"Hindi mo ba ako aalagaan?" Ngising sabi ni Kai na nakahiga sa sofa ng living room ko.
"Shut up Kai." Masungit na sabi ko at nagpunta na sa kusina.
I'll probably just cook breakfast and a soup maybe? To ease his cough?
Marami pa ring tumatakbo sa isipan ko hahang nagluluto. Pero narinig ko ang malakas na sigaw ni Kai mula sa living room.
"Nasaan pala boyfriend mo?"
Napairap na lang ako. Right. Simula din kahapon, hindi na ako cinontact pa ni Tim. If that's what he wants, okay. Ngayon ko lang din naisip, ang weird lang din pala. Tim and I were together for three years pero ni minsan ay wala akong nakilalang kamag-anak nito. Sinabi niya na sa aking patay na ang mga magulang niya at mag-isa na lang siya sa buhay. I never asked him about that because I know that he'll probably never answer.
Nakakapagtaka rin na hindi ko alam kung ano nga ba ang trabaho ni Tim. Madalas kaming hindi magkita dahil sa mga trabaho namin but I never knew what his real job is. I just assumed that he runs a business because it's related to his course he's taking. Ngayon na naisip ko na, isang malaking katanungan pa rin sa akin si Tim.
Habang nagluluto ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Mama. Oh shit. Does this mean nakauwi na sila?!
"Hello, Sky!?"
Napapikit ako sa malakas na boses ng ina mula sa kabilang linya. "Oh?"
"Ano itong nabalitaan ko sayo? Okay ka lang ba 'nak? Pauwi na ako, papunta kami ngayon sa bahay mo."
"H-Ha?! Pauwi na kayo? As in ngayon na papunta kayo Ma?" Tarantang sabi ko at tumakbo papunta sa living room.
"Oo. Ito na nga at pababa na kami ng sasakyan."
Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko nga sa labas ng gate si Mama na kakababa lang ng sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin!
"Aray!" Mabilis kong hinila ang kumot ni Kai para magising ito."Bakit?" Takang tanong niya.
"Tayo! Bilis bilis! Parating sila Mama!"
"Ha? Si Tita? Sky naman, masyado kang mabilis ha..."
Hindi ko na ito pinansin at naghanap na ng pwedeng pagtaguan ni Kai. Shit. Anong gagawin ko kapag nakita ni Mama si Kai dito sa bahay?! Badshot si Kai kay Mama at botong boto naman ito kay Tim.
"Magtago ka!" Mariing sabi ko kay Kai at pinaakyat ko ng second floor at doon siya nagtago. May dala-dala pa itong unan at kumot habang nagtataka ang mukha.
Inayos ko ang sarili at huminga ng malalim bago buksan ang pintuan.
"Naku!" Singhap ni Mama at niyakap ako ng mahigpit.
Galing silang bakasyon ng asawa niyang bago sa Korea. Nakikita ko araw-araw ang post nito sa facebook at ang mga pinapadalang pictures nito sa akin.
"Kamusta ka? Teka, bakit amoy sunog?" Sabi ni Mama at ako rin ay nakaamoy ng sunog. Tsaka ko lang din naalala ang niluluto ko. Kaagad akong tumakbo sa kusina at pinatay iyon.
Nasunog na ang itlog na niluluto ko. Kanina pa pala iyon nakasalang.
"Naku naman, anak!" Naiiling na sabi ni Mama nang sundan niya ako.
"Kamusta ka na ba? Totoo ba yung nangyari? Naiinis ako sa mga bashers mo..." patuloy lang ito sa pagsasalita habang nakikinig ako. Paulit-ulit na lang si Mama kaya puro pagtango na lang din ng paulit-ulit ang ginawa ko.
"Kamusta na nga pala kayo ni Tim? Ikakasal na kayo?" Excited na sabi nito. Napairap naman ako. Makikita mo talaga na botong boto si Mama dito eh.
"Hindi po."
"Naku! Huwag mong sabihin na baka maunahan ka pa ng kaibigan mo ikasal!"
"Sinong kaibigan, Ma?"
"Yung flight attendant! Hindi mo ba alam? Trending sa twitter na nagpropose daw yung boyfriend nito sa eroplano." Madramang sabi ni Mama na tila updated sa lahat.
Napasinghap ako at halos mapasigaw. "Si Clio?!" Pumikit ako bago magpatuloy. "Engaged na si Clio sa boyfriend niyang pinapaiyak siya palagi?!"
Nagkibit balikat si Mama. "Ano ka ba...mabuti nga at nagpropose yung lalaki, ibig sabihin mahal na mahal niya si Clio. Kaya kung ako sayo, suotin mo na yung binigay na singsing ni Tim.." sabi nito at tila hinahanap niya kung saan ko ito nilagay.
Kumunot ang noo ko.
"Okay lang yun ma? Kahit paulit ulit siyang sinasaktan nung lalaki?"
Tumigil sandali si Mama at tinitigan ako. "Oo naman! Basta mahal ka! Ano ka ba, at tsaka yayayain ba siya pakasalan nito kung hindi."
Pero kitang kita naming magkakaibigan kung gaano nahirapan si Clio sa relasyon nila. Sampung taon. Parang sa sampung taon na yon, hindi ko nakita ang kaibigan ko na kinilig ng sobra at sumaya. Huling beses kong nakita itong kinilig ay noong crush niya pa lang ang boyfriend niya. Parang sa loob ng sampung taon ay ginugol niya lang ang oras niya sa pag-iyak. At saksi kami doong magkakaibigan.
Hindi ako naniniwala na kapag mahal mo, kahit ilang beses kang saktan mahal mo kaya wala kang magagawa. No! That's not how it is. Each one of us deserves the best. Nasa saiyo lang talaga ang desisyon if you will pursue to choose the best or stay with the worst...and I bet Clio chose to stay with the worst.
"I'll call her and talk to her." Kunot noong sabi ko at dinial ang telepono ng kaibigan.
"Ano ka ba! Masaya ang kaibigan mo ngayon!" Pigil ni Mama sa akin. "Kaya ikaw, kung naiinggit ka saguti mo na rin kasi si Tim! Oo nga pala-"
"No, Ma." Mariin at seryosong sabi ko. "Hindi ko sasagutin si Tim. I don't love him."
"Tigilan mo ako sa kolokohan mo Blaire!" Alam kong galit na ito dahil sa tinawag na ako nito sa second name ko.
"Basta hindi ko sasagutin si Tim. That's my decision." Naglakad ako ng mabilis palabas ng kusina. Mabigat ang mga hakbang ni Mama na sinusundan ako kaya rinig na rinig ko ito.
"Ano bang pinagsasasabi mong bata ka?! Ano? Mahal mo pa yung tarantadong ex mo na nambabae?!" Malakas na sigaw nito sa akin at napatigil ako sa paghahanap nang makita ko na ito.
Seryoso ang mukha kong hinarap si Mama.
"Kung gustong gusto niyong pakasalan ko si Tim.." iniabot ko ang kahon na naglalaman ng singsing sa palad ni Mama. "Kayo na lang po ang magpakasal."
Napanganga si Mama. Kalaunan ay naramdaman ko ang mabigat nitong palad sa pisngi ko.
"Bastos kang bata ka! Ganyan ba kita pinalaki?! Gusto ko lang naman ang sumaya ka!"
"Pero hindi ako masaya, Ma! Hindi na ako masaya sa kaniya. Ang tagal-tagal na, hindi niyo ba nakikita? Kilala niyo pa ba ako?" Pagalit na sabi ko at bumibilis na ang paghinga dahil sa galit. "Gusto niyong masaya ako pero hindi niyo naman talaga alam kung masaya ako. Palagi niyo na lang pinipilit ang gusto niyo! Sagutin mo na 'yang si Tim! Magsorry ka kay Tim! Pakasalan mo na 'yang si Tim!"
Nakita ko ang pagtutubig ng mga mata ni Mama pero napaiwas na lang ako ng tingin. Naglakad na ito papunta sa pintuan. Naghintay ako na umalis siya pero nakarinig lang ako ng mga nabasag na salamin at maingay na putok ng baril. Sunod sunod ito kaya napatakip ako ng tenga at napayuko.
"Ma!" Malakas na sigaw ko nang makitang nakahandusay ang ina sa sahig. Duguan ito habang may tama sa balikat at dibdib.
"Sky!" Malakas na sigaw ni Kai at mabilis na bumaba sa hagdanan. Wala pa itong saplot na pang-itaas. May hawak itong baril at patuloy rin ang pakikipagputukan nito ng baril sa mga tao sa labas.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Roman pour AdolescentsMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...