Kabanata 38

135 11 11
                                    

Sa isang cafe niya i-mi-meet ang kausap at magiging kasosyo kapag nagkataon. Hindi naman siya late sa oras. Sakto lamang ang pagdating niya dahil kadarating din lang naman nito.

Agad niyang binati ang isang matangkad na binata.

"Art!" Lumingon ito sa kanya. May ningning ang mga matang pinagala ang tingin sa kabuuan niya. Hindi pa rin talaga nagbago ang lalaki sa paraan ng pagtitig sa kanya. Napailing na lamang siya at iminuwestra na umupo na sila.

"Vien," malawak ang ngisi nitong tawag sa kanya. Napasimangot siya sa lalaki.

"Please, Art. Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw kong natatawag ng ganyang pangalan..."

"Why? Vien suits you better. Ang ganda kaya," palatak nito mas lumawak pa ang ngisi sa labi.

Inirapan niya ito. Natawa tuloy ang lalaki. Gustong-gusto talaga siyang inaasar.

"Viv, Vi, Vivien is better Art. So please stop calling me that name!" Iritado niyang saad.

Tumigil naman ito pero nasa mukha pa rin ang pang-aasar.

Vien! Isang tao lang naman ang tumatawag noon sa kanya. Kapag naririnig niya ang pangalan na iyon, malakas na pumipintig ang puso niya. Tila ba naririnig niya ang boses ni Jayson. Ang ala-ala sa tuwing tinatawag nito ang pangalan niya.

Hindi na siya makangiti. Ang mukha niya hindi na maipinta dahil sa ala-ala ni Jayson. Nakahalata si Art kaya naman napatigil ito sa pagngisi at nagseryoso na rin.

"So sa tingin mo, okay itong design na ipapatayo natin?" Seryoso na nitong saad ipinakita ang blueprint ng restaurant. Ito kasi ang naka-toka para roon.

Pinasadahan niya iyon ng tingin. Pagkatapos ay tiniklop at muling ibinalik kay Art.

"Okay na siguro Art. Ilang bese na nating nireview ito. Maayos na ang mga kaukulang detalyeng dinagdag natin. I think..." napatigil siya sa pagsasalita noong isang bulto ng tao ang nakaagaw ng pansin niya papasok sa pinto ng cafe.

May kung anong bumundol sa dibdib niya nang mapagsino ito. Sinundan ng mga mata niya iyon. Nagpalinga-linga ito sa na tila ba may kikitain. Pagkatapos ay kumaway ito sa taong nasa gilid ng cafe.

"Vi!" Isang pitik sa hangin ang nagpabalik sa kanya sa kausap. Nakakunot ang noo ni art at napalingon sa likod. Wala na itong nakita dahil mabilis na tinungo ng taong iyon ang kikitain.

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong nitong may pag-aalala. Tumango siya kahit pa nga hindi naman. Nawalan yata siya ng dugo sa mukha.

"Okay, let's finish up. Tapos tara na." Tumango siya rito. Pinag-usapan lang nila ang ibang detalye. Pagkatapos ay napagpasyahan na nilang umalis. Bago sila tuluyang lumabas, nagpaalam muna siya para mag banyo.

Iniwasan niya ang gawi kung nasaan ang taong kakilala niya. Hindi dapat siya makita nito. Hindi pa siya handa para harapin ito. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Siguradong napakaraming itatanong ang taong iyon.

Ngunit kahit ano pa lang iwas niya. Tadhana na ang gumawa ng mg paraan para pagtagpuin sila.

"Vivz? Ikaw ba yan?" hindi siguradong tanong nito. Kasalukuyang papasok ito sa ladies washroom. Paalis na sana siya noong makasalubong niya si Carol.

"Si Carol to. Kaklase mo noong elementarya at higschool. Hindi mo ako nakikilala?" muling tanong nito.

Nagkunwaring nagulat siya at peke siyang napangiti. Nag-iba ang itsura ng babae. Naging mabuti mang kaibigan si Carol, hindi pa talaga siya handang makita ito, o sino man sa mga kakilala niya noon.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon