Kabanata 14

222 40 82
                                    

Nagtataka at kinakabahan na si Vivien sa hindi pag-uwi ni Jayson maghapon. Alas siyete na ng gabi ngunit hindi pa rin niya ito mahagilap. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang nakahaing pagkain sa mesa. Malamig na iyon ngayon dahil kanina pa siya alas singko nakaluto. Maaga kasi siyang nagluto dahil hindi siya nakapagtanghalian. Medyo naging abala siya sa paglilinis at nakaligtaan niyang tumingin sa oras.

Kumakalam na ang kanyang sikmura, hindi na niya talaga kayang hintayin pa si Jayson. Kaya naman nagsandok na siya ng kanin at ulam, hindi na rin niya ininit iyon, gutom na talaga siya.
Nakailang subo palang siya noong marinig ang ugong ng motor. Napatayo siya at nagtungo sa pinto.

Nakangiti niyang pinagbuksan si Jayson, para lang mapawi ang malawak na ngiting iyon ng lasing na lalaki. Pagewang-gewang itong naglakad papasok. Hindi malaman ni Vivien kung ano ang gagawin. Bigla siyang nilukuban ng takot sa katawan.
Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Kung hindi lang nabuwal si Jayson dahil sa kalasingan, hindi siya kikilos upang ito ay lapitan.
Nabasag nito ang vase sa center table dahil natabig nito sa pagbagsak.

"Jayson?"

"Go away," mahina iyon pero mariin ang pagkakabigkas. Ginapangan ng takot sa buong katawan si Vivien.

Muli namang tumayo si Jayson. Tila may sariling isip ang kamay ni Vivien na umalalay pa rin sa lalaki. Kahit pa nga may takot ang sistema niya dito. Sa totoo lang, nakakatakot talaga kapag lasing o galit si Jayson. Ilang beses na niya iyon nasaksihan. Pagka't sa tuwing nagagalit ito na parang demonyo, laging naroon siya o kaya ay siya ang talagang dahilan ng galit nito.

Nahawakan niya ito sa kamay ngunit bigla din nitong tinabig ang hawak niya. Nagulantang siya at hindi nakakilos. Nagbabadya ang luha sa mga mata niya, lalo na noong makita ang galit at namumula nitong mga mata.

Umupo si Jayson sa sofa. Yumuko at dinukdok ang mukha sa sariling mga kamay.

"Just leave me alone Vivien. Huwag ka munang magpakita sa akin ngayon. Iwasan mo ako hangga't maaari. Magkulong ka sa kwarto. Basta tiyakin mong hindi kita makikita. Hindi ko alam kung anong magagawa ko, hindi ko alam kung paano ako makakatimpi! Kaya umalis ka sa harap ko!" Mahinang babala nito sa kanya. Nararamdaman ni Vivien ang tinitimpi nitong galit. Na sa ano mang oras ay sasabog ito at makagagawa ng ikakapahamak niya o nilang dalawa.

Pero hindi niya alam kung bakit kahit galit na ito, kahit na takot na siya. Ayaw sumunod ng mga paa niya para umalis sa harap nito. Mas lalo pa niyang gustong manatili sa tabi ni Jayson lalo pa noong mapagmasdan niya ang itsura ng lalaki. May mga gasgas ito sa paa. Namumula ang kamao na para bang may pinagsusuntok. May sugat din ang daliri nitong nakakuyom.

Lumapit siya at hindi inalintana ang babala nito kanina. Hinawakan niya ang kamay nito.
Sa gulat ni Jayson, napatayo siya at mahigpit na hinawakan sa braso si Vivien. Alam niyang mahigpit iyon dahil napaungol ang dalaga sa sakit.

"I said go away,Vivien!" sigaw sa kanya nito. Iniangat nito ang luhaang mukha.

Gulantang si Vivien noong mapagmasdan ang umiiyak na si Jayson. Puno ng pait at pighati ang mga mata nitong lumuluha. Maging siya ay napaluha na rin. Hindi lang dahil sa sakit ng pagkakahawak nito, kundi sa sakit na nakikita niya sa mga mata ng lalaki. Parang binibiyak ang puso niya. It was her firts time to see him broken. Tinaas niya ang isang kamay upang haplusin ang mukha nitong luhaan. Pumikit ito saglit, pagkatapos ay muli siyang hinarap.

"Leave me alone Vien,nakikiusap ako. I can't promise not to hurt you, so go!" Nahihirapan nitong pakiusap sa kanya. Padarag siyang binitawan nito. Itinulak bahagya.

Nasaktan man at gustong manatili, minabuting iwanan ni Vivien si Jayson. Hindi dahil natakot siya dito, kundi dahil sa pakiusap nito na para bang nahihirapan. Nahihirapang huwag siyang masaktan. Tinitimpi ang sarili para maging mabuti sa kanya kahit labag sa kalooban nito.

Nasa kuwarto na siya gutom at inaantok. Hindi na siya nakakain ng mabuti kanina. Hindi rin siya makatulog dahil sa naririnig na pagwawala ni Jayson sa sala. Pagkaakyat niya'y nagsimula na itong magbasag ng kung ano-ano.

Nakaupo siya sa sulok at nakayakap sa kanyang tuhod habang luhaan. Akala niya dati, siya ang pinakamalas na bata, siya ang pinakamalungkot. Pero noong makita si Jayson sa ganoong sitwasyon, parang si Jayson na ngayon ang gusto niyang iligtas sa madilim na butas. Pakiramdam niya si Jayson ang nasa malalim na hukay na iyon. Si Jayson ang hindi makaahon. Si Jayson ang alipin ng kadiliman,nang matinding kalungkutan. Hindi rin ito masaya, na konting pitik na lang, mawawala na ito sa sariling katinuan. Tuluyan ng magpapalamon sa kadiliman, mawawala na ng tuluyan.

Masama ang tingin niya kay Jayson sa umagang iyon, two days after their prom night. Kung nakakapatay lang ang tingin, kanina pa siguro bumulagta si Jayson dahil sa talim ng titig ni Vivien.

"Ang sarap tirisin ng buhay!" gigil na saad niya sa sarili habang nilalamukos ang papel na hawak. Ang saya-saya tignan ng lalaki habang nakikipagtawanan ito sa barkada. Parang walang gulong ginawa.

"Hoy, bruha! Nakailang libing na ba sa isip mo si Jayson. Mukhang kanina mo pa pinapatay ah!" Si Carol na nag-abot sa kanya ng nilagang mais. Kinuha niya iyon at inilagay sa bag. Kakainin niya iyon mamaya.

Napabuga siya ng hangin.

"Kamusta na si kuya Robert?" Umayos silang pareho ng upo. Magkatabi sila ng upuan sa likod.

"Okay na siya." Nakasimangot niyang sagot, ayaw na sanang maalala ang nangyari sa prom night. Pero heto at kahit ayaw niya, sa tuwing makikita niya si Jayson, nagpupuyos siya ng galit.

Paano kasi, napasugod si Robert sa venue dahil hindi siya agad pinakawalan ni Jayson. Napagbigyan na niya ito at hindi na siya pumalag para sa sayaw, pero noong magpaalam na aalis na siya, dahil naghihintay na nga si Robert, hindi siya pinagbigyan.
Tuloy mas lalong nagkagulo. Nagsuntukan ang dalawa. Buti na lang at marami ang umawat. Nakauwi silang ligtas ni Robert, iyon nga lang may black eye ito sa kanang mata.

"Tignan mo ang gagong iyan, makaasta parang walang kabulastugang ginawa. Kainis!" Bulaslas ni Vivien. Nasa labas kasi sina Jayson at nakikipag asaran sa barkada.

"Masaya yung tao ano ka ba? Balita ko nga, magbabaksyon daw iyan sa Amerika kasama ng ina. Taray no? Bakasyon grande sila." turan ni Carol habang nilalantakan ang nilagang mais.

Napaismid si Vivien . Naisip niyang iba na talaga ang mayaman, kahit maka-agrabyado ng kapwa, wala lang!
Sabagay mayaman ang mga ito, kayang bilhin kahit kasiyahan ng iba!

"Sana nga doon na lamang din tumira, para maenjoy ko naman ang buhay ko rito," piping saad niya sa sarili. Ayaw na rin niyang sabihin iyon kay Carol. Medyo balimbing kasi ito. Minsan kampi sa kanya, kadalasan kampi kay Jayson.

Muli niyang pinasadahan ng tingin si Jayson. Napakasaya nito ngayon. Kakaiba ang tawa nito. Biglang napabaling ang tingin nito sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa. Kinabahan siya samantalang ngumiti lang ito sa kanya.

"Tuwang-tuwa na may nabully na naman!" Inirapan niya ang nakangiti pa rin na si Jayson.

Iyon na pala ang huli niyang makita itong nakangiti nang hindi pilit.

Madaling araw na noong napanatag si Vivien, tumahimik na rin si Jayson, napagod at nakatulog na rin ito. Pero bago hilahin ng antok si Vivien. Nakapagpasya na siya ng gagawin kinaumagahan.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon