Patuloy lang ako sa pag-atras at patuloy rin sya sa pagsunod. Nang makita niyang babalakin ko nang tumakbo ay bigla ako nitong hinablot at tinakpan ang bibig ko.
"Hmm..." Sinubukan kong magsalita pero mahigpit ang pagkakatakip nito sa bibig ko.
Halos buhatin na nito ako palayo sa bar habang tinitingnan nito ang paligid kung may nakakakita ba sa amin. Nang makalayo na kami, nasa likod kami ng isang sasakyan at binitawan niya na ako.
Mabilis kong sinipa ang bayag nito pero mabilis ito kaya natakpan niya.
"Oops..bawal 'yan gusto ko pa magkaanak."
Kumunot lang ang noo ko at sinubukang sampalin naman ito pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Ginamit ko naman ang pagkakataong iyon para gawin ang pagsipa ko kanina pero nahawakan niya naman ang tuhod ko.
"Tangina, hindi naman ako masamang tao."
And that makes me want to think that he is a bad guy!
Unti-unti akong umatras papalayo sa kaniya hanggang sa nakatakas na ako at mabilis na tumakbo.
"Eto na naman tayo, shit." Pahabol nito bago ako tuluyang nakalayo sa kaniya.
Who the hell is that? And why the fuck he know my name? At full name pa!
But wait..
Natigilan ako sa pagtakbo dahil sa napansin ko. His get up is somehow familiar, the overall black get up. Parang nakita ko na ito....
"Tama! Noong galing ako kila Jaz!"
He is the guy I saw staring at me from afar at the parking lot! Siya 'yun! Kahit na hindi ako sigurado sa built ng katawan, siya lang naman ang nag-approach sa akin ngayon na parehong pareho ng suot noong lalaki na nakita ko noon.
"Fuck. What should I do? Naiwan ko ang phone ko sa table sa bar." Bulong ko sa sarili at naghanap ng pwedeng escape route ko.
First time ko lang dito sa bar na ito, mukhang hindi na mauulit dahil sa magiging takot at nerbiyos ko sa lalaking ito ha?
Sumandal ako sa isang sasakyan habang hinahabol ang paghinga. Kanina pa ako hinihingal kakatakbo sa lalaking iyon! Hindi naman kasi ako runner kung hindi isang doktor! Gusto ko lang naman magsaya pero bakit may ganito naman?
"Hello.."
Napaigtad ako sa narinig na magsalita. Lumingon ako para hanapin kung saan galing ang boses na iyon. Tumingin ako sa likod ko at nakitang may isang lalaking nakatalikod sa akin habang may kausap sa telepono.
"Finally..."
Tumayo na ako para humingi ng tulong pero laking gulat ko ng mayroong humatak sa akin paupo. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan kung sino iyon at iyong lalaki uli kanina!
Paano ako nahanap nito?!
"Huwag kang maingay." Seryosong bulong nito habang nakatakip pa rin ang bibig ko. Napalunok naman ako dahil mukha itong delikado lalo na kapag seryoso kaya nagdesisyon na nga lang akong manahimik.
But he looks weird because he keeps on looking on the guy behind the car we are hiding.
"I told you, I'm the good guy here and that's the enemy." Tukoy nito sa lalaking dapat hihingian ko ng tulong kanina.
But that still doesn't change the fact that you still look like the bad guy! At itong ginagawa niya sa akin ay isang malaking pagdududa na sa kredibilidad niyang mabuting tao siya!
"Ha? Ano?"
Napatalon naman ako sa gulat dahil sa pagsigaw ng lalaking may kausap sa telepono. Galit ba itong si kuya?
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Teen FictionMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...