Hindi ko pa mapigil ang ngiti ko habang nakahawak sa manibela. Umiling iling pa ako na parang tanga ngayon. Oo na, kahit na trenta anyos na ako ay pwede pa rin naman siguro ako kiligin.
Napagpasyahan ko na ring isusuot ko pa rin ang stiletto kahit na namamaga ang paa. Eto na siguro ang sinasabi nilang tiis ganda. Grabe, Isaiah and Jaz would be proud of me.
I heaved a sigh before getting out of my car. Dahan-dahan ang ginagawa kong paghakbang gamit ang kabilang paa dahil makirot pa talaga ang paa ko. Relax, there's no need to rush. Hindi naman isamg metro ang layo nitong Sala Restaurant sa kotse ko kaya, kaya ko ito.
I was welcomed by the classy atmosphere of the restaurant. I was also welcomed with a warm smile of the man that I am in a relationship with. Mabilis na tumayo si Tim at nilapitan ako para alalayan papunta sa upuan namin.
"Whoa." He exclaimed.
We both stopped and looked at each other. I asked him, confused. "Why?"
"This color suits you best," he whispered referring to my hair as he tucked it behind my ears.
Ipinagpapasalamat ko talaga na gentleman si Tim dahil talagang nakaalalay ito sa akin hanggang makarating kami sa table.
"What happened?"
"Huh? Alin?" Sabi ko at natigil sa pag-aayos ng sarili dahil nakita kong ineeksamin na ni Tim ang paa ko na namumula. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil doon. Lumuhod ito sa harap ko at nakita ito ng ibang mga tao kaya may nakita akong nagbubulungan.
And then, it hits me. This scene seems familiar, very familiar.
Tumikhim ako at dahan-dahang inilayo ang paa sa harap ni Tim. Nagulat ito pero nawala din kaagad ang reaksyon niya.
"This should get treated as soon as possible, am I right doctor?"
Tumango ako at marahang ngumiti sa kaniya. Hindi pa rin tumatayo si Tim sa pagkakaluhod niya sa akin kahit na inilayo ko na ang paa ko kanina. Medyo kinakabahan na ako dahil baka maulit ang nangyari noon but I still think nothing will change, as of now.
Malambot ang mga kamay ni Tim at ramdam ko ang pag-iingat nito matapos niyang tanggalin ang sapatos na suot suot ko.
"Dapat hindi mo na isinuot. You don't have to try hard to look pretty because you already are." Diretsong sabi nito na parang wala lang at hindi niya alam ang epekto sa akin.
"Uh..excuse me, Ma'am and Sir. I'm here to take your orders po,"
We started to take our orders, while waiting for it Tim asked me a lot of questions to catch up on what happened in my past weeks here in the Philippines.
"How's work? Nothing's new?" Ako naman ang nagtanong sa kaniya.
Tim owns a Trading business just like what Kai owns right now. I know how it works but remembering what Jaz told me about it, how it can be used to do illegal activities, it never did slip in my mind. Siguro dahil alam ko namang parehong hindi namang ganoong tao sila Kai at Tim para gumawa ng ganoon. And especially Tim, I know he won't do such things like that.
"Nothing's new, same old boring work and business meetings." Pagkukuwento nito at tumango tango naman ako.
"By the way, did you hear the news last time?"
"What is it?"
"Yung buy-bust operation near our hospital."
Kumurap si Tim at kumunot ang noo. Para bang inaalala niya ang detalye tungkol sa nangyari doon o kung may ideya o alam talaga siya sa nangyari doon.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Fiksi RemajaMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...