LTWM 2

323 5 0
                                    

Forget about Arman's whereabouts. My main concern right now is, who the fuck is this guy infront of me? Minumulto na ba ako ng nakaraan ko? 

Is this may karma already?

"Dok?"

Napakurap ako at bumalik sa realidad. Nakakunot pa rin ang noo ko at hindi makapaniwala.

"Binigyan ko na po ng ET Tube para sa lungs at IV." Sambit sa akin na mabilis kong tinanguan at kumilos na kami para sa operating room.

Ilang beses akong napalunok habang naglalakad papasok sa OR. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumigil biglaan ang mga paa ko ng saktong nasa harap na ako ng pinto. Naririnig ko ang tunog ng makina sa labas, mga taong nagkakagulo, tunog ng mga baril at ang malakas na tunog ng orasan.

"Ano pang ginagawa mo diyan?" Iritadong sabi ni Althea dahil binuksan niya ang pintuan at nakitang nakatayo lang ako roon ng ilang minuto.

And then suddenly, I composed myself and separate my personal conflicts to my profession. 

"Ready."

Napatingin ako sa katawan ni Kai ngayon na nakahiga sa operating bed. Naalala ko bigla ang nangyari sa kapatid ko noon pati ang ginawa niya sa akin at ngayon, ngayon na nagkita kami sa ganitong sitwasyon at paraan pa.

"What the hell, Sky? There's no time for that! Remember our first priority here!" Althea snapped the hell out of me while being frustrated because of what I'm behaving.

I started examining Kai's body while my hands are still trembling, Althea and the others inside looked at me confused like they are unsure of what I am doing right now. Natandaan kong sinabi kanina ay tinamaan ito sa dibdib, so that explains the blood coming out from his chest but right now his chest is turning into bluish.

"Pneumothorax," Natigilan ako sandali dahil naninikip bigla ang dibdib ko. "Primary...Primary Spontaneous Pneumothorax."

"It's risky to conclude that without knowing any personal records of the patient!"

"I know him, okay?!" Halos pasigaw na sambit ko kay Althea kaya natahimik ito.

The treatment for a Pneumothorax lung requires lessening the pressure on the affected or injured lung to allow it to re-expand.

"We'll be inserting a chest tube." Mahinang sabi ko at tumingin na kay Althea. Tumingin naman si Althea kay Cindy at tumango naman si Cindy.

I waited for them to give it to me para ako na ang maglagay. I inserted the chest tube into the body so that it can remove the excess air from pleural cavity. Tiningnan ko si Cindy na siyang nakatayo malapit sa suction machine at tumango ito sa akin tsaka nagthumbs up.

"Are we doing a Thoracostomy?" Taas kilay na tanong sa akin ni Althea.

Bakit ba sa tuwing kasama ko itong si Althea ay puro chika at tanong ang ginagawa dito? Sasapakin ko ito at ayaw bigyan ng pansin palagi ang pasyente eh. Palagi na lang daldal ng daldal.

"Bullet wound exit?" Tanong ko kay Cindy at tumango ito.

Nakahinga naman ako ng maluwag at tsaka kumalma. Thank God that I don't have to remove the bullet anymore. The last time I did it I have to open the patient's rib and its lungs.

Bigla namang pumasok si Arman.

Eto na yata ang isa sa mga araw na pasasalamatan ko si Arman dahil bigla itong pumasok. Wala akong panahon para samaan ito ng tingin ngayon dahil talagang hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito. Napakamot pa ito sa batok niya bago lumapit sa akin at mahina akong itulak.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon