Natatawa siya na kinikilig dahil sa walang humpay na mga bilin ni Robert. Kauupo pa lamang niya sa kotse nito nagsimula nang ibilin ang hindi niya dapat gawin.
"Remember okay, huwag kang makipagsayaw ng sweet. Sa mga babae mong friends ka lang makihalubilo. At dapat marunong kang tumanggi kapag inaya kang sumayaw ng mga lalaki." Ulit na bilin nito. Pababa na siya sa kotse pero napatigil siya.
Ngumisi siya at may kapilyahang naiisip.
"So anong gagawin ko, iburo ang sarili ko sa upuan? Um-attend pa ako kung hindi rin naman ako mag-eenjoy!" Nakanguso niyang saad na ikinakunot ng noo ni Robert. "Ang ganda ko kaya para hindi irampa," dagdag pa niya at mas lalong lumawak ang ngiti sa reaksiyon ng binata.
Marahas na bumuntong hininga ito at mukha nang problemado kaya lalo lang siyang napangisi.
"This is really not a great idea! Kung hindi lang ako pinapauwi ni Mama, guwardyado ka hanggang matapos iyang walang kwentang prom na iyan" maktol na saad ni Robert. Napataas ang kilay niya dito.
"Paanong walang kwenta, eh siya nga noon, hatid sundo pa ang prom date", sa isip niya at sinarili na lamang iyon. Baka kung magsalita pa siya ay hindi na siya iwanan nito. Okay lang naman sa kanya iyon, ang huwag nang umattend kaya lamang, sayang ang effort na ginugol ni Mrs Belen sa kanya.
"Oh siya,ingat sa pagda-drive pauwi. Salamat", paalam niya. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
"I'll be here at eight," paalala nito bago pa man niya maisara ang pinto.
"What? 10," sabi niyang tinapunan ito ng hindi makapaniwalang tingin.
"8:30," tawad nito na ikinasimangot niya.
"Umuwi na lang tayo!" maktol niya at muling pumasok sa kotse. Humalukipkip siya at busangot ang mukhang naupo.
Napabuntong-hininga ulit si Robert.
"Okay, 9pm." Suko nito sa kanya. Nangiti siya, kaya naman nahalikan niya ito sa pisngi bago tuluyang lumabas.
Hindi makapaniwalang nagawa iyon ni Vivien kaya naman halos hindi na niya lingunin ang kinaroroonan ni Robert.
Sa pagtapak niya sa venue, maraming mga mata ang agad na nakatingin sa kanya. May mga nabubulong bulungan habang pasulyap sulyap sa kanya.
Tipid siyang nangingiti sa mga bumabati sa kanya, ang iba ay hindi makapaniwalang siya iyon.
Hindi pandidiri ang nakikita niya sa mga mata ng iba kundi paghanga. Kaya naman taas noo siyang naglakad papunta sa designated place ng klase nila."Vivien!?"sigaw ni Carol at nilapitan siya. Tuwang tuwa ito na makita siya. Inilihim kasi niya na dadalo siya. Pinipilit siya nitong pahiramin ng gown pero tinanggihan niya.
"Oh my gosh! Ang ganda mo", bulaslas pa nito na nakakuha ng atensiyon ng ibang naroon. Sa lakas ba naman ng boses nito.
Kaya naman pinagkaguluhan na siya roon. Malawak ang ngiti niya sa lahat. Para lamang mapawi noong mapadako ang tingin niya sa madilim na sulok ng mga upuan. Mariing nakatitig sa kanya si Jayson. Nakasandal ito sa pader habang nilalaro ang cellphone sa kamay.
Napaiwas siya ng tingin dito dahil kinilabutan siya at kinabahan sa mga titig nito.
Hinila siya ni Carol at sa harap sila naupo.Sinundan sila ng iilan pang mga kaklase."Vivz, sayaw tayo mamaya ha" yaya ni Duane ang isa sa palabirong kaklase niya.
"Naku, huwag siya Vivz. Ako dapat ang firts dance mo" sabad sa kanila ni Bryce. Masasabi niyang isa ito sa guwapo sa klase nila. Kaya lang ay babaero. Madaming nililigawan. At mukhang prospect pa siyang isali sa babae nito.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...