Tahimik sila ni Jayson habang nasa biyahe. Hindi na siya umimik dahil sa mood na pinapakita nito ngayon.
Pinagmasdan na lamang niya ang kadiliman ng gabi. Tahimik na at wala nang pakalat-kalat sa daan. Tanging ang ilaw mula sa mga lamp post ang tanging gabay nila maliban sa ilaw na naggagaling sa sasakyan. Napabuntong hininga siya.
"Kung sana ganito rin ang buhay ko tahimik!" usap niya sa sarili at napalingon kay Jayson. Ang hindi niya inaasahan, lumingon din ito sa gawi niya, kaya napabawi siya agad ng tingin dito. Ginagap nito ang kanyang mga kamay. Napatingin siya sa magkahugpong nilang kamay. Nag-iinit ang kanyang mga pisngi tanda ng pamumula niya nang labis. Nakakasiguro siyang nagkukulay kamatis na ang kanyang mukha.
Bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang puso. Mukhang magkakaroon siya ng sakit sa puso dahil kay Jayson.
Muli na lamang niyang itinuon ang tingin sa labas hanggang sa makarating sila sa bahay nito.
Dali-dali siyang bumaba sa kotse. Papasok na sana siya noong isang bulto ng tao ang nakapagpatigil sa kanya. Nasa labas ito ng gate kung saan kitang-kita niya.
Sumikdo ang puso niya dahil sa kaba. Nagtagpo ang titig nila ng taong iyon.
Siya namang paglapit ni Jayson at napalingon din sa gawi na tinitignan niya.Maglakakad na sana siya para lapitan si Robert pero pinigilan siya ni Jayson sa braso. Napatitig siya sa kamay nito pagkatapos ay sa mga mata nitong naniningkit habang nakasulyap sa direksiyon ni Robert.
"Dont go!" ika nito na lalong nagpakaba sa kanyang dibdib. Umiling siya dito at kumakawala sa pagkakahawak nito.
"Kakausapin ko lang si Robert, Jayson."
Marahas siya nitong binitawan at hinarap.
"I said don't go," utos na parang paki usap nito.
Napalunok siya dahil sa kaba. May parte sa isip niya na gusto niya itong sundin, hindi nga lamang niya alam kung bakit ganoon ang pakiramdam niya.
Muli siyang lumingon sa gawi kanina ni Robert ngunit wala na ito. Kaya walang sabi-sabi ay napatakbo siya palabas ng gate.
Nakita niya ang likod ni Robert medyo malayo na ang nalakad nito palayo. Hindi niya nilingon si Jayson noong magpasya siyang habulin si Robert.
"Robert?!" tawag niyang medyo malakas. Napatigil naman ang lalaki pero hindi humarap sa kanya. Nanatili itong nakatalikod.
Unti-unti siyang lumapit. Namumuo ang mga luha sa mga mata na pinagmasdang mabuti ang lalaki mula sa likod nito. Hanggang sa nakaharap na niya ito.
Inaral ni Vivien ang kabuuan ngayon ni Robert. Medyo pumayat ito. Gulo ang medyo humaba nitong buhok. Tinubuan na ng balbas at parang hindi na nito naaayos ang sarili. Hindi niya mapigilang lumuha sa nakikita. Napabayaan ng husto ni Robert ang sarili.
Kaya walang kaabog-abog na niyakap niya ang lalaki. Hindi man lang ito tuminag sa kanyang ginawa. Kaya napabitaw siya ng yakap. Hinanap niya ang mga mata nito at tumitig doon.
Malungkot na tumitig ito sa kanyang mga mata. Ngumiti ito sa kanya at inabot ang kanyang mukha para punasan ang luhang patuloy na naglandas sa kanyang pisngi.
"Bumalik ka na doon," mahinang utos nito. Habang haplos pa rin nito ang kanyang mukha.
"Bakit ka narito?"
"Gusto lang kitang makita. Masilayan kung kamusta ka na ba kasama siya," gumaralgal ang boses ni Robert. Ipinikit niya ang mga mata para sa pinipigilan ding luha. Pero pagmulat niya, noong nakita ang patuloy na pagluha ng babaeng minamahal. Noong masilayan niya ang mga mata nitong nalulungkot para sa kanilang dalawa. Hindi na niya mapigilan ang bugso ng damdamin. Niyakap niya si Vivien at hinayaang bumagsak ang luhang noon pa niya kinikimkim.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...