LTWM 35

102 1 0
                                    

"Good morning everyone!" Masayang bati ni Arman sa aming lahat dito sa hospital. 

Marahan pa itong tumatalon at may kinakanta pang kanta na hindi namin malaman kung ano. Mukhang good mood 'to ngayong umaga ha? Ano naman kayang meron? Ano pinagkakaabalahan ng isang ito? 

Makikichismis nga ako. 

Nilapitan ko ito matapos ko siyang sundan. Para namang tanga kasi tumatalon talon pa. Ano naman kayang trip nito sa buhay?

"Hoy,"

"Yes, Sky?"

Aba at mukhang good mood nga! Ngiting ngiti pa na bumati sa akin eh. 

"Good mood tayo ngayon ah? Ano bang dahilan para masira ko mood mo?" 

Mukhang hindi naman nito pinansin yung pangalawa kong sinabi kaya patuloy pa rin ito sa pagngiti at mukhang walang makakasira ng mood niya. Tingnan natin kung masisira ko.

"Si Jaz kasi.."

"Ano meron sa kaibigan ko?" 

"Eeehh.." 

Halos mandiri ako sa pinakita nitong reaksyon sa akin. Gulat na gulat ako at nanlalaki ang mata. Ang pangit kiligin nitong si Arman. Oh talagang ganon lang kiligin ang mga lalaki? Ganoon rin ba kiligin si Kai? Kasi kung ganyan din siya kiligin, baka hindi ko na alam gawin. Kidding, I still love him.

"Ano nga?" Bwisit na sabi ko at mahina na itong hinampas.

Akala niya siguro ikinatutuwa ko yung pagkilig niya.

"Ayun, nagchachat na kami. Getting to know each other kumbaga." Sabi nito at mahina akong tinulak na parang tanga. Seryoso ba talaga 'to na ganyan siya kiligin?

"Psh. Friendzoned ka lang diyan," natatawang sabi ko at mas lalong natawa nang mawala ang ngiti nito. Arman pouted like a little kid.

"Wow grabe. Napakasupportive mong kaibigan." He said while expressing his sarcasm.

"Hmm..depende na lang kung matiyaga and you really like her." Sabi ko dito at nginitian tsaka tinap ang balikat.

Nagpaalam na ako kay Arman dahil may operation ako ngayon. Siguro nahawa na rin ako kay Arman kanina sa pagiging good mood or maybe there's no reason for me to show a frown in my face.

Masaya at kalmado kong isinuot ang scrub ko. Ganoon din ang ginawa ko sa pagsusuot ng sugical gloves, mask at cap.

"Oh, saan ka pupunta?" Gulat na tanong sa akin ni Althea. Nagtaka naman ako dahil hindi pa ito nagpapalit ng damit. Ang alam ko siya ang kasama ko sa OR ngayon.

"Ha? Gaga, diba may sched tayo? Heart transplant?"

She laughed hard and loud. "You gotta be kidding me! Ang shunga mo Sky! It was cancelled." Naiiling na sabi nito.

"Ha?"

Cancelled? I didn't check it yet.

"Check your phone. Nagtext ang ating head department na i-cancel ang operation."

"What? That's ridiculous. What happened?"

"Sa pagkakaalam ko, the patient can't pay the bill enough. Tapos yung donor na nagmatch sa kanya, kinuha na ng VIP Patient na kahapon lang dumating." Malungkot na sabi ni Althea.

If she's sad well I'm fucking disappointed. Uunahin pa iyong VIP Patient na iyon? I know that he is in the VIP so that's why he needs to come first but can't they show a little consideration? Sa pagkakaalam ko ay bata pa iyong pasyente at malakas pa. Mga kasing edad siguro ito ni Kai. While the old woman here is in her eighties.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon