Kabanata 33

130 16 27
                                    

Gustong magtanong ni Vivien, malaman ang katotohanan sa likod ng pag-uusap ng Nanay niya at ni Jayson. Pero hindi niya naman magawa, lalo na at tahimik si Jayson. Mahigpit ang hawak nito sa hawakan ng motor. Hindi na nga nito nagawang isuot ang helmet sa kagustuhang makauwi na sila.

Pakiramdam naman ni Jayson ay nasasakal siya. May kung anong nakabikig sa kanyang lalamunan. Mabigat ang kanyang dibdib.

Kanina pa sana niya binilisan ang pagpapatakbo ng motor, kanina pa sana siya nasiraan ng bait, kung hindi lamang sa babaeng nakayakap sa kanya mula sa likod.

Wala siyang balak pumasok sa bahay, ang tanging plano niya ay ang ihatid lamang si Vivien at aalis na. Hindi niya pa kayang harapin ang babae. Hindi pa siya handang sagutin ang lahat ng katanungan nito. Hindi pa siya handang mawala si Vivien kung sakaling malaman nito ang totoo.

Bumaba si Vivien. Hinintay siya nito na bumaba rin pero parang wala talaga siyang balak. Madilim pa rin ang mukha niyang nakatitig lamang sa baba.

"Gusto kong malaman..."

"Not now, Vien. Hindi ako handa," mahinang saad niya. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa motor.

Malungkot na napangiti si Vivien. May namumuong luha sa mga mata na pilit kinukubli. Nararamdaman nito ang bigat na dinadala ni Jayson.

"Pumasok ka na. Bigyan mo lang ako ng panahon para makapag-isip, Vien," saad ni Jayson at nag-angat ng tingin kay Vivien.

Tumango ito. At dahan-dahang naglakad papasok. Siya man ay hindi na nag-aksaya ng oras at umalis, pero hindi pa man siya nakakaliko, isang sasakyan ang nakaagaw ng kanyang pansin. Nakaparada ito sa gilid ng kalsada. Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso, napatanong sa sarili kung bakit hindi niya napansin ang kotse ng kanyang ina kanina. Napahampas siya sa manibela ng motor, kung bakit kasi okupado ang isip niya ng ibang bagay.

Kinakabahan siyang agad na bumalik sa apartment. Hindi pa man niya nai-pa-park ng mabuti ang kanyang motor ay dali-dali na siyang bumababa at patakbong tinungo ang pinto.

Para mabungaran lamang ang inang nanggagalaiti sa galit at hawak sa buhok si Vivien.

"Ma!" Patakbo niyang tinungo ang ina at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa buhok ni Vivien.

"Anong ginagawa ng babaeng ito rito Jayson?" Namumula sa galit na saad ng kanyang ina. Habang halos ayaw nitong bitawan ang pagkakasabunot sa buhok ni Vivien.

Si Vivien naman ay nakahawak lang sa buhok na nasabunutan. Parang mapupunit ang kanyang anit sa higpit ng hawak ng ina ni Jayson.

Nang makapasok siya, laking gulat niya nang madatnan ang ginang sa sala. Nakadekwatro ang mga paa at sumisipsip ng tsaa.

Hindi niya alam kung paano ito babatiin kaya tumikhim siya at lumapit dito.

"Magandang hapon po," mas lumapit pa siya. Kinabahan siya dahil sa hindi magandang hilatsa ng mukha nito noong makita siya.

Napalunok siya sa titig nitong tila nanunuri. Nanunuot sa kanyang balat ang matalim nitong titig sa kanya. Para siyang sisilaban sa nag-aapoy nitong mata.

Laking gulat na lamang niya noong isaboy sa kanya ang iniinom na tsaa. Hindi siya nakahuma kahit mainit iyon sa kanyang balat. Hindi siya makagalaw sa galit na nakikita niya sa mata ng ginang.

Ibang-iba ito sa ginang na nakilala niya noong bata siya. Ang maamong mukha nito noon ay puno na ng galit ngayon.

Nang bigla na lamang siyang sugurin nito at sabunutan sa buhok.

"Ma, tama na!" Sigaw iyon ni Jayson. Hindi niya inalintana kanina ang sakit ng pagkakasabunot sa kanya pero ngayon ay pilit na rin siyang kumakawala sa kamay ng ginang.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon