Sa katotohanan na nag-alinlangan at nagdududa siya kung bakit bigla na lang bumait sa kanya si Jayson ay sumama pa rin siya rito. Inilabas siya nito sa hospital sa araw ding iyon at dinala sa bahay nito sa kabilang bayan.
They are on their 2nd year of college, at doon ito tumutuloy tuwing pasukan. Katamtaman ang laki noon. Atubili pa siya na pumasok noong pagbuksan siya ng pinto.
"Dito ang silid mo," ika nito at itinuro ang isang pinto sa kaliwa. May isa pang pintuan sa kanan kaharap ng silid, malamang ay kwarto nito.
Binuksan nito ang pinto. Nanatiling nakahawak ito sa pihitan, hinihintay siyang pumasok. Bantulot siyang humakbang papasok.
Namangha siya sa disenyo ng kuwarto nang makapasok na siya nang tuluyan.
It has a modern design. Purple color ang dingding. The queen size bed has a floral bed sheets.It has all the designs for a woman.
Napakagat labi siya. Kung ano-ano ang nasa isip siya sa oras na iyon."It was my mom's room kapag dumadalaw siya rito. But because she's not here at nanatili muna sa Maynila, you can use the room," wika nitong parang nabasa ang anumang nasa isipan niya.
Nabunutan din siya ng tinik na malamang hindi ito silid ng babae nito. Pero mas nag-alangan naman siyang gamitin ang silid ng ina nito.
"I can sleep on the couch. Huwag na rito. Ayaw kong haluan ng amoy ko ang napakabangong amoy ng nanay mo." Matipid niyang nginitian ang lalaki. Talagang nahihiya siya.
He sighed as he enter the room with her stuff. Ibinaba nito sa kama ang mga supot ng damit, tsinelas at sapatos na binili nila sa bayan bago umuwi.
"Use the room," he pause as he look at her intensely. "Or if you want, you can sleep with me, on the same bed," tatawa-tawang suhestiyon nito. Pilit pinapagaan ang sitwasyong medyo bumibigat.
Inirapan niya ito. Hindi siya nakahuma sa sinabi nito. Napakagat tuloy siya sa pang-ibabang labi.
"Sa kusina na muna ako," putol sa katahimikan na namayani at paalam ni Jayson makaraan ng ilang saglit. Nakalabas na ito sa pinto nang bigla itong dumungaw ulit.
"By the way, take a bath. Nangangamoy ka na eh!" Natatawang suhestiyon nito at tinakpan pa ang ilong ng kamay.
Ibinato ni Vivien ang hawak na damit mula sa supot. Tatawa-tawang pinulot iyon ng lalaki at ibinato pabalik sa kanya. Eto na naman, inuumpisahan na naman siya.
Bully talaga, at hindi na yata maaalis sa sistema nito ang pangbubully sa kanya. Pero nakakapanibago dahil ibang pangbubully ang ngayon. Magaan na parang nakikipag biruan lang ang lalaki. Tuloy hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi.
Paglapat ng pinto pasara ay agad niyang inamoy ang sarili.
Yuck! Amoy hospital siya.
Kailangan na talaga niyang maligo.
Nagtungo siya sa banyo. May sariling banyo ang kwartong iyon. Maliit lamang pero kumpleto sa gamit. Mukhang nakahanda takala para sa sinumang bisita. May tuwalya na, bago ang sabon at shampoo na naroon. May bagong sipilyo at toothpaste na rin. May maliit na walk in shower ito. Lalong lumawak ang kanyang ngiti sa labi. Sa bundok kailangan niyang mag igib ng tubig. Nakakapagod dahil mahina ang hatak ng poso kaya ilang beses siyang pababalik-balik para makapuno ng isang batyang tubig. Dinama niya gamit ang kamay para sa hustong temperatura ng panligo niya.Agad siyang nagtangal ng damit at pinaragasa ang maligamgam na tubig sa katawan. Nang may maalala noong shinashampuhan na niya ang buhok.
"Yuck, Ang lagkit ng buhok mo? Naliligo ka ba? Ang baho-baho pa !" Tuya ng chubby at labing isang taong gulang na si Jayson. Kaklase niya ito sa grade Five.

BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...