Kahit pala gaano mo gustong baguhin ang sarili mo. Kahit gusto mong mabago ang lahat, hahabulin ka pa rin ng mga masamang nakaraan at pagkakamaling nagawa mo.
Kasalukuyan nag papaenrol si Jayson. Late registration na siya dahil hindi niya naharap noong mga nakaraan.
Katatapos niya lamang sa registrar nang pagpihit niya, nasa harapan niya si Elaine.
Napalingon siya sa paligid. Wala itong kasama na iba. At para bang siya talaga ang sinadya nito.
"Pwede ba tayong mag-usap Jayson?" matigas nitong saad, walang kangiti-ngiti sa labi.
Napalapat ang kanyang bibig dahil pinagtitinginan na sila ng ibang mga estudyante at guro na naroon.
Tinanguhan niya ito at nauna na siyang maglakad. Sinundan siya nito. Pumasok siya sa kanyang kotse. Pumasok din ito sa passenger area. Sinulyapan niya ito bago paandarin ang kanyang sasakyan at magtungo sa isang parke kung saan wala masyadong tao.
Bumaba siya at hinintay ang babae sa isang bench sa ilalim ng puno ng acacia. Maalinsangan ang init dahil tanghaling tapat na.
Nakatunghay siya sa malawak na damuhan kung saan naglalaro ang mga bata ng ibat ibang klase ng laro.
Naramdaman niya ang paglapit ni Elaine at naupo sa tabi niya.
"Kamusta ka? Parang hindi maayos ang itsura mo ah," saad niyang hindi lumilingon dito. Nakapagkit pa rin ang mata sa malayo.
"Ikaw ang kamusta? Mukhang masaya ka na ah." Nahimigan niya ito ng pagkasarkastiko sa tono. Napalingon siya rito.
Hindi niya magawang ngumuti dahil sa itsura ng babae. Her eyes is in pain. Just like him, before...
Muli niyang iniiwas ang tingin.
"Anong gusto mong pag-usapan?" Tanong niyang hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
"Gusto kong ilayo mo dito si Vivien Jayson," diretsahang sagot nito. Nakatingin din sa kawalan. Hindi na rin siya nagulat doon.
"Kung pwede lang sana, ginawa ko na Elaine. Pero hindi ko iyon magagawa hindi ko hawak ang pag-iisip niya," mahinahon niyang saad. Agarang napalingon sa kanya si Elaine. Matatalim ang mga titig.
"Nagawa ko nga ang inutos mo, why not what I ask you to do!" Nagdilim ang kanyang mukha sa sinabi nito. Iritado siyang napabaling sa babae.
"Look Elaine, hindi ko sinabing magpabuntis ka at magpakatanga, I dare you if you can make them separate. Hindi ko sinabing magpakababa ka at ialay ang sarili mo sa Robert na iyon!"
Isang sampal ang dumapo sa mukha niya mula dito.
"Porke't masaya ka na, porke't kasama mo na siya, hahayaan mo na lang akong maging ganito!" Umiiyak na sigaw ni Elaine. Hindi matanggap sa sarili ang katotohanang isinampal ni Jayson sa pagmumukha niya.
Yes! They both dare each other one time, noong mapagsama sila sa isang party. Hindi lingid sa kanya ang pangbubully o galit ni Jayson kay Vivien noon. Ayaw nitong nakikita na masaya ang dalaga kay Robert. Nakikita niya kung paano magwala si Jayson kapag nalalaman na masaya si Vivien, at ang tanging nakakapagpasaya dito ay ang minamahal niya ring si Robert. Kaya ginamit niya ang kaalamang iyon para tulungan siya ni Jayson.
Nalasing noon si Robert sa isang party ng isang common friend. Kusang nilasing pala dahil may nilagay siya sa inumin nito.
Tinulungan siya ni Jayson maiuwi si Robert sa bahay nito at pinagmukhang nag-inuman pa sila sa bahay ng lalaki. Ang dapat na kunwari lang na may nangyari, ay naging makatotohanan.
"Vivien?" Sampal iyon kay Elaine noong hamplusin ni Robert ang mukha niya at tawagin ang ibang pangalan.
Kasalukuyan niya itong hinuhubaran. Napatigil siya dahil naging malikot ang mga kamay nito sa mukha niya pababa.
Napasinghap siya noong sagiin nito ang kanyang dibdib.
"Love, mahal na mahal kita!" Sabi nitong nakangiti. Nakapikit na nagsasalita.
Lumandas ang luha sa kanyang mga mata habang tinititigan ang lalaki.
Ang hindi niya inaasahan ay ang biglaang pag sibasib nito sa kanyang labi ng halik. Gusto niyang umiwas at mag stick sa plano pero puso niya ang nagdikta ng gagawin. Tumugon siya kay Robert kahit pa alam niyang hindi para sa kanya ang mga halik na iyon.
"Love, stop me. Sabihin mong tumigil ako... ititigil ko ito," nahihirapang paki-usap ni Robert. Pareho na silang hubo't hubad. Parehong nilukuban na ng pagnanasa.
Imbes na sagutin, hinila niya si Robert para halikan. Kaya naman nangyari ang hindi dapat mangyari.
Paggising nila, isang Vivien na umiiyak ang nabungaran nila sa pinto. Tatayo na sana si Robert pero kumapit siya sa braso nito. Doon na tuluyang umalis si Vivien. Doon na ring tuluyang sumabog ang galit sa kanya ni Robert.
Hinigit siya nito mula sa kama. Pabalibag na binitawan at nanlilisik ang mga matang nagpabalik-balik ng lakad.
"Damn you Elaine! Putang ina mo! You did this on purpose!" Napaatras siya dahil sa pasugod sa kanya si Robert. Napaupo siya at naiharang ang sariling kamay sa ulo dahil sa akma nitong pagsampal sa kanya.
Walang palad na dumapo sa kanyang mukha pero nagwala ang lalaki sa loob ng kwarto. Pinakain siya ng mura at binantaan na huwag na magpapakita sa kanya dahil mapapatay daw siya nito. Kinaladkad pa nga siya palabas ng bahay kahit wala siyang saplot.
Nagawa nilang mapaghiwalay ang dalawa. Pero hindi niya ramdam na nagtagumpay siya. Iba na nga lang noong malaman niyang nagdadalantao siya.
Akala niya magiging okay ang lahat. Matatanggap siya ni Robert at ng bata sa sinapupunan niya. Pero mas lalo lamang namuhi ito sa kanya. Hindi siya nawalan ng pag-asa. Hindi siya sumuko. Umuwi siya sa bahay ni Robert.
Para ano? Para mas lalong masaktan. Para mas lalong magpakatanga.
Umiiyak niyang pinagsusuntok sa dibdib si Jayson. Hinayaan siya nito sa ginagawa.
"Bakit hindi niya ako kayang mahalin, Jay? Bakit kahit gawin ko na ang lahat, si Vivien pa rin ang mahal niya. Mahirap ba akong mahalin?" Nanghihinang sambit nito. Niyakap niya ito at inalo.
"Shhh, stop this. Makakasama sa iyo at sa bata ang ginagawa mo sa sarili mo. Kung hindi ka niya kayang mahalin, then ibuhos mo sa magiging anak niyo ang pagmamahal na meron ka sa kanya. Mahalin mo ang sarili mo Elaine."
Hindi alam ni Jayson kung para ba talaga kay Elaine ang payo na iyon. Kasi alam niya sa sarili niya na kailangan niya ring mahalin ang sarili niya. Tanggapin ang mga pagkukulang na meron siya, para lubusan ang pagmamahal na maibigay niya kay Vivien. Wala ng sikreto. Wala ng pagkukunwari. Kailangan niyang patawarin ang sarili sa mga maling bagay na nagawa niya.
Hinayaan niyang umiyak si Elaine. Nakasuporta lamang siya sa babae dahil baka kung anong mangyari dito. Medyo malaki na ang tiyan nito at alam niyang hindi nakakabuti sa bata ang pagiging stress ng ina nito.
"Nandito ako bilang isang kaibigan. Ako ang magiging sandigan mo, ipapahiram ko ang balikat ko sa iyo kung kailangan mo Elaine. Just take care of your self first."
Yumakap ng mahigpit sa kanya si Elaine. Sinuklian niya din ng yakap iyon.
Nakokonsensiya siya dahil sa hinantungan nito. Kung nanatili sa kanya si Vivien. Labis naman ang pagdurusa ng babae.
"I might go to america. Doon ko ipanganganak ang anak ko. Doon ko siya palalakihin. Magbabagong-buhay kami roon."
Nagulat si Jayson sa biglaang desisyon ni Elaine. Inilayo niya ito sa kanya at hinuli ang mga mata. Tinitigan niya ito.
Mapait na ngumiti ito. Muling lumandas ang luha sa mga mata.
"I think, this us the right thing to do, Jay. For me to finally move on. Mahirap pero gagawin ko." Pinal na saad ng dalaga.
Tumango na lamang siya at muling hinila ito para mayakap.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...