It was an another day. Normal naman ang naging araw ko kahapon pwera lang sa paglalagay ni Arman ng shades at sumbrero sa akin. He really is making my life extraordinary literally everyday.
At ngayon, mukha itong tanga na nakasuot ng itim na leather jacket at mukhang action star. Mabilis itong tumabi sa akin pero lumayo kaagad ako.
Ayokong mapagkamalan na kilala ko siya!
Halos takbuhin ko na papasok ang hospital.
"Sky, sandali!"
"Hindi kita kilala!" Sigaw ko dito habang natatawa. Alam ko namang ginagawa niya lang ang mga pinapasabi ni Jaz na bantayan ako pero bakit sa ganyang paraan? Hindi rin naman siguro siya inutusan ni Jaz na magsuot ng ganyan diba?
Napatigil ako dahil hinahabol ko ang paghinga ko. Napahawak pa nga ako sa tuhod ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Althea at Yuri na magkaholding hands. Parehong nakangiti ang dalawa at lalo na si Yuri na madalang ngumiti.
Dahil sa gulat ay napaturo ako sa kamay nilang dalawa.
"S-Sky?" Nauutal na sabi ni Althea.
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko sa gulat.
Paano nangyari 'yon? Magjowa pala itong dalawa na 'to!
Mabilis na nagbitaw ang dalawa. They both walked fast and walked through my opposite direction. Para silang hindi magkakilala at parang walang nangyari. Ilang beses ko pang kinurap ang mga mata dahil hind pa rin makapaniwala.
"Huy," hinihingal na sabi ni Arman sa gilid ko.
"Anong nangyari?"
Ipinilig ko na lang ang ulo. "Wala naman,"
"Tara na,"
"Anong tara na?" Kunot noong sabi ko dito. Pinagsasabi nitong si Arman.
"Tara na at magtrabaho. Hay nako, Sky!"
Arman was indeed true. Marami akong trabaho ngayong araw. While I'm checking a patient who has a atelectasis I saw someone familiar. Hindi ko na ito pinansin dahil nakita ko lang sa peripheral vision ko kaya nagptuloy na lang ako sa ginagawa ko. We have a patient who had atelectasis before. Atelectasis is not that a serious condition, you can treat it using medications early. But the patient right now didn't know about it. Masyadong napabayaan ang sarili and because of it she had some complications because it became serious. Dahil dito, nagkaroon na rin ito ng pneumonia. Kaya ngayon, kitang kita na ang kapayatan ng babae ngayon habang kinakausap ko.
Althea should be the one doing this pero I don't mind it. Siguro nahihiya pa rin ito sa nangyari kanina.
After checking the patient and suggesting her some do's and dont's while here in the hospital, I saw Kai.
Magtatago sana ako kaso ang bilis ng mga mata nito na nahanap ako. Namula naman ako nang kindatan ako nito kaagad. Parang tanga naman. Kainis 'to!
Nakikita kong binabati siya ng ilang naririto sa hospital. Ultimo yung guard sa harap binati siya. Natawa na lang ako. Sa sobrang dalas niya dito ay halos kilala na siya ng mga tao. Parang akala mo nagtatrabaho na rin siya dito eh.
When he finally went to me, he kissed my cheeks. I automatically blushed after he did that.
Anak ng pucha! Bakit niya gagawin kaagad yon? At tsaka dito pa talaga sa hospital?
Para na naman tuloy kaming drama na inaabangan nila dahil naudlot ng ilang araw. And we really are in the middle of the hospital's lobby in second floor.
"Oh, kinikilig ka na agad diyan." Nilingon nito ang nurse sa gilid namin. "Pwede bang makihiram ng thermometer diyan?" Nagtataka man ay binigyan siya nito.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Novela JuvenilMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...