Nakahanap ng trabaho si Vivien sa tindahan ng mga isda ni Aling Mering. Agad siya nitong tinanggap hindi pa man din nakakapagtanong. Nagtaka siya pero noong ipaliwanag nito na aalis ang pamangkin sa kanya dahil manganganak na ito at talagang nangangailangan siya ng makakasama, agad na lamang siyang umo-o dahil talagang kinakailangan niya ng trabaho.
Si Aling Mering ang isa sa may pinakamalaking puwesto sa pamilihan ng isda. Mukhang masungit ang matandang dalaga, pero noong makausap na man niya ay mabait ito at madaling pakisamahan.
Sa araw ding iyon nag umpisa na siyang magtrabaho. Siya ang taga kilo at taga kuha ng bayad sa mga mamimili. May isa pang pamangkin si Aling Mering na kasama nila, ito naman ang taga linis ng isdang binibili.
Dahil sa dami ng mamimili at sa pagiging abala, hindi na napansin ni Vivien ang taong nakamasid sa kanya.
Puno ng lungkot at pag aalala ang mata ng taong iyon. Nais lapitan at makausap si Vivien. Pero alam niyang hindi iyon ang tamang panahon. Hindi pa oras para muling makasama ito. Sa tamang panahon, kapag tama na ang lahat.
Umalis ang taong iyon na puno ng pag asa sa puso. Pag asang sana hindi pa huli ang lahat.
Maging si Jayson ay nakamasid mula sa malayo. Dahil sa kanya kaya nakahanap agad ng trabaho si Vivien. Hindi iyon ang gusto niyang maging trabaho nito, pero dahil iyon ang nauna at ayaw niya naman ipahalata dito na tumulong siya. Hahayaan na lamang niya ito doon. Tutal, marangal na trabaho ang paglalako. Mas malapit pa sa bahay niya at mas mababantayan niya si Vivien.
Hahakbang na siya palayo noong mapansin niya ang isang bulto ng taong pamilyar sa kanya. Nagtagis bagang siya noong mapagtantong hindi guni-guni ang nakita niya. Totoong naroon ito, nakamasid kay Vivien.
Mabilis siyang naglakad palapit sa taong iyon. Halos hawiin na niya ang mga taong sagabal sa kanyang daanan. Napapamura siya ng malakas sa tuwing may haharang at kinakain ang kanyang oras. Nakatuon ang kanyang paningin sa taong iyon, kaya hindi niya namalayan ang batang tumatakbo. Buti na lamang at mabilis ang kanyang reflexes, naiwasan niya ang bata. Pero nawala ng saglit ang taong iyon sa kanyang paningin.
"Bullshit!" Sigaw niya dahil pagbalik ng tingin niya sa banda ng taong iyon, wala na ito sa kinaroroonan. Naibato niya ang dalang telepono at napamura ng malakas. Napaiyak naman ang batang muntik na niyang mabangga sa takot habang nakatingala sa galit na galit na si Jayson.
Pilit pinapakalma ni Jayson ang sarili. Kaharap niya ngayon si SP02 Matias na nakatunghay kanya. Pawang pinag aaralan ang bawat kilos niya.
"Kung totoong siya ang nakita mo? Ano ang plano mo Jayson?"
"Kung naabutan ko siya, baka napatay ko na. Swerte niya lang at hindi kami nagpang-abot." Wika nitong inihagis ang dart na hawak sa target board. Naghagis pang muli ng dalawa, panay bullseye at tumama sa gitna.
Lumapit sa board si SP02 Matias at hinugot ang tatlong dart. Palapit na siya kay Jayson nang muling magsalita.
"Huwag mong dumihan ang mga kamay mo Jay, may batas tayo," paalala niya sa binatang matalim na napatingin sa kanya. Napabuntong hininga si SP02 Matias.
"Noon pa lang, madumi na ang kamay na ito Roy. Noong ibinaling ko lahat ng galit kay Vivien. Noong siya ang sinisi ko sa kasalanan na hindi naman niya ginawa. Narumihan na ako noon pa!" Sa isip niya habang naalala ang babae. Hindi ko papayagang makalapit sila kay Vivien. Not in my watch.
"Kilala kita Jay, hindi ka masamang tao gaya ng pagkakakilala mo sa sarili mo. Kung sana..."
"Pakibilisan mo na lang ang pinapagawa ko Roy, ako na ang bahala sa sarili ko," putol niya sa sasabihin pa sana ng kaibigan. Kinuha niya ang itim na jacket na nakasabit sa upuan at tuloy-tuloy na umalis. Hindi na muling nilingon ang kaibigang hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin sa kinikilos ni Jayson.
Sa totoo lang, ayaw niyang mapahamak si Jayson. Dahil isa siya sa taong naniniwalang mabuti itong tao. He doesn't want to justify Jayson's bad habit and bad temper, pero naniniwala siyang may malaking dahilan ang pagkapoot at galit nito. At hindi niya ito masisisi. Now that he slowly figure out what's really going on, parang gusto pa niyang tulungan ang kaibigan, but ofcourse sa malinis na paraan.
Isa-isang inihagis ni Roy ang dart na hawak. Napailing siya dahil kung saan-saan tumama ang mga iyon. Hindi man lamang lumapit sa gitna. Napailing siyang napatawa nang bahagya.
Pagod na pagod si Vivien sa araw na iyon. Pero nakaramdam siya ng kaginhawaan sa loob dahil napaka-productive ng araw niya. Binilang niya ang nasuweldo sa araw na iyon. Naka tatling daang piso siya 'tsaka isang kilong bangus na isda. Papaksiwin niya iyon pagdating sa bahay ni Jayson.
Pumapara na siya ng sasakyang tricycle noong biglang pumarada sa harap niya ang isang motor. Nakahelmet ang taong iyon kaya hindi niya mamukhaan.
Napakagat siya sa labi noong mapag-sino iyon. Inalis nito ang helmet at tumambad ang maitim na mga mata ni Jayson na nakatitig sa kanya. Waring nanghihipnotismo na naman ang mga titig nito. Tipid siyang napangiti dito at itinaas ang dalang isda.
"May ulam na tayo," masaya niyang balita. Na ikinatango lamang ni Jayson. Seryosong nakatitig sa dalaga.
Bigla tuloy napawi ang ngiti ni Vivien dahil sa titig na iyon ni Jayson. Para bang may ibig sabihin na hindi niya mahulaan kung ano.
"Uwi na tayo." Ibinigay nito ang isa pang helmet galing sa likod ng motor. Inabot niya iyon. Kinuha sa kanya ang supot na dala, sinabit ito sa hawakan ng motor.
Isinuot naman niya ang helmet at sumampa sa likod nito. Nagsuot na rin ito ng sariling helmet.
"Humawak ka sa akin," Utos nito sa kanya. Nakahawak naman siya pero sa damit nito.
Para kasi siyang napapaso kapag nagkakadaiti ang kanilang katawan. Kahit pa sabihing may harang na damit ang mga ito.
Ginagap nito ang kamay niya at ito na mismo ang naglagay sa sariling beywang. Maging ang isang kamay niya, ganoon ang ginawa. 'Saka nito hinawakan at pinagsalikop ang dalawang kamay niya sa may tiyan nito.
"Hold on tight Vivien,"
Napasinghap siya noong paandarin nito ang motor. Hindi lang dahil sa matulin nitong pagpapatakbo, kundi dahil sa halos yakap na niya ito mula sa likod. Ang dibdib niya ay parang mapipisa sa diin ng pagkakayakap niya sa likod nito.
Napapamura naman si Jayson ng tahimik. Nag iinit ang kanyang pakiramdam. Lalo na at ang mainit na katawan ni Vivien ay nakadikit sa kanyang likuran. Hindi tuloy siya makapag-concentrate sa pagmamaneho.
Buti na lang at narating nila ang bahay niya na hindi hinarap si kamatayan.
"Salamat Jayson," wika niya pagkababa sa motorsiklo. Inabot niya ang supot ng isda sa manibela ng motor. "Mauna na ako sa loob,magluluto pa ako."
Tango lamang ang sinukli ni Jayson. Bumaba na rin siya at nagtungo sa gate para isara ito. Noong mapansin niya ang isang sulat na nakasiksik sa kahoy na gate. Kinuha niya iyon at binasa kung kanino galing.
Nagtiim bagang siya habang nilalamukos ang sulat na iyon.
I'm not allowing you to destroy us again. Kung nararapat na unahan ko kayo gagawin ko.
Itinapon niya sa kanal ang sulat at hinayaang mabasa ng tubig.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
Narrativa generaleMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...