LTWM 8

224 4 0
                                    

Madilim man noon sa parking lot at kahit puro itim ang suot nito ay hindi ako nagkakamali. Hindi pa naman ganoon katanda ang pagiging trenta anyos kaya okay na okay pa ang mata ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Pag-uulit ko.

Nagcross arms lang ito sa harap ko at tinanggal ang suot na sumbrero dahilan para lumantad ang medyo may kahabaan nitong buhok na hanggang balikat.

"Well, nakatambay lang ganoon." Nagkibit balikat pa ito at nakuha pang umupo sa kama ni Kai na hanggang ngayon tulog pa rin.

Naglakad ako palapit sa kanila para Sana kausapin na si Kai pero umepal pa si Arman.

"Teka, anong friends? Best friend ko si Sky since college hanggang ngayon! Sino ka para mang-agaw ng posisyon kong iyon?" Parang bata na pakikipag-away nito.

"Ako si Detective Mond." Ngising sabi nito.

Nilingon ko ito kaagad.

Detective? Ibig sabihin ba noon siya yung detective na sinasabi ng lalaki kanina sa bar ng parking lot? Siya iyon? Detective talaga siya?

Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa. Mukhang napansin naman niya iyon kaya tumingin din siya sa akin.

Sorry Lord, hindi naman po ako judgmental na tao pero bakit parang hindi pa rin ako kumbinsido na mabait siya kahit na sinabi niyang detective siya?

"Aish." Problemado kong sabi. "Can you give me a minute? Gusto ko lang makausap ang isang ito." Tukoy ko kay Kai na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Paano mo kakausapin yung walang malay?" Nagtatakang tanong ni Arman sa akin kaya sinamaan ko ito nang tingin.

"Huwag mo kong pakialaman, basta doon muna kayo sa labas." Tulak ko sa kanya. Nilingon ko naman itong si Detective Mond na tumatawa at umiiling. Nang mapansin naman niyang nakatingin ako ay natigilan siya.

"Kasama ako?" Turo nito sa sarili at tumango naman ako.

"Alam mo, hindi mo na ako kailangan paalisin dahil alam ko naman ang sasabihin mo. Magkasama tayo noong narinig 'yon diba?"

"Anong narinig? Bawal ako sumali?"

"Kahit na!" I still refused to have them here. Hindi ko na nga alam kung paano kakausapin si Kai ng mag-isa tapos ayaw pa umalis ng dalawang ito.

Pero teka, hindi ko pala kayang makausap si Kai ng mag-isa pero pinapaalis ko pa itong dalawa na 'to.

"Okay, okay. Dito lang kayo, stay put lang kayo rito." Sabi ko sa dalawa.

"Teka, kasama siya?" Pagtutukoy nito kay Arman.

"Bakit? Bakit bawal ako?" Naguguluhang sambit nito.

Hindi ko na lang pinansin ang dalawa at pioproblema na lamang kung paano ang gagawin kong paggising kay Kai.

Should I wait for him to wake up?

Anong oras na ba?

Tiningnan ko ang wall clock dito sa kwarto at nakitang mag-aalas tres na. Siguro, babalik na lang ako. It's not healthy to wake up a patient at this hour.

"Ah, namomroblema ka ba kung paano gigisingin?" Biglang pagsasalita ni Detective Mond sa tabi ko.

Lumapit ito kay Kai at parehong nanlaki ang mata namin ni Arman dahil sa ginawa nito.

"Ganiyan lang oh, gising na 'yan." Sambit nito matapos niyang sampalin ng malakas si Kai.

"Putangina, Mond! Ano ba 'yan?!" Reklamo nito at tuluyang nang napabangon.

Last Time We Met (Marupok Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon