Kabanata 41

208 18 20
                                    

Tahimik niyang binabaybay ang daan habang nagmumuni-muni. Ang malamig na hangin sa umaga ay dumadampi sa kanyang balat. Tahimik ang lugar na para bang walang tao sa mga kabahayan na kanyang nadadaanan. Minabuti niyang namnamin ang katahimikan ng paligid habang naglalakad. Pilit niyang winawaksi ang lungkot sa kanyang puso.

Nang ang katahimikan na iyon ay napalitan ng ingay mula sa plaza. Naulinigan niya ang tila pa pagtatalumpati ng isang tao. Napadako tuloy ang tingin niya sa mga nakasabit na Tarpaulin sa paligid. Buwan ng Abril, botohan na naman. Gusto niya sanang umiwas doon pero wala naman siyang ibang dadaanan patungong sementeryo.

Wala siyang magawa kundi ang magpatuloy. Abala naman ang mga tao kaya walang makakapansin sa kanya. Meron man siguro pero alam niyang hindi na siya makikilala ng mga iyon.

Nasa mismong plaza na siya. Malakas ang hiyawan ng mga tao at palakpakan. Katatapos lang ng talumpati ng isang kandidato. Hindi niya tuloy maiwasang sulyapan ang taong pinapalakpakan. Siya namang pagbaling ng tingin nito sa gawi niya. Kasalukuyang itong kumakaway sa mga tao.

Napatigil siya nang mapagsino iyon. Maging ang lalaki ay napatda nang makita siya. Pero agad din naman nakabawi. Kinawayan siya nito pagkatapos ay tumakbo sa gawi niya.

"Vivien," nakangiting tawag nito sa kanya. Makisig itong tignan kahit plain na t-shirt na may mukha lang nito ang suot.

"Robert," tawag niya rin dito na nakangiti. "Kamusta na? Nasa pulitika ka?"

Napatawa ito sa tanong niya at napakamot ng ulo.

"Si Papa ang may pakana. Gusto niya akong tumakbo bilang Mayor," sabi nitong nahihiya. Alam niya kung sinong Papa ang tinutukoy nito. Si Ex Mayor Valdez. Lalong lumawak ang ngiti niya sa labi. Kahit hindi siya magtanong, alam niyang maayos na ang relasyon ni Robert sa ama nito.

Babatiin niya sana ito noong may tumawag sa lalaki. Nagkatinginan sila.

"Give me Five minutes Greg. Babalik ako," sigaw nito sa lalaking tumawag dito. Saka bumaling sa kanya. "Let's talk," sabi nitong iginiya siya sa may bench sa plaza. Pinagtitinginan sila ng mga tao pero wala yata itong pakialam.

Nang makaupo sila. Agad itong humarap sa kanya, tumagilid ang ulo nito at tinitigan siya. Tapos ay hinila siya nito para mayakap.

"I miss you. Saan ka ba nagsusuot?" Bulong nito na nagpagaan sa kanyang dibdib. Akala niya noong maghiwalay sila, nagalit ito ng tuluyan sa kanya.

"Hinanap ko ang sarili ko," sagot niya. Inilayo siya nito sa katawan at tinitigan.

"Lumayo ka para maghanap? E nahanap mo ba?" may naglalarong ngiti sa labi nito. Napailing siya.

"Dito ko rin lang pala mahahanap," sagot niya.

Ngumisi ito.

"Nandito si Jayson," dagdag niya bago man may maisip itong iba sa sinabi niya. Akala niya magbabago ang ekspresyon ng mukha nito pero mas lalo pang lumawak ang ngisi nito.

"Alam kong siya lang ang makakabuo sa iyo Viv. Kaya lang huwag mo akong kalimutan, nandito lang ako naghihintay," palatak nito.

Hinampas niya ito sa balikat.

"Si Elaine kamusta?" tanong niyang may pang-aasar. Hindi niya alam kung tama bang inungkat niya ang tungkol sa babae.

"Okay sila ni Roaine. Dumadalaw ako sa kanila sa America twice a year for a month vacation . May baby girl wants her dad, kaya pingbibigyan ko," pagmamalaki nitong saad.

Tila ba gumaan lalo ang pakiramdam ni Vivien. Sa tingin niya malaki ang pinagbago ni Robert. Hindi lang sa physical, kundi maging ang pag-uugali nito, halata niyang napakalaki ng pagbabago. Impact siguro nang pagkakapasok nito sa pulitika at ng maraming taon ng pagkakahiwalay.

   Hate To Love You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon