Special Chapter

245 18 21
                                    

"Yuck! You are playing with the mud?" maarteng palatak ng batang babae sa batang lalaki na naglalaro ng putik sa likod bahay ng mga Perez.

Ang batang lalaki ay napangisi at walang sabi-sabing pinahiran ng putik ang damit ng malaprinsesang batang babae.

"Mommy!" matinis na hiyaw ng pitong taong gulang na si Roaine kaya napalabas ang mga matatanda mula sa kusina. Agad dinaluhan ni Elaine ang anak na si Roaine. Si Vivien naman ay agad na nilapitan ang anak na si Venson.

"Mommy look what he have done," maluha-luhang sumbong ng batang babae. Nagkatinginan si Elaine at Vivien.

Napabaling ang tingin ni Vivien sa anak na nakataas ang isang kilay.

"She's so maarte," matapang na sambit ng anim na taong gulang na batang lalaki, sa ina nakatingin.

Muling nagkatinginan sina Elaine at Vivien, 'saka nagngitian.

Pinantayan ni Vivien ang anak. Hinuli niya ang tingin ng mata nito.

"Say sorry, beb. Hindi mo dapat nirumihan ang damit niya, that's bad. Tignan mo nga ang ganda-ganda niya tapos dinumihan mo lang ng putik ang damit niya." Napaismid ang batang lalaki sa turan ng ina.

"I will never say sorry, ang arte!" asik nitong nakasimangot. Tumingin si Ven kay Elaine. "I'm sorry tita," sabi nito bago tumalikod at muling naglaro.

Napabuntong hininga si Vivien habang pinapanood ang paglayo ng anak.

"I hate you!" sigaw ng batang babae sa batang si Venson bago tumakbo paloob ng bahay. Nagkibit balikat silang dalawa ni Elaine.

Si Vivien ay nagpasya na mamaya na kakausapin ng masinsinan ang anak tungkol sa ginawa nito. Hinayaan niya munang maglaro ang bata  dahil tuwang-tuwa ito.

"Pasensiya na," hingi niya ng paumanhin kay Elaine. Si Elaine ay tumawa lang.

"Away bata lang iyan, Viv. Hayaan natin sila."

Nang makarating sila sa kusina, agad silang naupo kung saan naroon si Robert at Dr. Villa. Kasalukuyang nasa bakasyon ang mag-inang Elaine at Roaine. Naging magkaibigan sila ni Elaine within the week nang makauwi ito. Masinsinan silang nakapag-usap at nagkapatawaran. Humingi rin ng tawad ang babae sa nagawang kasalanan kung saan naghiwalay sila ni Robert.

"Nangyari ang dapat mangyari, Elaine. Pare-pareho lang tayong nagmahal at nasaktan. Matagal na kitang pinatawad," naalala niyang sabi sa babae. Naging matalik na rin na magkaibigan sina Robert at Elaine kaya naging masaya ang lahat.

Kahit pa nga ba nasa puso pa rin nila ang pangungulila para kay Jayson. Buti na lamang at naroon si Venson na naging kahalili nito, lalo na kay Mrs Perez na hatala pa rin ang labis na pangungulila sa anak.

"What happened?" tanong ng doctor sa kanila.

"Away bata po," sagot niya at napasulyap kay Elaine na ngayon ay naupo sa tabi ni Robert

"Lalagi na ba kayo rito?" Si Dr Villa ang nagtanong. Nakatingin kay Elaine. Tumango lamang ang babae.

"Papaenrol ko si Roaine dito. She will be in Grade one. Hindi ko pa alam kung saang paaralan," ika ni Elaine. Napangiti si Vivien habang nakamasid sa dalawa. Nahahalata niya ang palihim na pagsulyap ni Robert kay Elaine. "Si Ven ba?" tanong ni Elaine habang nilalantakan ang manggang hilaw.

Nagkatinginan sila ni Dr. Villa  bago niya sagutin ang tanong ng babae.

"Sa public school. Iyon ang gusto ni Ven. Maggra-grade one na rin kasi siya," sagot ni Vivien. Accelerated kasi ang anak niya kaya kahit mas bata ito ng isang taon, puwede na niya itong ipasok sa grade school. Pumayag siyang doon muna mag-aral si Venson, sa pakiusap na rin ng ginang. Gusto rin iyon ng kanyang anak, makakatulong na rin iyon dahil hindi niya aalalahanin ito habang inaayos niya ang pagpapatayo sa kanilang resto.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon