Kabanata 29

132 22 31
                                    

Nakatunghay si Jayson sa kisame. Hindi pa rin makapaniwala sa nalaman. Sinulyapan niya ang nakatalikod ngayong babae. Nababalot ito ng kumot at walang imik.

"Vien?" pilit niyang inaabot si Vivien. Napatigil lamang siya nang magsalita ito.

"Gusto ko nang magpahinga Jayson. Gusto ko rin sana ng katahimikan," pakiusap ni Vivien. Naglandas ang luha sa mga mata nito.

Ngayon mo pa talaga nagawang umiyak Vivien! Hindi mo dapat iniiyakan ang bagay na ginusto mo. Hindi ka niya pinilit!" pagalit na sabi niya sa sarili.

Ang bagay na hindi niya kayang ipagkaloob kay Robert ay ganon-ganon na lamang niya naibigay kay Jayson. Hindi naman malinaw ang relasyon nilang dalawa. Nagbabayad lamang siya ng utang na loob sa lalaki.
Nga ba? Iyon lang ba talaga o iyon lang ang gusto niyang paniwalaan. Hindi na niya alam...

Naging malaking ginhawa na lamang niya dahil naging masuyo ito noong malamang birhen siya. Hindi ito makapaniwala, halos ayaw nang ituloy ang naumpisahan nila.

Totoong ang ama niya ang muntik nang gumahasa sa kanya. Ito ang tinatakbuhan niya sa gabing nasa daan siya at umuulan.

Kasalukuyan siyang nagluluto ng hapunan sa maliit nilang kusina. Gawa ang bahay nila sa tagpi tagping kahoy mula sa trabaho ng kanyang ama. Bagaman maliit na bahay iyon, matibay naman ang pundasyon. Kaya akahit anong unos o bagyo ang manamantala, hindi iyon nabubuwag.
Hindo tulad ng kanyang pamilya na nabuwag ng unos na hindi niya alam kung ano.

Napatingin siya sa relo sa dingding ng kusina nila. Mag aalas- Siyete na ay wala pa ang kanyang itay na dati namang umuuwi ng maaga. Ngayong araw darating ito mula sa isang buwan na trabaho.

Naghintay siya sa labas dala ang lampara para magsilbing ilaw dahil napakadilim na ng paligid.

Nang mapansin niya ang pasuray-suray na pigura ng tao sa madilim na. daan.

Itinaas niya ang lampara at napagtantong ang tatay niya iyon. Nang makalapit ito ay inalalayan niya dahil halos hindi na ito makahakbang dahil sa kalasingan.

Medyo hindi siya mapakali dahil unang beses na umuwi ang kanyang Itay na lango sa alak.

Pinaupo niya ito sa ratan na upuan. Kumuha siya ng isang basong tubig at ibinigay sa kanyang ama.

"Tay, hetong tubig nang mahimasmasan naman kayo? Saan ba kayo galing at lasing na lasing kayo?"

Hindi siya pinansin kaya hinayaan na lamang niyang makapagpahinga ito at mahimasmasan. Inihanda niya ang tulugan ng kanyang ama sa papag.

Nang walang abisong bigla siyang sinunggaban ng ama at sinakal.

"I- i-tay!" nahihirapan niyang sambit dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa leeg niya. Halos lumuwa ang mata niya sa takot. Nanlilisik ang mga matang iyon ng kanyang Itay. Parang sa demonyo.

"Hindi ba't sabi ko huwag ka nang magpapakita sa akin ha!" Sigaw nito na mas lalong hinihigpitan ang hawak sa leeg niya. "Bumalik ka pa talaga, para ano? Guluhin muli kami?"

Halos hindi na siya makahinga na tinampal-tampal ang kamay na nakasakal sa leeg niya. Ang luha ay nagbadya sa mga mata niya pero hindi niya magawang umiyak dahil sa takot.

"It..."

Napasigaw siya sa biglaang pagbalandra nito sa kanyang katawan sa sahig. Natama siya sa dingding. Hindi pa man siya nakakabangon ay sinugod siyang muli ng kanyang ama. Parang hayop na papatay...

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon