Kabanata 1

985 104 504
                                    

Naglalaro ng putik ang pitong taong gulang na si Vivien sa malawak na likod bahay ng mga Perez. Ang pinakamayamang angkan sa kanilang bayan.

Ang Nanay niya ay katulong at labandera sa mansiyong iyon. Sabado ng umaga dahil hindi nakauwi ang kanyang Tatay, napilitan ang kanyang ina na isama siya sa mansyon.

Abala ang kanyang ina sa paglilinis sa loob ng bahay. Binilinan siya nito na sa likod lang at huwag na huwag papasok sa loob.

Kaya naman dahil walang magawa, napagtuunan niya ng pansin ang maliliit na bahagi ng tubig ulan. Umulan kagabi kaya naipon ang mga tubig sa lupa.

Tuwang-tuwa siyang nagtampisaw sa tubig. Habang ang malamyos na hangin ay dumadampi sa kanyang balat. Sumisilip din ang sinag ng araw mula sa malalaking puno ng mangga sa bakuran. Hindi pa nakuntento pati kamay niya ay naglaro doon.

"Yuck! You are playing with the dirty water?!"

Nagulat siya noong may mag-salita mula sa kanyang likod. Agad siyang tumayo at tiningnan ang nagsalita.

Dahil sa paglalaro, nakatabing ang ibang buhok niya sa kanyang mukha. Kaya para makita ang kanyang panauhin, gamit ang maruming kamay, hinawi niya ang buhok.
Nadumihan tuloy ng putik ang kanyang mukha.

Ngumiti ang bungal na si Vivien. Isang batang lalaki na kasing edad niya ang nakatayo sa 'di kalayuan.

Chubby ang batang iyon. Nakadamit ng puti at maong shorts.
Looking disgusted, lumayo pa lalo ang batang lalaki sa kanya.

"Gusto mo makipaglaro?" Dahil inosente at walang kaalam-alam, naka ngiti pa rin niyang inaya ang bata para maglaro.

Ang batang lalaki naman ay nandidiring lumayo pa sa papalapit na batang babae.

"Stay away from me,you dirty and stinky brat!" sigaw nito at lalong nagkumahog para makalayo.

Dahil hindi naman nakakaintindi ng english si Vivien ay nagpatuloy pa rin ito sa paglapit.

"Halika, masaya maglaro 'pag dalawa." Pilit niyang inabot ang kamay ng bata ng marumi niyang kamay.

Sa pagkabigla sa kanyang ginawa ay naitulak siya ng batang lalaki.
Napasalampak siya sa lupa.

Siya namang paglabas ng kanyang ina mula sa bahay.

"Senyorito!"

Ang nasaktan na si Vivien ay agad na tumayo at mangiyak-ngiyak na tiningnan ang inang papalapit sa kanilang dalawa.

"Naynay, itinulak niya po ako," sumbong niya rito. Itinuro pa ng maruming kamay ang batang lalaki.

Ngunit imbes na daluhan siya ng ina. Ang batang lalaki ang agad nitong nilapitan.

"Okay ka lang ba senyorito? At ikaw Vivien, anong ginawa mo kay senyorito ha?" baling na tanong nito sa kanya.

Naiiyak sa pagkabigla ang batang si Vivien. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sa kanya nagagalit ang ina, kitang-kita naman nito ang nangyari. Siya ang nasaktan. Kahit sa murang isip, alam niyang wala siyang ginawang masama.

Kinurot siya sa tagiliran ng ina.
Napasigaw siya sa sakit ng kurot.

"Nay, masakit," impit na sigaw niya.

"Ikaw bata ka,'di ba sabi ko sa iyo huwag kang gumawa ng ikakapahiya ko!" nanggigigil na saad ng Nanay niya.

"Naynay, wala po akong ginawa sa kanya. Siya nga po nantulak sa akin e." Pagtatanggol niya sa sarili.
Napalingon si Vivien sa batang lalaki.
Pinapanood nito ang ginawang pangungurot sa kanya ng ina.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon