This chapter is dedicated to hellich101
Mahigit walong oras ang biyahe nila pauwi sakay ng bus. Tulog sa kanyang tabi ang kanyang apat na taong gulang na anak.
Tinitigan niya ito habang hinahaplos ang mukha ng bata. Muli siyang napaluha, nakikita niya si Jayson sa kanyang anak. Hindi alintana sa makakakita rito na anak ito ni Jayson sa kanya.
"Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari. Pero nakita ko ang puntod ni Jayson sa sementeryo. Libing iyon ng pinsan ko noon, at nabanggit nila kung gusto kong dalawin dahil nga naging kaibigan naman siya sa akin. Nagtanong ako kung ano nangyari pero walang makasagot. Private ang naging libing. Wala halos nakakaalam," ika ni Carol sa kanya. Nahimasmasan na silang dalawa mula sa pag-iyak. Yakap-yakap siya nito. Pinapakalma dahil walang humpay ang kanyang pag-iyak at halos natulala siya sa balita.
Siya namang pagdating ng isa pa nilang kakilala. Si Eliseo na naging barkada ni Jayson.
Niyakap siya nito nang mahigpit. Muli siyang napaiyak sa balikat nito.
"Shhhh, alam kong nakakagulat ang balita. Itanggi man natin, nangyari na. Wala na siya. Tanging kapatawaran mo na lamang siguro ang hinihintay niya," saad nito. Inilayo siya sa pagkakayakap, hinawakan sa balikat at pinakatitigan. "Uuwi ka di ba? For him." Alanganin nitong tanong Tumango siya.
Tumabi ito sa kanya. Ginagap nito ang kanyang kamay. Si Carol at naupo sa kabisera ng upuan niya.
"Sa lahat ng kaibigan ni Jayson. Ako ang pinakamalapit sa kanya. Kahit hindi niya aminin noon, alam kong mahal ka niya." Tumawa ito at napakamot ng ulo. "Remember when I bully you?" Tumango siya, iyon ay noong nasa grade Six sila. Itinago nito ang kanyang pudpod na tsinelas. Sinuntok pa nga niya ito dahil ayaw nitong ilabas iyon. Yun pala ay sa basurahan tinago at nakuha na ng nangongolekta ng basura.
Malungkot siyang napangiti rito.
"Jayson was very mad at me. Akala ko bubugbugin niya ako dahil sa galit niya. Kaya inutusan niya akong ibilhan ka ng bago." Kuwento nito na lalong nagpabigat sa kalooban niya. Bago nga ang uwian. May dala itong bagong tsinelas. May kasama pang sapatos. Sinabi ni Eliseo na peace offering niya ito. "He's always attentive pagdating sa iyo. Hindi ko nga lamang maintindihan kung bakit ganoon ang pinapakita niya samantalang halatang halata na gusto ka niya. Its was then we realize nang nabalitaan namin ang lahat ng pangyayari. That big news five years ago, about your mom and his dad." Napalunok siya. Sariwa pa rin sa alaala niya ang lahat.
"Wala siyang ibang minahal kundi ikaw, Viv. Kahit pa nga kayo na ni Robert, hindi siya tumigil bantayan at mahalin ka kahit sa malayo. Siguro nga nakagawa siya ng mali noong paghiwalayin kayo ni Robert. Sa'yo siguro, mali ang pagmamahal niyang iyon. Mali ang pagpapakita niya ng pagmamahal sa 'yo. But you never know, iba lang talaga siya magmahal. Kung pwede ka niyang hawakan lang para hindi na makawala, he will, just to keep you. Pero hindi niya ginawa. He tried to find you noong nawala ka. He didn't stop para lamang mahanap ka. Pero magaling kang magtago."
Pareho silang napasinghot ni Carol. Tahimik itong lumuluha sa tabi habang nakikinig kay Eliseo. Siya ay halos hindi na makahinga. Barado na ang kanyang ilong dahil sa pag-iyak.
"It is when he started to change," malungkot nitong saad. Malamlam ang mga matang nagtutubig dahil sa luha. "He loves you very much to change, baguhin ang sarili niya na kahit sarili niyang ina, hindi niya pinakinggan. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat."
Napatungo siya habang umiiyak. Halos hindi na niya makita ang mga kamay na naginginig.
Mas lalong lumakas ang buhos ng kanyang luha. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Kung bakit hindi na lamang niya pinaglagpas ang kasalanang huli ni Jayson. Baka sana, kasama niya pa rin ito ngayon, masaya siguro silang pamilya. Hindi lang si Jayson ang pinagkaitan niya ng lubos na kasiyahan. Maging ang anak niya ay pinagkaitan niyang makilala ang ama nito.Jayson was a good man after all. Kung bakit hindi niya napansin ang pagpapahalaga nito noon sa kanya. Kung bakit naging mapanghusga siya at ang tanging nakita lamang niya ay ang nagawang pagkakamali nito. Kung bakit nabulag siya ng galit niya sa pangyayaring hindi rin naman nito kagustuhang mangyari. Bakit hindi niya agad nalaman ang mga bagay na ginawa sa kanya ni Jayson.
Sinisisi niya ang sarili dahil nagpakaduwag siya. Naduwag siya sa sariling damdamin. Naduwag siyang sumugal. Naduwag siyang masaktan. Mas pinili niya ang lumayo at magtago. Mas pinili niyang iwanan at maging dahilan ng kamatayan ni Jayson.
Lumakas ang hagulgol niya sa mga isiping iyon.
"Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya na nasasaktan akong minahal ko siya. Sa kabila nang lahat ng nagawa niya sa akin, minahal ko siya. Kinasusuklaman siya ng isip ko pero minamahal siya ng puso ko. Mahal na mahal ko siya, Eliseo...hindi ko kaya, hindi ko matanggap! Anong nangyari sa kanya? Bakit? Gusto ko ng kasagutan, please!" hagulgol na saad niya sa mga kaibigan. Sumisikip lalo ang dibdib niya sa pag-iyak.
Lumapit si Carol at hinagod ang kanyang likod.
"Umuwi ka sa atin Vivz. Sabihin mo lahat iyan sa kanya. Sigurado akong matutuwa siya," payo nito. Yumakap siya kay Carol nang napakahigpit. Kay Carol siya kumuha ng lakas para tumango at makapagpasya.
Muli niyang hinaplos ang mukha ng kanyang anghel.
Pauwi na sila sa San Agustin. Hindi niya alam kung ano ang sasalubong sa kanila doon. Ang Importante sa kanya ay ang madalaw si Jayson. At masabi lahat ng nasa puso niya.
Kahit kailan, hindi niya nasabihang mahal niya si Jayson. Tanging ang suklam niya ang binigkas niya para rito. Nasasaktan siyang isiping na kahit ilang beses niyang bigkasin na mahal niya ito. Hindi na kailanman ito maririnig ni Jayson. Hindi na nito iyon masusuklian.Gumalaw ang kanyang anak sa pagkakahiga sa upuan. Tinapik niya ng marahan ang hita nito para makabalik ito sa pagtulog. Ayaw siyang dalawin ng antok kahit anong pagod niya o pilit niyang makatulog. Marami pa rin ang bumabagabag sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit ang unang nilandas ng mga paa niya ay patungo sa apartment ni Jayson pagkadating nila sa San Agustin. Kaagapay ang anak sa paglalakad, pilit siyang nagpakatatag.
Napasinghap siya nang masilayan ang gate ng apartment. Wala iyon pinagbago. Ganoon pa rin ang itsura nito noong umalis siya. Hindi na niya tuloy napigilan ang pagbuhos ng luha, lalo na sa alaala niya sa nakaraan. Alaala ni Jayson.
Tiningala siya ng anak.
"Are you okay, Mom?" Binaba niya ang tingin sa anak. Tumango siya at ngumiti habang nagpapahid ng luha.
"Mom is just happy beb," sagot niya habang humigpit ang hawak niya sa maliliit nitong kamay.
"Is it tears of joy? Should I cry too. I'm excited to meet Papa too. I know the feelings mom," sambit nito na lalong nagpabigat sa kanyang pakiramdam. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung paano sasabihin na wala na ang amang inaasam-asam nitong makita.
Inosente at bata man ang kanyang anak, mature na itong mag-isip. Sapagkat iminulat niya ito sa tunay na takbo ng buhay sa mundo.
Napakabigat ng pakiramdam niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng apartment. Sa labas pa lamang ang nasisilayan niya pero labis-labis na ang ala-alang pumupukaw sa kanyang isipan.
"Is this where Dad lives?" muling tanong ng kanyang anak. Hinila pa ang kamay niyang nakahawak sa maliliit nitong kamay. Okupado ang kanyang isip kaya hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin ang tanong nito.
"He's not here," mahinang sambit niya. Garalgal ang boses. Napakagat siya sa kanyang labi.
"Oh somebody is inside!" turan ng anak niyang bumitiw sa kamay niya. Bago pa man siya makapag-react ay tumakbo na ang batang paslit papasok sa loob ng gate.
Tinawag at hinabol niya ito, ngunit sadyang maliksi ang kanyang anak kaya nawala agad ito sa kanyang paningin.
Malalakas ang hugot niya sa kanyang hininga dahil sa kabang nararamdaman habang palapit sa bukas na pinto ng apartment.
"Tao po," tawag niya habang dahan-dahang humakbang papasok. Kinatok muna niya ang pintong nakabukas saka isinilip ang ulo.
Bumungad sa kanya ang isang ginang. Tulala na nakaharap sa kanyang anak. Ang anak naman niya ay nakatingala at nagtataka kung sino ang nasa harapan nito.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...