happened and I'm really proud of you.." he whispered.

Napanguso ako sa sinabi nito at hindi na ginusto pang umalis sa posisyo namin. Malapit si Kai sa akin at yakap yakap ako nito. Ramdam ko ang baba nito na nakapatong sa ulo ko at lalo niya pa akong niyakap dahilan para mapadikit ako sa dibdib niya. Now I can clearly hear his heart beat!

"I know there's something you want to say..."

"Come on, Sky. You can tell me everything. You can tell me how your days went. You can tell me your happy days and I'll be happy with you. You can tell me your worst days and I'll still be with you comforting you."

Then I thought that I don't needed to tell him really what happened between me and Mr. Chris. Because I felt much better on he said and what he is making me feel. His mere existence makes a whole lot better in my life. In this cruel world where I am in, he really is my home. A home that I can went to even if I've done a lot of mistakes. A home that will still welcome me everyday with arms wide open.

"I'm sorry for making you worried. Napagalitan lang naman ako ng kaunti but I feel a lot better now." I said.

Nilayo nito ako saglit at tinitigan sa mga mata ko.

Oh. He really knows when I'm lying.

Pero ngumiti ito matapos niya yatang malaman na hindi naman ako nagsisinungaling. Muli ako nitong niyakap.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nakarinig kami ng busina sa labas ng kotse. Nakita kong ang kotse iyon ni Arman. Napapoker face ako dahil doon. Panira talaga ng moment amp.

Bumaba si Arman sa sasakyan niya at kinatok ang bintana ng kotse ni Kai.

"Kainis naman," bulong ko.

Binuksan naman ni Kai ang bintana na natatawa.

Bumungad ang mukha ni Arman na mukhang taranta. "Hindi ko makita ginagawa niyo kasi tinted yung kotse pero umandar na kayo! Sa bahay nyo na gawin yan!"

Bastos talaga ang bunganga ng isang ito! Wala naman kaming ginagawang masama ni Kai!

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon