Akala ni Robert titigilan na siya ni Ex Mayor Valdez. Ngunit pagdating niya sa bahay nakaabang na ito sa may terasa. Babalik sana siya sa pinanggalingan pero alam niyang nakita na siya nito kaya nagtuloy-tuloy na lamang siya at inignora ang presensiya nito.
"Robert?" tawag nito sa kanya na nagpakulo sa kanyang dugo. Hanggang ngayon, ganoon pa rin ang epekto sa kanya ng matandang ex mayor.
"Umalis na kayo, kung makikiusap kayong pakisamahan ko ang unica hija niyo..." tumawa siya ng pagak. "Mabuti pang ilayo ninyo siya sa akin. Gagamitin ko lang siya para makahiganti sa inyo!" Maawtoridad na sambit niya. Nanatili siyang nakatalikod sa matanda.
"Anak..."
"Huwag na huwag niyo akong matawag-tawag na anak!" Sigaw niya sa matanda habang nanlilisik ang kanyang mga mata. Nag-igting ang panga niyang humarap dito. "Wala akong ibang magulang kundi ang aking ina! Non-existent ka sa akin kaya huwag na huwag mo akong tatawaging anak!" Galit na galit na sigaw niya sa matanda. Nanginginig ang kanyang mga labi sa galit.
Malamlam lang ang mga mata ni ex Mayor Valdez na nakatingin sa sariling anak. Anak na hanggang ngayon itinatakwil pa rin siya at hindi kinikilala.
Hindi niya masisisi si Robert. Sinaktan niya at ginamit ang ina nito. Pagkatapos ay parang basurang iniwanan lang basta-basta.
"Robert..."
"Tumigil na kayo!" Naghihimutok ang butse ni Robert. Nanginginig na siya dahil sa galit. "Umalis na ka na!"
Tinalikuran niya ito at akma nang bubuksan ang pinto."Anak, pakinggan mo ako please!"
Napapikit si Robert sa matinding init ng ulo. Tila lahat ng dugo niya ay umakyat sa kanyang utak.
"Pinakinggan mo ba ang aking ina noong nangangailangan siya? Hindi 'di ba?"
Hinarap niya ang matanda. Mabalasik ang mga mata niyang humarap dito. Namumula rin ang mga matang nakatitig sa matanda. Tila ba mangangain ng tao dahil sa galit na pinapakita niya.
Sakay ng tricycle nagtungo silang mang-ina sa hospital kung saan nakaratay ang kanyang lola Basya. Naatake ito ng high blood at ngayon ay nag-aagaw buhay na.
Walang humpay ang iyak ni Mrs Belen. Ang tanging makakasalba sa buhay ng kanyang lola ay ang operasyon nito sa ulo para tanggalin ang namuong dugo. Dahil sa highblood nagkaroon ito ng aneurysm.
Nakiusap ang kanyang ina sa doctor na operahan na ito. Isusunod ang perang ibabayad. Pero gaya ng ibang hospital, pera muna bago operahan ang isang pasyente.
"Mga mukhang pera!" sambit niya. Sampong taong gulang lamang siya pero naiintindihan na niya ang lahat!
Nasa labas siya ng opisina ng doctor nang dumaan ang noon ay Mayor na si Eduardo Valdez. Kasama nito ang pamilya. Ang asawa nito at ang isang siyam na taong gulang na babae.
Naglilibot ang mga ito sa hospital bilang pangangampanya, buwan iyon ng Abril, huling buwan bago ang eleksiyon.
Nagkatinginan sila ng batang babae. Bumitiw ito sa pagkakahawak sa ama at kinawayan siya. Malawak ang ngiti sa labi.
Hindi siya kumaway pabalik. Tinanguhan niya lamang ito. Nagawi ang tingin ng Mayor sa kanya. Nagtaka siya dahil gulat ang rumehistro sa mukha nito.
Ipinagkibit balikat niya ang reaksiyon ng Mayor. Naisip niyang dahil siguro hindi naman niya nakakasalamuha ito kaya ganoon na lamang ang gulat na makita siya. Isa pa, two years ago lang sila napadpad ng kanyang ina sa San Agustin. Noong humina ang katawan ng kanyang lola Basya, nagpasya si Mrs Belen na umuwi na sa kinalakhang lugar.
BINABASA MO ANG
Hate To Love You (Completed)
General FictionMay mga nakaraan tayong pilit kinakalimutan. Nakaraang sumusubok sa ating katatagan. Paano kung ang nakaraan na iyon ay mag-iwan ng malaking sugat. Sugat na kahit maghilom man ay mag-iiwan naman ng malaking pilat. Pilat na magpapaalala ng sakit at p...