LTWM 19

85 3 1
                                    

Kai pushed me so that I can get out of the elevator. Masyado kasi akong nanigas sa kinakatayuan ko kaya hindi ako nakakilos nang makarating kami sa ground floor. Kahit pa puro ingay na ang naroon at medyo marami na ang mga tao ay nakatayo pa rin ako at nakaharap sa elevator.

Kai and I stared at each other until the elevator door closed. He looked very......sad and hurt. I can see it in his eyes.

"Ma'am uuwi na po ba kayo?"

"A-Ah. Yes."

Bumalik ako sa sarili ko matapos ako tanungin ng isang nurse. Masyado akong napaisip sa sinabi ni Kai. I didn't deserve Tim? Binitawan niya ako para dito? What the hell?

Kahit pa pagsakay ko sa kotse ko ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Ni hindi ko nga pinansin si Arman kahit na kinukulit ako na ibigay ko na daw pangalan nung irereto ko sa kaniya. Wala muna akong pakialam sa kanya kaya hindi ko muna siya pinansin. Makakapaghintay naman yang lovelife niya dahil bata pa naman siya. Matuto siya maghintay diyan.

Pero ang hindi ko pa rin makalimutan ay ang mga huling salita na sinabi ni Kai bago tuluyang bumukas ang pinto ng elevator.

"A-Anong sabi mo?"

"You don't deserve someone like that. Kung ayaw mo siyang hiwalayan, I'll find reasons para hiwalayan mo siya. I'll do everything na hindi niya ginagawa sayo. Everything. Because that's what you deserve." He said without taking his eyes off me.

I don't know what to say because my heart beats so fast that time. The first time....the first time my heart beats so fast like that. Naramdaman ko ito kay Tim noon but the intensity of what I'm feeling with Kai right now can't compared to Tim. This is going to be a big problem.

I can still remember how Kai and I used to be together.

"Sshh..huwag ka na maingay please? Kinakabahan ako paano sasabihin 'to sa kanila." Sabi ko dito habang paikot ikot sa kaba.

Nakatingin lang naman si Kai sa akin at tumatawa. His laugh is so attractive at nadidistract ako sa pagpaplano ko kung paano ko kakausapin ang mga kaibigan tungkol sa amin. Our relationship became a secret dahil hindi pa ako handa sabihin sa mga kaibigan ko. They will probably freak out if they know na kami na ni Kai. Hindi naman talaga kami kasi close ni Kai. Mas close pa nga sila ng iba kong mga kaibigan kasi hindi naman ako mahilig makihalubilo sa mga kaklase kong lalaki. So, they will probably ask paano kami nagsimula, how did Kai courted me, how did we met and so on...

"Paano nagsimula lahat...Anong nangyari.." I said enumerating the sentences written in my palm.

"Ano? May recitation ka ba?"

Sinamaan ko ito ng tingin. "Hindi ka na nga tumutulong diyan eh!" Inis na sabi ko sa kanya at mahina siyang sinipa. Si Kai yung tipo ng lalaki na puro kalokohan at tawa lang sa buhay. I never really think that he'll be serious when he is in a relationship.

Lumapit ito sa akin at tsaka pinakalma ako. He always do that and he is very good in making me calm. Madali kasi akong niyerbosin noon sa mga simpleng bagay. Dahil na rin siguro sa kakakape ko ito eh. But, I'm lucky that he is here to make me calm.

He messed up my hair and pinched my nose like he always do. "Bakit ba kinakabahan ka? Sasabihin lang naman natin sa mga kaibigan mo na ikaw nagkagusto sa akin. Pinilit mo akong ligawan ka-"

Mahina ko itong sinapak. "Napakasinungaling mo! Ikaw nga itong unang nagchat sa akin! Kunwari ka pang magtatanong ng assignment. Style mo bulok!"

"Sumagot ka naman? Tapos nainlove ka sakin?"

"Syempre ano....marupok." bulong na sabi ko at yumuko na. I don't believe that I'm actually saying this.

"Putangina."

Halos mabuwal ako dahil sa malutong na mura ni Jaz. Nasa likod niya ang mga kaibigan ko na kumukurap kurap na tila hindi makapaniwala sa nasaksihan nilang eksena. Nakakainis! Para kaming mga junior high na naglalandian kahit na grade 12 na kami!

"A-Ano kasi-"

"Kayo na?!" Sigaw na sabi ni Alaina habang may dala pa itong pagkain.

Kumpleto silang lahat ngayon maliban kay Andy. Sinabi ko kasi sa kanila na magkita kita kami sa lumang classroom sa building ng mga junior high. May klase kasi ng mga ganitong oras ang junior high kaya panatag ako na walang makakakita sa amin. Plano ko naman sabihin sa mga kaibigan ko ito, pero bakit naman sa ganito pa nila kami naabutan?

"Ha? Paano? Kayo? Ni Kai?" Dagdag ni Clio na hindi makapaniwala.

"Naku! Napakarupok talaga! Magpaliwanag ka sa amin! Bilis." Pagdedemanda ni Isaiah ng sagot at mabilis akong tumango.

"Yun na yon?" Malakas na sabi ni Jaz at hindi makapaniwala.

"Ang oa mo naman teh." Sabi ni Edwin at mahinang tinulak si Jaz.

"Hindi ka ba nagulat?"

"Nagulat ako pero dapat sweet girl lang tayo palagi." Maarteng sabi ni Ed at nilagay pa ang kunwaring mahabang buhok niya sa likod ng tenga.

"Basta..." panimula ni Kai at inakbayan ako. "Mahal ko si Sky." Sabi nito at naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko.

"Naku, oo na jusko! Nang-iingit pa eh." Naiiling na sabi ni Alaina.

"Okay, dahil diyan libre!" Masayang sabi ni Isaiah at ginatugan naman ng ilan kong mga kaibigan.

Sobrang saya ng mga araw na 'yon....noon. But things don't stay the same as before. Masyadong maraming nagbabago overtime and Kai is one of them. Matapos kong makita si Kai noon with a girl, I just cried and cried all night. Tinanong pa sa akin ni Mama ang nangyari and I told her everything. Mama didn't really liked Kai at first, sinabi nitong wala itong kaseryosohan sa buhay at mukhang lolokohin lang ako and she's right. Mothers are always right.

"I really hate you, Kai." I said as tears started to fall from my eyes.

Naiinis ako. Sobra akong naiinis. All this time, I was telling myself that I love Tim. That I really love him and there's nothing that can change my mind. Pero bakit sa isang salita lang ni Kai naguguluhan na ako?

My mind and heart are battling right now. I need answers.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon