I can't believe it. Kanina lang ay nagpaplano kami na pupunta sa condo ni Clio at masaya pa. Nagkukuwento pa si Arman tungkol sa kalandian niya kay Jaz pero ngayon may gustong pumatay sa akin.
May humahabol sa amin ngayon. Mabilis ang pagpapatakbo ng kotse ni Arman ngayon. I can see him wincing because of his elbow bleeding. Sinabi kong ako na ang magdadrive pero hindi ako nito pinansin.
"Call for help." Sabi nito at pasilip silip sa salamin niya sa labas.
Medyo sira na ang dulo ng kotse na humahabol sa akin. Maybe it is because of it crashing a while ago.
"Right." Kabadong sabi ko at hinanap ang cellphone. At first, I think I should call the police but I found myself dialing Kai's number.
"Hello? Sky? Miss mo ko?"
"Kai, I need your help. May humahabol sa amin ni Arman ngayon."
I am trembling right now. Mahima akong napatili dahil binunggo kami ng sasakyan mula sa likod.
"Hang on tight." Mariing sabi ni Arman at mas binilisan pa ang kotse at dumaan sa isang pasikot sikot na daan.
"Tangina. Where are you? Anong plate number ng sasakyan?"
I scanned what I remember earlier. I recited the plate number of the car that I saw. Naririnig ko sa kabilang linya na nagkakagulo si Kai. Nakarinig rin ako nang pag-start ng makina ng kotse.
"Ano? Where is she?!" Pasigaw na sabi nito sa kabilang linya na tila may kausap pang iba.
I also heard Detective Mond's voice from the background. Nakarinig pa ako ng ilang mura habang nagtatalo sila.
Binunggo muli kami ng sasakyan at dahil sa lakas nito ay tumama ang noo ko sa isang matigas na bagay. It was minor because I am still concious.
"Sky?" Lingon ni Arman dahil sa lakas nang pagkakabunggo sa amin. He's still driving while looking at me.
"I'm okay. Just drive." I told him a little bit dizzy. Hindi ko alam kung gaano tumagal ang mga pangyayari na iyon. Ilang beses akong kumurap kurap para manatiling gising. Everything is starting to be blurry and the dizziness that I'm feeling is eating my whole body. That's when I passed out.
"Sinabi ko sa'yong bantayan mo!"
"Binantayan ko naman ah?"
"But look what happened to her!"
"Stop blaming me! It's not my fault!"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. May nakikita akong dalawang lalaking nagtatalo sa harap ko. It was a bit blurry. Then I saw a girl who stood up.
"Sige, mag-away kayo! Pareho kayong may kasalanan. And why didn't you told us any of these huh?"
Tuluyan ko nang namulat ang mga mata ko. Medyo malinaw na ang mga imahe sa harap ko. Kai and Arman are standing and facing each other. Nasa gitna naman nila si Clio.
"Jusko. Gising ka na!" Histerikal na sabi nito at sumigaw sa mga kaibigan ko na unti-unti namang nagsipasok.
"We're so sorry, Sky." Mabilis na niyakap ako ni Jaz at hinalikan sa pisngi.
Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mukha nito. Nalilito naman ako sa mga pangyayari. Parang kanina nasa kotse lang kami ni Arman. Someone's chasing us and I am talking to Kai from the phone. Why Am I in the hospital bed right now?
Oh. I passed out.
Napasapo ako sa noo ko na mayroong gasa ngayon dahil sa sugat na natamo ko. I also saw Arman and his elbow. Mukhang nagamot na ito. I scanned his face and body looking for other bruises but I calmed down when there's nothing else.
"Are you okay?" Mabilis na tanong ni Kai sa akin at lumapit.
"Kinukuwestiyon niyo ako sa pagiging marupok ko tapos itong si Sky hinaharot pala rito ni Kai sa hospital!" Paratang ni Clio sa akin. "Sino sa amin ang mas marupok? Huh?"
"Tinatanong pa ba yan? Edi eto." Natatawang turo ni Isaiah kay Jaz pero mahina niyang hinampas ang kaibigan.
"Hindi ko naman hinaharot si Sky." Napakamot si Kai sa batok niya at nilingon ako pagkatapos tingnan ang mga kaibigan ko. "Manliligaw nga sana ako eh."
"Tangina." Muling mura ni Jaz na malutong.
Gulat na gulat ako. Akala ko magugulat din ang ibang mga tao sa loob ng kwarto pero ako lang yata. Nakita kong nakangisi si Arman sa harap ko at tinaas baba pa ang kilay. Clio's also smirking at me. Si Isaiah pumapalakpak pa habang tumatawa. Si Jaz naman ay napamura at mukhang nandidiri na sa pinakitang kacornyhan ni Kai.
"What the hell?" Pabulong na sabi ko. Everyone looks like they are going to tease me anytime.
"Bingi ka na ba?" Bulong nito at lumapit sa akin. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "Liligawan uli kita."
Halos mabingi ako sa tili ni Isaiah doon. Muli na namang napamura si Jaz. Halos manindig ang balahibo ko sa ginawang iyon ni Kai. Ano ba at nakahiga na ako sa hospital at lahat puro kaharutan pa rin itong si Kai? Matapos niyang mawala ng dalawang araw?!
"Teka, bago kayo magligawan. Ano ba talagang nangyari?" Pagsingit ni Isaiah.
Nakita ko kung paano nagkatinginan sila Arman at Kai. It looks like they know something that I don't know. Ano kayang alam ng dalawang ito? Ano kaya ang pinag-usapan nila? Heto na naman ako sa pagiging chismosa ko eh.
"Nahuli ba yung lalaki kanina?" Mabilis kong tanong.
"Hindi eh. Mabilis kasing nawala kanina." Mababa ang boses na sabi ni Arman.
I see.
"Hello? May kausap ako?" Pagsasalita muli ni Isaiah.
Narinig namin ang buntong hinimga ni Kai. Sobrang lakas nito na para bang ang bigat nang dinadala nito. What is happening? Ako lang ba ang tila nalilito sa mga nangyayari? Na parang walang alam sa paligid ngayon? This is bothering me.
"Someone wants Sky dead."
Everyone gasped.
Napatulala ako dahil sa sinabi nito. Someone wants me dead? Bakit? Anong nagawa ko?
"Sino? Bakit? Wala namang ginagawang masama si Sky!" I hold Clio's hands beside me because she's getting angry.
"No. You don't understand." Pag iling ni Kai.
"Well, kung ganoon kailangan mo ipaintindi sa amin." Matapang na sabi ni Jaz sa tabi ni Isaiah. I can see Arman secretly glanciing at her.
Matagal bago magsalita si Kai. It took him a few minutes before saying anything. I can see that this is really hard for him. Pwede ko namang sabihin na okay lang kung may kinalaman ba ito sa trabaho ni Detective Mond at masyadong confidential. I would understand that pero wala akong sinabi. I keep my mouth closed. Siguro dahil buhay ko na rin ang pinag-uusapan rito.
"Yung lalaking humahabol sa kanila kanina tauhan yon."
"Huh? Tauhan nino?"
"Isaiah, we shouldn't be talking about it infront--"
"Huh? Saan? Kailan?! Buhay ng kaibigan ko ito Kai! Stop saying nonsense and fucking get straight to the point!"
Lahat kami ay natahimik dahil sa pagsigaw ni Isaiah. Nakita kong hinihimas ni Jaz ang likod nito para kumalma. Nagsisimula nang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Tauhan ni Tim."
My jaw dropped. Tauhan ni Tim iyon? If that's the case, siya ang gustong magpapatay kila Kai at Detective Mond? Sya ang matagal nang hinahanap nila?
"What? Bakit?"
I am really confused.
Bakit gagawin ito ni Tim? Bakit ipapagawa nya ito?
Then that's what hit me. I don't really know him.
BINABASA MO ANG
Last Time We Met (Marupok Series #1)
Ficção AdolescenteMARUPOK SERIES #1 Cardiothoracic Surgeon-Skylar Blaire Flores witnessed tragedies in her life. Hindi maganda ang takbo ng buhay nito and the only thing that makes her sane is her boyfriend Maverick Kai Vargas. But as she hold onto her last hope, he...